^

PSN Showbiz

Product endorser si Lola!

- Veronica R. Samio -
Marami ang hindi nakakaalam na isa nang lola ang seksing singer na si Mystica. May anak na ang kaisa-isa niyang anak na lalaki na siyang source ng kanyang happiness at inspirations at the moment.

Isa pa ring hindi alam ng marami ay ang pangyayari na isa siyang accomplished singer at nakapag-perform na sa stage na kung saan ay nag-perform din sina Barbra Streisand, Liza Minnelli, Whitney Houston, Mariah Carey, Celine Dion, Gladys Knight at marami pang iba.

Pero, sa mga bagay na masasabing napaka-private, including her lovelife, tila wala nang maitatago pa si Mystica.

"Ewan ko ba, gusto ko lang maging transparent nang hindi nila ako huhusgahan pero siguro, this is asking for the impossible.

"Maski na ang style ko ng pagkanta ay hinusgahan gayong gumagamit lamang ako ng mga salita at body language para maipaabot ang mensahe ng aking awitin," aniya.

Hindi lang niya alam kung sa pagiging image model ng Renew Placenta Beauty Soap, Beauty Cream and Body Lotion ay gagawan pa rin nila siya ng intriga at kontrobersya.

"Bahala sila. Basta ako, hindi na ako gumagamit ng make-up simula nang gumamit ako ng Renew Placenta. At kahit kanino sinasabi ko na may apo na ako. Of course, marami ang nagugulat dahilan sa hindi ito nakikita sa skin ko. At maski na sa katawan. O mukhang lola ba ako?" tanong niya sabay pakita ng napaka-lalim niyang cleavage.

Pero, nagbigay babala si Mystica sa mga gumagamit ng Renew Placenta. "Tiyakin n’yo lang na hindi fake ang binibili n’yo. Ang tunay ay yung mga nakalagay sa berdeng mga kahon at gawa ng PF Cosmetics at ipinamamahagi ng Psalmstre’ Enterprises.
*****
Bukas, maghu-host ang Mowelfund ng Mowelfund Night at the CCP sa Little Theater. Tatampukan ito ng isang photo exhibit, 6 n.g.

Pinamagatang Iba’t Ibang Mukha sa Pelikula, matutunghayan dito ang isang galerya ng mga larawan ng mga kilalang artista na kuha ng 200 potograpo na sasali rin sa isang rare photo shoot event na magaganap sa Mowelfund Plaza.

Sa ika-7 n.g., ilulunsad naman ang libro ni Nick de Ocampo na pinamagatang Cine: Spanish Influences On Early Cinema in the Philippines.

Magsisilbing highlight ng gabi at ng selebrasyon ng ika-29 anibersaryo ng Mowelfund ay ang night of entertainment na magtatampok ng mga musical numbers at video presentation ng mga movie workers na nakatulong sa development ng movie industry.

Magbibigay din ng awards sa mga taga-showbiz na nakapagbigay ng serbisyo sa industriya sa labas nito tulad ni Rosa Rosal.
*****
Inilabas na ang talaan ng anim na official entries para sa Manila Film Festival

1)
Ang Huling Birhen sa Lupa, Jaggs Films

2)
Pangarap Kong Ibigin Ka, Viva Films

3)
Sanib, MAQ Productions

4)
Putik, Imus Productions

5)
Alab ng Lahi, RP Productions

6)
Operation Balikatan, Premier Productions
*****
Tuloy pa rin ang pa-raffle ng Knorr, ang "Knorr K-Sarap ng Buhay: Pa-Knorr-in ang Telebabad, Panalunin ang Pamilya" na nagbibigay ng mahigit sa P6M worth of cash and prizes. P1.8 M ang mapapanalunan sa grand draw.

Siguro naman, nanonood kayo ng Telebabad ng GMA na siyang requirement ng pakontes. Maaari pa kayong sumali hanggang Abril 13. Ilista ang mga produkto ng Knorr na aapir sa screen ng inyong TV set sa loob ng limang araw. Ilagay sa puting envelope kasama ang pangalan, adress, contact number, signature at tatlong label o pack ng 3 Knorr products o variants. Sa labas ng envelope, isulat pangalan ng promo at ang week number. Ihulog ang mga entries sa GMA at sa mga grocery at supermarket.

AKO

ANG HULING BIRHEN

BARBRA STREISAND

BEAUTY CREAM AND BODY LOTION

BEAUTY SOAP

CELINE DION

MYSTICA

RENEW PLACENTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with