^

PSN Showbiz

Carlo sumusulat ng theme song nila ni Angelica

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Hindi na talaga mapipigilan ang sweetness nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban. Hindi naman ito dapat pagtakhan dahil eight years na silang magkakilala. Ngayon ay umabot sa point na kilalang-kilala nila ang isa’t isa.

Isang nakakakilig na pangyayari sa dalawa ay nangyari sa set ng Berks. Nangako si Carlo na susulat ng song na magiging theme song nila. Ibinida ito ni Carlo sa direktor nilang si Gilbert Perez at ayon kay Carlo, ipaparinig muna niya kay Direk Gilbert ang nasabing song bago niya official na iparinig kay Angelica.

Talagang nahihilig sa music si Carlo. Kunsabagay, nasa linya naman ng kurso niya sa school. He is entering his 2nd year next school year sa University of the Philippines College of Music. He is taking up classical guitar.

Sa mga Carlo-Angelica followers, abangan ninyo ang nasabing theme song ng dalawa na una ninyong maririnig sa mga darating na episode ng Berks.
* * *
May konting tampo si Sarah Christophers dahil inakala niyang sila ni Marc Acueza ang official na magiging magka-loveteam. Nagulat na lang si Sarah dahil unti-unti niyang napapansin na napu-focus kina Hazel Ann Mendoza at Marc ang kuwento sa Berks. Wala namang lakas ng loob ang pretty teener na magtanong sa writers ng show tungkol sa isyu. But she hopes na later on ay sila ni Marc pa rin ang magiging magka-loveteam. Heard na dahil sa closeness nina Hazel Ann at Marc, may mga pagkakataon na nagiging cold sa isa’t isa sina Sarah at Hazel.

Lalo pang naaapektuhan si Sarah kapag tinatanong siya ng kanyang mga fans about Marc. Aware si Sarah na may mga fans siya na gusto si Marc na maging ka-loveteam niya.
* * *
Biktima na naman si Onemig Bondoc ng maling balita. Lumabas sa isang tabloid (hindi PSN) na iiwanan na ng binatang aktor ang ABS-CBN at lilipat na sa GMA 7. Ang road manager ni Onemig na si Vangie Aguilar ang na-quote sa nasabing write-up ng isang reporter. But Vangie was quick to deny what was written.

"How can that happen we’re very much in contract with ABS-CBN. Masaya si Onemig sa nangyayari sa career niya sa ABS-CBN. He has a new show coming up and he started shooting a movie with Assunta (de Rossi), Joyce (Jimenez) and Aiai (delas Alas) under Star Cinema. Nakakahiya naman kay Mr. Manahan. Just to set the record straight, hindi lilipat sa anumang istasyon," paliwanag sa amin ni Vangie.

Nakakatawa talaga minsan ang ilang kasamahan sa panulat. Basta na lang magku-qoute ng tao, hindi naman pala nainterbyu ang kanilang subject. Ayan tuloy, nadi-deny.
* * *
Nanghihinayang si Vilma Santos na hindi siya nakarating sa awards night ng Film Academy of the Philippines na ginanap sa UP Theater. Hindi natanggap ni Vilma ang kanyang Best Actress award. Siya ang tinanghal na Best Actress for her performance para sa pelikulang Dekada ’70. Si Ms. Tess Fuentes, Star Cinema supervising producers ang tumanggap ng award in behalf of Vilma.

Birthday ni Ryan Philipp noong Sabado at inabot ng gabi ang party nito. Ryan turned eight noong Sabado.

Ang FAP Awards ang ikaapat na Best Actress ni Vilma for the said movie. Nauna na siyang pinarangalan ng Young Critics Circle, Pasado Awards at Star Awards for Movie. Bale ito naman ang ikalima ni Piolo Pascual na tinanghal namang Best Supporting Actor.

Sa sunud-sunod na panalo ni Vilma, walang duda na siya talaga ang nagbigay ng pinakamahusay na performance sa nakaraang taon. Sa nalalapit na Gawad Urian, si Vilma rin ang sinasabing pinapaboran ng mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Sometime this month din ang awards night nito.

Congratulations kay Vilma at sa iba pang winners sa nakaraang FAP Awards!

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

BEST ACTRESS

BEST SUPPORTING ACTOR

BUT VANGIE

CARLO AQUINO

DIREK GILBERT

FILM ACADEMY OF THE PHILIPPINES

STAR CINEMA

VILMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with