May misyon ang Magpakailanman
March 30, 2003 | 12:00am
Isang bonggang launching ang ibinigay ng GMA 7 para sa second season ng Magpakailanman hosted by Mel Tiangco. Ginanap ito nung Huwebes ng gabi sa Garden Tent ng Westin Philippinhe Plaza. Hindi lamang si Mel ang nagsilbing panauhing pandangal, hindi rin ang kanyang anak na si Wency Cornejo na umawit ng theme song ng weekly drama anthology kundi ang marami sa mga tao na ang istorya ay ginamit at isinadula para magbigay ng inspirasyon sa mga manonood. Kasama na rito ang mag-asawang Mila at Wowel Mercado, isang brain injured na milagrong nagising matapos ang mahabang coma; ang kidney patient na si Tootsie Lagus na makaraan ang 17 taon simula nang palitan ang kanyang kidney ay patuloy pa rin sa normal na takbo ng kanyang buhay.
Naroroon din sina Mayor Joey Marquez na hindi ang career ang ginawang pokus ng dula kundi ang hindi magandang relasyon nila ng kanyang ama. Dumating din si Ricky Reyes na ang istorya ay isa sa kumuha ng pinaka-mataas na ratings para sa show. Ipinakita kung paanong ang isang bading ay nakaraan sa mahigpit na pagsubok at panlalait ng kanyang kapwa dahil lamang sa siya ay bakla.
Cute naman ang pinaka-matandang mag-aaral sa high school sa La Salle na si Tatay Nick. Sa mga susunod na kabanata, mapapanood ang istorya nina Senador Juan Flavier, Snooky Serna, Manny Pacquiao at Janet Clemente.
Dahilan sa tagumpay na nakamit ng Magpakailanman, inilipat ito ng GMA7 mula sa Lunes na timeslot nito sa Huwebes, simula sa Abril 3. Tampok ang kuwento ng buhay ni Janet Clemente, kauna-unahang Pinay na nahatulan ng bitay sa bansa. Gagampanan ni Dina Bonnevie ang kanyang role.
Gaya nga nang sinabi ni Mel Tiangco, di lang ratings ang habol ng programa, di lang para kumita, layunin nito na bigyan ng inspirasyon, pagasa ng balang araw ay makikita natin ang liwanag at maaabot ang ating mga pangarap.
Hindi pala nag-iisa sa kanyang pamilya si Bearwin Meily na pumasok ng showbiz. Kapatid niya ang direktor na si Mark Meily na ang asawa ay isang cinematographer. Isa pang kapatid niya si Emil Sandoval, isa ring aktor.
"Parang na-inspire kami ng mom ni Emil (Chona Sandoval) na mag-artista rin," imporma ng komedyante na regular na napapanood sa Bida si Mister, Bida si Misis, topbilled by Cesar Montano and Maricel Soriano.
Kasalukuyan pa rin napapanood ang You and Me Against the World ng FLT.
Ginagawa rin niya ang Crying Ladies na nagtatampok kina Sharon Cuneta at Hilda Koronel at Asbhoob (Asal Bobo) with an all-star cast led by Eddie Garcia, Joey Marquez, Jeffrey Quizon, Paolo Contis, Long Mejia, Aiai delas Alas at Anjo Yllana.
Kung hindi sana siya lubhang busy, nakasama sana siya sa Masamang Ugat ng Viva. Tampok dito sina Ace Vergel at Mikey Arroyo. Best friend niya si Mikey na siyang nag-imbita sa kanya para sumali sa movie.
Binagayan si Bearwin ng napakalaking bawas sa kanyang timbang na dulot ng isang operasyon sa gall bladder.
Dumarami ang manonood ang bagong sitcom ng RPN 9 na pinamagatang Kopi Shop. Nagsimula itong mag-airing nung Marso 17 at simula nun, it has always been a riot of laughter.
Ang cast ay binubuo nina Jaime Fabregas, Lara Morena, Ben Sagmit, Chris de Guzman, Choy Gabriel, Thamie Andrada, Wendy Fernando at Mico Cruz. Direktor si Victor de Guzman. Tini-tape ang Kopi Shop tuwing Martes sa isang istudyo sa corner ng Miyapis at Bakawan sa Makati.
Naroroon din sina Mayor Joey Marquez na hindi ang career ang ginawang pokus ng dula kundi ang hindi magandang relasyon nila ng kanyang ama. Dumating din si Ricky Reyes na ang istorya ay isa sa kumuha ng pinaka-mataas na ratings para sa show. Ipinakita kung paanong ang isang bading ay nakaraan sa mahigpit na pagsubok at panlalait ng kanyang kapwa dahil lamang sa siya ay bakla.
Cute naman ang pinaka-matandang mag-aaral sa high school sa La Salle na si Tatay Nick. Sa mga susunod na kabanata, mapapanood ang istorya nina Senador Juan Flavier, Snooky Serna, Manny Pacquiao at Janet Clemente.
Dahilan sa tagumpay na nakamit ng Magpakailanman, inilipat ito ng GMA7 mula sa Lunes na timeslot nito sa Huwebes, simula sa Abril 3. Tampok ang kuwento ng buhay ni Janet Clemente, kauna-unahang Pinay na nahatulan ng bitay sa bansa. Gagampanan ni Dina Bonnevie ang kanyang role.
Gaya nga nang sinabi ni Mel Tiangco, di lang ratings ang habol ng programa, di lang para kumita, layunin nito na bigyan ng inspirasyon, pagasa ng balang araw ay makikita natin ang liwanag at maaabot ang ating mga pangarap.
"Parang na-inspire kami ng mom ni Emil (Chona Sandoval) na mag-artista rin," imporma ng komedyante na regular na napapanood sa Bida si Mister, Bida si Misis, topbilled by Cesar Montano and Maricel Soriano.
Kasalukuyan pa rin napapanood ang You and Me Against the World ng FLT.
Ginagawa rin niya ang Crying Ladies na nagtatampok kina Sharon Cuneta at Hilda Koronel at Asbhoob (Asal Bobo) with an all-star cast led by Eddie Garcia, Joey Marquez, Jeffrey Quizon, Paolo Contis, Long Mejia, Aiai delas Alas at Anjo Yllana.
Kung hindi sana siya lubhang busy, nakasama sana siya sa Masamang Ugat ng Viva. Tampok dito sina Ace Vergel at Mikey Arroyo. Best friend niya si Mikey na siyang nag-imbita sa kanya para sumali sa movie.
Binagayan si Bearwin ng napakalaking bawas sa kanyang timbang na dulot ng isang operasyon sa gall bladder.
Ang cast ay binubuo nina Jaime Fabregas, Lara Morena, Ben Sagmit, Chris de Guzman, Choy Gabriel, Thamie Andrada, Wendy Fernando at Mico Cruz. Direktor si Victor de Guzman. Tini-tape ang Kopi Shop tuwing Martes sa isang istudyo sa corner ng Miyapis at Bakawan sa Makati.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am