^

PSN Showbiz

Investment ni Ara sa kanyang restaurant business unti-unti nang bumabalik

- Veronica R. Samio -
Nakatutuwang hindi lamang ang showbiz career ni Ara Mina ang maganda ang takbo ngayon. Maganda rin ang ibinabadya ng kanyang restaurant business (Osteria Italia na matatagpuan sa Morato QC) na pinagsososyohan nila ng isa niyang kaibigan.

"Hindi na ako naglalabas ng pera ngayon," panimula niya sa isa sa napakaraming presscon ng pelikula niyang NBI Files: The Cory Quirino Kidnap na dun mismo ginanap sa Osteria Italia. "Pinaiikot ko na lamang ang kita ng restaurant. Nakakainis lang dahil kailangan na naman akong gumastos para sa pagpapalapad ng kalsada ng Morato. Kailangang umatras kami ng bahagya dahil tatamaan ng road widening ang aking signage," aniya.

Happy siya sapagkat marami na naman ang pumuri sa acting niya sa Cory Quirino Kidnap na may premiere showing kagabi sa Megamall.

"Talagang ibinigay ko ang demand na hiningi ng aking role. Nahirapan talaga ako sa rape scene. Nag-alanganin nga ang mga rapists dahil baka masaktan nila ako pero, ako mismo ang nag-encourage sa kanila na gawin nilang realistic ang eksena, na wag nila akong alalahanin."

Naka-recover na si Ara sa hindi niya pagkaka-nominate sa Star Awards para sa Mano Po.

"Actually, hindi naman ako nagtampo sa PMPC. Alam ko naman na di ko makukuha lahat. Tama na ang blessings na tinatanggap ko. As it is, nawala ang Star pero, dalawa naman ang pumalit, ang sa FAMAS at FAP.

"Kapalit din yata ng magandang takbo ng career ko ang pagiging zero ng lovelife ko. Marami namang humihingi ng date pero, ang pina-prioritize ko ay ang trabaho ko. Siguro rin di ko sila type kaya, hindi ko nagagawan ng paraan na ayusin ang sked ko para ma-accommodate sila.

"Marami ring offers to sing abroad, lalo na sa Japan pero, wala ring time," sabi niya.

She sings the theme song of The Cory Quirino Kidnap. Ito ang "Gisingin ang Gabi", isang Ana Rivera music na nilagyan ni Direk Carlo Caparas ng lyrics at pina-areglong muli kay Archie Castillo.
* * *
Ang reunion movie nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual na pinamagatang Till There Was You ang magsisilbing celebration movie ng Star Cinema na nagdiriwang ng kanilang ika-10 taong anibersaryo.

Sa direksyon ni Joyce Bernal mula sa screenplay nina Dindo Perez at Mel del Rosario, ang Till There Was You ay kwento ng dalawang tao na nakakita sa isa’t isa ng mga bagay na hindi nila hinahanap. Si Piolo si Albert, ang bar topnotcher na iniwanan ng isang babaeng naka-one night stand niya ng kanilang anak, played by Elsie Pineda.

Sa bus na kanyang sinakyan, nakatabi niya si Joanna, isang babae na nakapag-patahan sa namemerwisyo niyang anak. Nang bumaba ito ng bus ay nakapag-iwan ng isang larawan na ginamit ni Albert bilang fake mommy ng kanyang anak.

Nagkita silang muli. Pinakiusapan niya itong magpanggap na asawa niya at ina ng kanyang anak. Pumayag ito for a fee. Pero, dito nagsimulang magbago ang lahat para sa bata at para sa kanilang dalawa rin.

Bilang mag-asawa, may mga sensitive scenes ang dalawa. Nagpakita rin ng higit pa sa pinapayagan niyang makita si Juday.

ANA RIVERA

ARA MINA

ARCHIE CASTILLO

CORY QUIRINO KIDNAP

DINDO PEREZ

DIREK CARLO CAPARAS

NIYA

OSTERIA ITALIA

TILL THERE WAS YOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with