Shaina mas okey kay Alwyn kesa kay Jolo
March 26, 2003 | 12:00am
May nagbulong sa amin na may namumuo nang love sa pagitan ng magka-loveteam ng isang network. Walang problema sa babae dahil wala itong boyfriend although napakabata pa nito. Sa case ng lalake, may girlfriend ito ngayon. Ilang taon na rin ang itinagal ng kanilang relasyon kahit nga balitang madalas ang kanilang pag-aaway.
Ayon sa mga nakakasaksi sa dalawa, halatang may love nang nadi-develop between them. Nagi-exert na ng effort ang lalaki na ipakita ang kanyang sweetness sa ka-loveteam. Hindi rin mapigilan ang mga aksyon ng dalagang aktres kapag kinikilig ito sa mga ginagawa sa kanya ng binatang aktor.
Malaking problema kapag nahulog ng husto ang loob ng dalawa sa isat isa. Hindi na kami magugulat kapag nabalitaan naming split na ang binatang aktor sa kanyang girlfriend na aktres.
Ang lalaki ay minsan na ring naging boyfriend ng isang mahusay na morenang aktres. Siya rin ang itinuturing na pinakamahusay na kabataang aktor ngayon. Ang dalagang aktres ay sinasabing pinaka-promising sa kanyang hanay. Kahit baguhan, nagpapakita ng kahusayan ang batang aktres. Bukod pa sa talaga namang napakaganda nito.
Kung panatiko kayo sa teleserye, alam ninyo kung sino ang aking tinutukoy.
Mismong si Shaina Magdayao ay nagulat sa rebelasyon ni Alwyn Uytingco tungkol sa totoong status ng kanilang friendship. Hindi nakahanda si Shaina sa ginawang pag-amin ni Alwyn na niligawan siya ng binatang aktor. Ang balita ko ay nagkaroon ng tampuhan ang dalawa after the presscon-launching ng kanilang loveteam kamakailan.
"Nahiya rin si Shaina sa press dahil in her previous interviews, lagi niyang sinasabi na hindi siya nililigawan ni Alwyn, tapos aamin si Alwyn na minsan siyang nanligaw. Nagulat talaga si Shaina," sabi ng isang taong malapit sa kanila.
Sa apat na loveteam na ini-launch kamakailan ng ABS-CBN Talent Center, kasama sina John Lloyd Cruz-Bea Alonzo, Carlo Aquino-Angelica Panganiban, Hazel Ann Mendoza-Marc Acueza, nakyutan talaga kami kina Shaina at Alwyn. Natural ang mga sagot nila at unaffected pa talaga sila. Sila nga ang tinaguriang puppy loveteam ng ABS-CBN.
Lumalakas ang following ng loveteam nina Shaina at Alwyn. Patunay ay ang mataas na rating ng Kay Tagal Kang Hinintay na isa sa mga top-rating teleserye ngayon. Inuulan ngayon ng request ang ABS-CBN na muling pagsamahin sina Alwyn at Shaina sa iba pang programa tulad sa Maalaala Mo Kaya. Big suprise talaga sa lahat nang mag-number one sa over-all ratings ang naturang episode nila.
Talent Center is becoming the home of loveteams in Philippine Showbiz. Bukod sa mga nabanggit na loveteams, kasama sa pinakamalakas ngayon ang loveteams nina Kristine Hermosa-Jericho Rosales, John Prats-Heart Evangelista, Patrick Garcia-Jodi Sta. Maria at Danilo Barrios-Aiza Marquez.
Hindi nagustuhan ng Talent Center ang news item ng isang talk show on Shaina Magdayao at Jolo Revilla. Gustong i-imply ng said news item na kailangang aprubado ng pamilya ni Jolo na si Shaina ang ka-loveteam ng binata. Lumalabas tuloy na kailangang may-go signal pa ng magulang ni Jolo ang loveteam kuno nito at ni Shaina.
Unang-una, matindi ang suportang ibibigay ng ABS-CBN at Star Cinema sa loveteam nina Shaina at Alwyn. Matagal na inalagaan ng ABS-CBN si Shaina para mabigyan ng tamang ka-loveteam at si Alwyn nga ang maswerteng napili.
Sa totoo lang, hindi kailangan ni Shaina si Jolo o ang approval ng pamilya nito. Masayang-masaya na siya kay Alwyn bilang kanyang ka-loveteam.
Gusto kong pasalamatan sina Onemig Bondoc, Jenny Miller, Michelle Estevez at Aiza Marquez sa pagpapaunlak sa aking imbitasyon na makisaya sa 17th anniversary celebration ng Pilipino Star Ngayon noong March 17 na ginanap sa Star Group of Publication office.
Ilan lang sina Onemig, Aiza, Jenny at Michelle sa mga artistang nagpasaya ng selebrasyon namin. Gusto ko ring pasalamatan ang mga butihing artist representatives ng Talent Center na sina Ms. Cris Navarro, Ms. Ian Gonzales, Ms. Portia Dimla, Cheryl Zulueta, Jerry Telan at Luz Bagalacsa.
Maraming salamat din kay Mr. Johnny Manahan sa pagpayag niya sa kanyang mga artista na dumalo sa aming selebrasyon.
Ayon sa mga nakakasaksi sa dalawa, halatang may love nang nadi-develop between them. Nagi-exert na ng effort ang lalaki na ipakita ang kanyang sweetness sa ka-loveteam. Hindi rin mapigilan ang mga aksyon ng dalagang aktres kapag kinikilig ito sa mga ginagawa sa kanya ng binatang aktor.
Malaking problema kapag nahulog ng husto ang loob ng dalawa sa isat isa. Hindi na kami magugulat kapag nabalitaan naming split na ang binatang aktor sa kanyang girlfriend na aktres.
Ang lalaki ay minsan na ring naging boyfriend ng isang mahusay na morenang aktres. Siya rin ang itinuturing na pinakamahusay na kabataang aktor ngayon. Ang dalagang aktres ay sinasabing pinaka-promising sa kanyang hanay. Kahit baguhan, nagpapakita ng kahusayan ang batang aktres. Bukod pa sa talaga namang napakaganda nito.
Kung panatiko kayo sa teleserye, alam ninyo kung sino ang aking tinutukoy.
"Nahiya rin si Shaina sa press dahil in her previous interviews, lagi niyang sinasabi na hindi siya nililigawan ni Alwyn, tapos aamin si Alwyn na minsan siyang nanligaw. Nagulat talaga si Shaina," sabi ng isang taong malapit sa kanila.
Sa apat na loveteam na ini-launch kamakailan ng ABS-CBN Talent Center, kasama sina John Lloyd Cruz-Bea Alonzo, Carlo Aquino-Angelica Panganiban, Hazel Ann Mendoza-Marc Acueza, nakyutan talaga kami kina Shaina at Alwyn. Natural ang mga sagot nila at unaffected pa talaga sila. Sila nga ang tinaguriang puppy loveteam ng ABS-CBN.
Lumalakas ang following ng loveteam nina Shaina at Alwyn. Patunay ay ang mataas na rating ng Kay Tagal Kang Hinintay na isa sa mga top-rating teleserye ngayon. Inuulan ngayon ng request ang ABS-CBN na muling pagsamahin sina Alwyn at Shaina sa iba pang programa tulad sa Maalaala Mo Kaya. Big suprise talaga sa lahat nang mag-number one sa over-all ratings ang naturang episode nila.
Talent Center is becoming the home of loveteams in Philippine Showbiz. Bukod sa mga nabanggit na loveteams, kasama sa pinakamalakas ngayon ang loveteams nina Kristine Hermosa-Jericho Rosales, John Prats-Heart Evangelista, Patrick Garcia-Jodi Sta. Maria at Danilo Barrios-Aiza Marquez.
Unang-una, matindi ang suportang ibibigay ng ABS-CBN at Star Cinema sa loveteam nina Shaina at Alwyn. Matagal na inalagaan ng ABS-CBN si Shaina para mabigyan ng tamang ka-loveteam at si Alwyn nga ang maswerteng napili.
Sa totoo lang, hindi kailangan ni Shaina si Jolo o ang approval ng pamilya nito. Masayang-masaya na siya kay Alwyn bilang kanyang ka-loveteam.
Ilan lang sina Onemig, Aiza, Jenny at Michelle sa mga artistang nagpasaya ng selebrasyon namin. Gusto ko ring pasalamatan ang mga butihing artist representatives ng Talent Center na sina Ms. Cris Navarro, Ms. Ian Gonzales, Ms. Portia Dimla, Cheryl Zulueta, Jerry Telan at Luz Bagalacsa.
Maraming salamat din kay Mr. Johnny Manahan sa pagpayag niya sa kanyang mga artista na dumalo sa aming selebrasyon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended