^

PSN Showbiz

Ayaw nang magmahal ni Barbara

- Veronica R. Samio -
Maganda naman si Barbara Milano at maituturing na nasa peak ng kanyang career. Pero, bakit wala siyang lovelife?

"Ewan ko ba na-trauma na yata ako.

Hindi ko naman isinara ang puso ko. Katunayan, open ako. Tumatanggap naman ako ng suitors. Pero, siguro, totoo yung kasabihan na kapag maganda ang career ko, magsa-suffer naman ang lovelife ko," anang artista na muli ay nagpakita ng kakayahang magpakita ng katawan at maging ng kanyang talino sa pag-arte sa Virgin People 3.

"Mag-iisang taon na ang movie sa May. Tandang-tanda ko pa na nagshooting lang kami ng bahagya para dito, tapos nagpahinga na kami para sa Holy Week."

Dapat ay kasama siya sa Masamang Ugat ng Viva Films na nagtatampok kina Ace Vergel, Mikey Arroyo at Maui Taylor pero, sa kadahilanang di niya batid, di siya natuloy dito.

"Di naman ako nanghihinayang kung nawala man ito. Sa buhay ko kasi, kapag may nawala mas malaki ang bumabalik. At saka sinabi naman sa akin ng Viva na may plano sila para sa akin.

"Payag naman akong mag-support basta okay lang ang role. At saka alam ko naman na kapag Viva, maganda ang pelikula," dagdag pa ni Barbara.

Ang Virgin People 3 ay pagpapatuloy ng tradisyon na sinimulan ni Celso Ad Castillo sa unang bersyon nito. Bagaman at sa ikatlong bersyon ay naiba na ang istorya. Narun pa rin ang conflict sa tatlong magkakapatid na babae na nag-ugat sa pagdating ng isang lalaki sa kanilang lugar at gumising sa kanilang mga sexual desires.

Tampok din sina Allona Amor at Monina Perez.With Richard Quan at Allen Dizon.
*****
Papayag ba si Anna Dizon na hindi maging bongga ang kasal niya kay August Flor bukas? Syempre, hindi. Lalo’t may ikakaya naman siya at matagal na niyang pangarap ang makasal sa simbahan.

Kasama sa impressive list ng sponsors sina Kuya Germs, Mr. Raul Roco, Gen. Rodrigo Gutang, Usec Epifanio Lacap, Nonoy Tan, Dir. Resty de Quiros, Gina de Venecia, Usec Agnes Devanadera, Celia Rodrigiuez, Lolit Solis at marami pa.

Tatlong milyong bulaklak ang gagamitin, magkakaroon pa ng gazebo of flowers sa reception sa Edsa Shangri-La. Host si Jackie Castillejo.
*****
Usung-uso ang mga kasalan ngayon. Di lang sa showbiz kundi maging sa labas nito. Yung 2nd son ko, nag-decide ding magpakasal na. Okay na, of age na naman siya at 26. Hindi na rin bata ang mapapangasawa niya na a few years younger than him.

Pero, di pala ganun kadaling magpakasal ngayon. Kahit gaano kasimple ang preparasyon, malaki rin ang gastos. Mahal ang simbahan at kailangang mag-book ka pa ng mga ilang buwan dahil marami nga ang nagpapakasal.

Kaya naman pala, marami ang hindi na dumaan sa proseso ng pagpapakasal, nagsasama na lamang, dahil sa napaka-laking gastos. Okay kung masasama ka sa Mass Wedding. Pero, kasi, marami na ring may pera ang nagpa-participate dito. Siguro, dahil sikat ang magiging ninong at ninang nila, mayor at misis ni mayor. Kung ma-swerte-swerte ka pa, presidente pa ng Pilipinas ang magiging ninang mo. Wala pang hassle sa mga papeles. Ewan ko lang kung sa mga ganitong kasalan ay sinusunod pa rin yung mga requirements na seminars (church and city hall) at marriage bans.

Pero, tayong Pilipino, talagang mahilig sa kasal. Ako nga, I find it enjoyable na manood ng kasal. Nakakaaliw tingnan yung mga damit na suot ng mga kasali sa kasalan. Ganito rin tayo ka-enjoy manood ng fashion show, live man o kahit nasa dyaryo. Maraming babae ang thrilled sa mga suot ng mga dumalo sa katatapos na Oscars. Sa halip na mainggit dahil ang mamahal ng mga suot nila, nag-enjoy ako, tayo, di ba?

ACE VERGEL

ALLEN DIZON

ALLONA AMOR

ANNA DIZON

AUGUST FLOR

NAMAN

PERO

VIRGIN PEOPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with