'The Correspondents' nasa Iraq
March 24, 2003 | 12:00am
Mula sa digmaan sa Gitnang Silangan, ihahatid ng The Correspondents ang mga kuwento ng Baghdad. Ngayong Lunes, magkatulong na ihahatid nina Correspondents Ed Lingao at Jim Libiran ang mga pangyayari sa bayan ni Saddam Hussein, alas-11 ng gabi sa ABS-CBN.
Magkasamang inihatid ni Ed at Jim noon ang mga kwento ng Afghanistan at ng pagbagsak ng pamahalaang Taliban. Ngayon naman ay itatanghal ng ABS-CBN ang mga kwento ng mga beteranong mamamahayag na ito mula Iraq.
Ang natatanging Pilipino journalist na kasalukuyang nagre-report mula sa Iraq, si Correspondent Ed Lingao ay halos isang buwan nang nagbabantay sa Baghdad upang maging mata ng mga Pilipino sa pagsiklab ng digmaan. Ang panahong ito ay pinuno ni Ed ng pagkalap ng kwento mula sa pakikisalamuha niya sa mga Iraqi at mga Pilipino na roon na naninirahan at sa pagbabalik-tanaw nito sa mga bakas ng digmaan sa Gulpo noong 1991. Napapanood ang kanyang mga ulat gabi-gabi sa TV Patrol, pero sa The Correspondents lamang makikita ang buong kwento ni Ed at cameraman na si Val Cuenca, dalawang taong handang sumuong kahit sa harap ng panganib ng digmaan.
Kababalik naman mula Baghdad ng Correspondent na si Jim Libiran. Doon ay sumama siya sa mga delegado ng isang Peace Mission na kasama ng mga peace activists na sina Prof. Walden Bello, Rep. Etta Rosales, Fr. Robert Reyes at iba pang mga representante mula sa buong Asya. Kasama ng mga aktibistang ito, si Jim at ang kanyang cameraman na si Aye Fulgado ay umikot sa Damascus at Baghdad upang kausapin ang mga tulad nilang tutol sa anumang digmaan. Ano naman ang kanilang kwento?
Ito ang espesyal na pagtatanghal ng The Correspondents ngayong Lunes, pagkatapos ng ABS-CBN Headlines.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended