^

PSN Showbiz

Newscaster nagmamaldita

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Sino kaya ang newscaster na ito ng isang malaking network na kinaiinisan ng kanyang mismong staff?

Hindi lang ang kanyang staff at crew ang inis sa babaeng newscaster na ito, kundi pati ang kanyang mga kasamahan sa kanilang departamento, dahil masyado raw mayabang at maldita ang naturang newscaster.

Ilabas na natin sa pahulaan ang personalidad na madalas ding mapabalitang maldita, ang ngayo’y nagso-showbiz na ring newscaster na katuwang ng isang magaling na talk show host na babae, dahil hindi ito ang tinutukoy ng kuwentong ito.

Minsang may nasagasaang malaking balita ang tinutukoy na newscaster sa kuwentong to ay humahangos siyang pumasok sa news room, walang karespe-respeto niyang sinabihan ang mga tao du’n na ipasok ang kanyang balita, dahil malaking isyu ’yun.

Ang sagot ng kanyang kausap ay hindi puwedeng basta na lang isingit ang balita sa tumatakbo ng programang pangbalitaan, kailangan pa munang ipapanood ang materyales sa mga namumuno sa departamento, ganu’n ang proseso sa pagsala nila ng mga balita.

Padabog at pamalditang sumagot ang babaeng newscaster, "Kayo na nga ang tutulungan, ayaw n’yo pa?!" sabi niya, sabay hablot sa video footage ng kung anumang balitang ipinagmamalaki niya.

Ayon sa aming impormante ay hindi lang miminsang ginawa ’yun ng newscaster, maraming beses na, ang gusto raw ng taong ito ay ipasok agad ang kanyang trabaho dahil maganda ang kanyang interbyu.

Ang punto naman ng aming kausap, gaano man kaganda ang isang panayam o isang coverage ay kailangan pa ring dumaan ang kopya no’n sa mga tagapamuno, marami pang kailangang pagdaanan ang isang materyales bago ’yun tuluyang maiere.

Ayaw ng babaeng newscaster na dumadaan sa ganu’ng proseso ang kanyang trabaho, responsible raw siyang mamamahayag, kaya alam niya kung ano ang nararapat at hindi sa isang binubuong istorya.

Sayang, maganda pa raw naman sana ang babaeng ito na sinasabing kahawig ng isang sikat na sikat na artista, pero opinion ng aming mga nakakausap, sana’y bahaginan din niya ng kanyang pisikal na kagandahan ang paraan ng pakikitungo niya sa kanyang mga katrabaho.
* * *
Aminado si Kris Aquino, pagkatapos nilang maghiwalay ng ama ni Joshua na si Phillip Salvador, kaagad-agad ay nagkaroon agad siya ng isang karelasyong iningatan lang niyang huwag mapagpistahan.

Ilang buwan lang ang itinagal ng kanilang relasyon, sabi ni Kris, kaya hindi gaanong natutukan ng showbiz ang istoryang ’yun.

Iba ang nangyari sa kanilang relasyon ni Mayor Joey Marquez, kung gaano kabilis na nabuo ang kanilang damdamin para sa isa’t isa ay ganu’n din katulin na ginutay-gutay ang kanilang relasyon, dalawang buwan tumagal ang kontrobersiya sa kanila ni Alma Moreno.

Hanggang ngayon nama’y pasundot-sundot pa ring nasusulat ang kontrobersiya sa kanilang pagitan, tulad nu’ng hindi siya dumating sa kasal ni Ruffa Gutierrez, ang kuwentong lumabas ay iniwasan daw kasi niyang magkatagpo ang landas nila ng ina ng mga anak ni Mayor Joey, kaya hindi siya sumipot.

May taping si Kris nang hapong ’yun, dalawang episodes ng Morning Girls ang kailangan nilang i-tape ni Korina Sanchez, dahil paalis noon ang newscaster para sa isang espesyal na trabahong kailangan nitong gawin sa Iraq.

Kung si Kris ang tatanungin ay mas gusto niyang dumalo sa okasyon dahil kaibigan niya si Ruffa, pangalawa ay tiyak na sa kanya na naman masesentro ang atensyon ng tao dahil sa pagkikita nila ni Alma, ’yun ang mga kaganapang parang suwerong mas nagpapatkbo sa dugo ni Kris.

miminsang ginawa ’yun ng newscaster, maraming beses na, ang gusto raw ng taong ito ay ipasok agad ang kanyang trabaho dahil maganda ang kanyang interbyu.

Ang punto naman ng aming kausap, gaano man kaganda ang isang panayam o isang coverage ay kailangan pa ring dumaan ang kopya no’n sa mga tagapamuno, marami pang kailangang pagdaanan ang isang materyales bago ’yun tuluyang maiere.

Ayaw ng babaeng newscaster na dumadaan sa ganu’ng proseso ang kanyang trabaho, responsible raw siyang mamamahayag, kaya alam niya kung ano ang nararapat at hindi sa isang binubuong istorya.

Sayang, maganda pa raw naman sana ang babaeng ito na sinasabing kahawig ng isang sikat na sikat na artista, pero opinion ng aming mga nakakausap, sana’y bahaginan din niya ng kanyang pisikal na kagandahan ang paraan ng pakikitungo niya sa kanyang mga katrabaho.

ALMA MORENO

DAHIL

ISANG

KANYANG

NEWSCASTER

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with