Official entries ng MFF, tatanggap ng P1-M
March 27, 2003 | 12:00am
Handa na rin ang executive committee sa pangunguna ni Mayor Lito Atienza sa pagdiriwang ng Manila Film Festival ngayong Hunyo. Ngayon pa lang ay excited na ang mga scriptwriters dahil ang mapipiling scripts para sa pitong entries ay tatanggap din ng P1M.
Ayon sa butihing alkalde, ang listahan ng aspiring scripts ay malalaman sa March 31 at sa May 23 ay malalaman naman ang pitong official entries sa Manila Film Festival.
Tatanggap din ng P100,00 ang mananalong scriptwriters. Magsisimula ang festival sa June 12.
Tuloy na ang kandidatura ni Alma Moreno bilang alkalde ng Parañaque sa darating na eleksyon. Handa na ito sa kanyang mga campaign strategy sa tulong ng ilang mga kababaihan ng nabanggit na lungsod.
Hindi na naman bagito si Ness sa pulitika dahil noong time na nagsasama pa sila ni Mayor Joey Marquez ay katuwang niya ito sa maraming proyekto.
Nalagay sa intriga si Angelika dela Cruz dahil sa pahayag ni Keempee de Leon na naging girlfriend siya nito. Kung hindi titigil ang aktor sa kasasalita niya tungkol dito ay baka magsalita na rin ang mga taong higit na nakakaalam tungkol sa ginawa nitong panliligaw sa young actress.
Naging close sina Keempee at Angelika pero hindi dumating sa puntong naging magnobyo sila dahil hindi siya ang tipo ng lalaking gustong maging nobyo ni Angel.
Maraming nagtatanong kung nasaan na si Anton Bernardo lalo na ngayong kasagsagan ng bold o sexy movies. Nasa Japan pala ito at kumakanta at halos talong buwan na siya roon. Malaking tulong din ang kanyang kinita doon para makapagpatayo ng sariling negosyo. Dumating na sa bansa kamakailan ang aktor.
Huling pelikula nito ang Bedtime Stories bago tumulak ng Japan.
Dating alaga si Anton ng aming kaibigang si Allen Villalon at sinabing marunong itong tumanaw ng utang na loob sa mga taong nakakatulong sa kanya kaya malapit din dito ang grasya.
Naimbyerna ang sumisikat na sexy star dahil hindi siya nabayaran ng kompanya na gumagawa rin ng pelikula matapos na mag-endorso ng kanilang sabong pampaganda. Ilang beses na itong naningil kaya lang dedma pa rin ang produ.
Ngayon nalagaya sa malaking eskandalo ang movie company ay nagpahayag ang aktres ng "Ayan, nakarma tuloy sila dahil hindi marunong magbayad ng utang," aniya.
Isa ang sexy actress sa mga bida ng pelikulang kalalabas pa lang.
Ayon sa butihing alkalde, ang listahan ng aspiring scripts ay malalaman sa March 31 at sa May 23 ay malalaman naman ang pitong official entries sa Manila Film Festival.
Tatanggap din ng P100,00 ang mananalong scriptwriters. Magsisimula ang festival sa June 12.
Hindi na naman bagito si Ness sa pulitika dahil noong time na nagsasama pa sila ni Mayor Joey Marquez ay katuwang niya ito sa maraming proyekto.
Naging close sina Keempee at Angelika pero hindi dumating sa puntong naging magnobyo sila dahil hindi siya ang tipo ng lalaking gustong maging nobyo ni Angel.
Huling pelikula nito ang Bedtime Stories bago tumulak ng Japan.
Dating alaga si Anton ng aming kaibigang si Allen Villalon at sinabing marunong itong tumanaw ng utang na loob sa mga taong nakakatulong sa kanya kaya malapit din dito ang grasya.
Ngayon nalagaya sa malaking eskandalo ang movie company ay nagpahayag ang aktres ng "Ayan, nakarma tuloy sila dahil hindi marunong magbayad ng utang," aniya.
Isa ang sexy actress sa mga bida ng pelikulang kalalabas pa lang.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended