^

PSN Showbiz

Jericho pinaka-gwapo ayon kay GMA

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Walang masyadong intriga sa showbiz except sa mga maliliit na issue tungkol mga bold star dahil pati mga artista, nagbabantay sa nangyayaring US-Iraq war. Mas feel ng karamihan ngayong manood ng CNN o BBC kesa, lumabas at gumawa ng iskandalo.

Dapat lang para naman updated sila sa mga nangyayari sa mundo. Pero I’m sure ‘yung ibang artista particular na ang mga bagets na walang alam gawin kundi magpa-cute sa TV ay hindi alam ang nangyayari sa kapaligiran. Mas type pa nilang magsabi ng kung anu-ano sa interview kesa manood ng may kabuluhang palabas sa TV.
*****
Sobrang lakas talaga ng appeal ni Jericho Rosales. Pati si President Gloria Arroyo, siya ang kino-consider na pinaka-gwapo among the young actors to date. Sinabi ‘yun ni GMA sa isang light interview ng Morning Girls with Kris and Korina (taped) sa Malacanang. Nagtanong kasi si Kris kung sino ang gwapo sa paningin ng presidente sa mga bagets ngayon.

Sa foreign type raw ni Presidente si Richard Gere no’ng medyo bata bata pa ito.

Grabe na ‘to. At least hindi na kailangang sabihin ni Jericho na siya ang most desirable young actor right now. Eh kung si Korina Sanchez nga na parang ang hirap maka-relate sa artista, crush din si Jericho.

Kaya kung ako kay Kristine Hermosa na balitang after ipalabas ang kanilang last movie, Ngayong Nandito Ka eh biglang nagdi-dedmahan, ‘wag na siyang magpa-hard to get. Baka maraming makauna kay Jericho. I’m sure maraming naghihintay sa kanya.
*****
Speaking of Morning Girls, very much in love si Noynoy Aquino kay Joy Herrera kahit pa anong sabihin ni Kris na pwedeng magkabalikan sina Korina Sanchez at ang kanyang kuya na minsan ay totoo namang naging mag-on.

Ayon sa source ng Baby Talk, ipinakilala na ni Noynoy si Joy kay Madam Cory at nagpa-plano na rin daw ang dalawa na pakasal.

In fact, may ibinigay na raw engagement ring si Noynoy kay Joy.

Actually, alam naman ni Kris na may gf ang kuya niya pero hoping against hope siya si Korina ang makatuluyan ng kongresista niyang older brother.

Hindi kasi celebrity si Joy pero law student naman siya at pretty sabi ng source ng Baby Talk, kaya mas feel ni Kris si Korina na maging sister in law.
*****
Hanggang June na lang ang teleseryeng Bituin ni Nora Aunor sa ABS-CBN. Ayaw na raw kasi ng Dos ng masyadong matagal na teleserye kaya kahit ang Kay Tagal Kang Hinintay ni Lorna Tolentino ay hindi na rin gaanong magtatagal.
*****
Hindi lang isa, dalawa o tatlo kundi marami ang nagsasabi na ampon ang isang young actress.

Lahat ng makakita sa kanya, ‘yun agad ang impression. "Hindi mo talaga sasabihin na ‘yun ang parents niya. Walang kahit konting resemblance," the source said.

Tapos daw, ang hirap pa raw ka-negotiate ng parents nito.

Sayang very promising pa naman daw ang bagets na ‘to. Pero kung hindi magiging supportive ang parents, baka raw walang mangyari sa career nito.
*****
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]/[email protected]

vuukle comment

BABY TALK

CENTER

GLORIA ARROYO

HANGGANG JUNE

JERICHO ROSALES

KORINA SANCHEZ

MORNING GIRLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with