'Cory Quirino Kidnap' may premiere night sa US!
March 20, 2003 | 12:00am
Ngayong nalalapit na ang showing ng NBI Files: Cory Quirino Kidnap sa Marso 26, puspusan na ang promosyon na ginagawa para rito ng Golden Lions Films para makasiguro sina Direktor Carlo Caparas at Donna Villa ng tagumpay ng pelikula.
Sa Marso 24 ay gaganapin ang local premiere showing nito sa tatlong sinehan ng Megamall. Kinabukasan naman, Marso 25, magkakaroon ito ng special showing sa anim na sinehan din ng Megamall.
Magkakaroon din ito ng premiere nights sa San Francisco, California, USA sa April 6 at sa Los Angeles, California sa April 7. Ito ay isasagawa sa pakikipagtulungan ng Philippine Chamber of Commerce USA at Global Filipino Convention.
Ayon kay Donna Villa, ang mga serye na ito ng pa-premiere ng Cory Quirino Kidnap ay magbibigay biyaya sa napakaraming charities at mga institusyon kasama na ang mga retiradong empleyado ng NBI at mga biktima ng heinous crimes.
Sa isang exclusive presscon na bahagi rin ng promo blitz para sa nasabing pelikula, nakilala ng media ang dalawa sa mga co-producers ng mag-asawang Carlo at Donna na bumubuo ng Golden Lions Films International, sina Raffy Garcia at Ernie Tuazon na bumubuo naman ng Cine Mega Films.
Inilabas na ng Universal Records ang pinakahihintay ng marami na "Gary V at the Movies" album na nagtatampok sa mga movie theme songs na inawit ni Gary Valenciano.
Carrier song ng album ang "Kailangan Kita"na mula sa Aga-Claudine movie na may kaparehong pamagat. Kasama rin sa album ang "Sana Maulit Muli" na naging theme song ng dalawang movies, ang Ibulong Mo Sa Diyos at Sana Maulit Muli; "Akot Ikaw" (Mano Po); "Ang Aking Munting Bituin" (Magnifico); "Narito" (Kung Tapos Na Ang Kailanman); "Natutulog Ba Ang Diyos"; "Anak"; "I Will Be Here" (9 Mornings); "Each Passing Night" (Pangako Sa Yo); "Sa Tuwing Naaalala Ka" (Kaputol Ng Isang Awit); "Di Bale Na Lang"; "Eto Na Naman" (Rock-A-Bye-Baby, Tatlo Ang Daddy) at "Hataw Na".
Ngayon ko lang nalaman na malaki na pala ang involvement ni Gary V. sa pelikula. Kundi pa lumabas ang "Gary V at the Movies" hindi ko pa malalaman na marami siyang ginawang movie theme songs.
Ipinaaabot ko sa aking kaibigan at kapatid sa hanapbuhay na si Letty Celi ang mataos sa puso kong pakikidalamhati sa pagyao ng kanyang ama na si Gelacio Consul Celi ng Bolinao, Pangasinan noong Marso 16 sa gulang na 93.
Ang labi ni G. Celi ay nakalagak sa Funeraria Dayao, Galas Cor. Batanes Ext., Balic-Balic, Sampaloc, Mla. Ang libing ay gagawin sa Linggo, Marso 23, 2 n.h. makatapos ang isang Misa sa Holy Cross Memorial sa Novaliches, QC.
Mapapanood na sa IBC 13, 9 n.g. sa Marso 22 ang replay ng Star For a Night finals na ginanap nung Marso 1 sa Ultra.
Bago ito, sa ika-9 n.g., palabas ang SFAN Fast Forward, isang TV special na tampok ang grand prize winner na si Sarah Geronimo. Ipakikita rito kung paano nabago ang buhay ng 14 na taong high school student na nag-uwi ng P1M at isang long term contract with Viva.
Susundan si Sarah sa various stages na ang pinaka-tampok ay ang pagkakapili sa kanya bilang isa sa 11 finalists at mga panayam sa mga hurado na pumili sa kanya bilang winner. Makikita rin sa kauna-unahang pagkakataon ang music video ni Sarah na kinakanta ang "To Love You More", her winning song.
Ang awitin ni Sarah ay isa sa mga awiting nakapaloob sa SFAN souvenir album na malakas ang benta ngayon sa mga record bars. Kasama sa album ang 10 pang finalists with their competition numbers at si Regine Velasquez, singing "Pangarap na Bituin".
Sa Marso 24 ay gaganapin ang local premiere showing nito sa tatlong sinehan ng Megamall. Kinabukasan naman, Marso 25, magkakaroon ito ng special showing sa anim na sinehan din ng Megamall.
Magkakaroon din ito ng premiere nights sa San Francisco, California, USA sa April 6 at sa Los Angeles, California sa April 7. Ito ay isasagawa sa pakikipagtulungan ng Philippine Chamber of Commerce USA at Global Filipino Convention.
Ayon kay Donna Villa, ang mga serye na ito ng pa-premiere ng Cory Quirino Kidnap ay magbibigay biyaya sa napakaraming charities at mga institusyon kasama na ang mga retiradong empleyado ng NBI at mga biktima ng heinous crimes.
Sa isang exclusive presscon na bahagi rin ng promo blitz para sa nasabing pelikula, nakilala ng media ang dalawa sa mga co-producers ng mag-asawang Carlo at Donna na bumubuo ng Golden Lions Films International, sina Raffy Garcia at Ernie Tuazon na bumubuo naman ng Cine Mega Films.
Carrier song ng album ang "Kailangan Kita"na mula sa Aga-Claudine movie na may kaparehong pamagat. Kasama rin sa album ang "Sana Maulit Muli" na naging theme song ng dalawang movies, ang Ibulong Mo Sa Diyos at Sana Maulit Muli; "Akot Ikaw" (Mano Po); "Ang Aking Munting Bituin" (Magnifico); "Narito" (Kung Tapos Na Ang Kailanman); "Natutulog Ba Ang Diyos"; "Anak"; "I Will Be Here" (9 Mornings); "Each Passing Night" (Pangako Sa Yo); "Sa Tuwing Naaalala Ka" (Kaputol Ng Isang Awit); "Di Bale Na Lang"; "Eto Na Naman" (Rock-A-Bye-Baby, Tatlo Ang Daddy) at "Hataw Na".
Ngayon ko lang nalaman na malaki na pala ang involvement ni Gary V. sa pelikula. Kundi pa lumabas ang "Gary V at the Movies" hindi ko pa malalaman na marami siyang ginawang movie theme songs.
Ang labi ni G. Celi ay nakalagak sa Funeraria Dayao, Galas Cor. Batanes Ext., Balic-Balic, Sampaloc, Mla. Ang libing ay gagawin sa Linggo, Marso 23, 2 n.h. makatapos ang isang Misa sa Holy Cross Memorial sa Novaliches, QC.
Bago ito, sa ika-9 n.g., palabas ang SFAN Fast Forward, isang TV special na tampok ang grand prize winner na si Sarah Geronimo. Ipakikita rito kung paano nabago ang buhay ng 14 na taong high school student na nag-uwi ng P1M at isang long term contract with Viva.
Susundan si Sarah sa various stages na ang pinaka-tampok ay ang pagkakapili sa kanya bilang isa sa 11 finalists at mga panayam sa mga hurado na pumili sa kanya bilang winner. Makikita rin sa kauna-unahang pagkakataon ang music video ni Sarah na kinakanta ang "To Love You More", her winning song.
Ang awitin ni Sarah ay isa sa mga awiting nakapaloob sa SFAN souvenir album na malakas ang benta ngayon sa mga record bars. Kasama sa album ang 10 pang finalists with their competition numbers at si Regine Velasquez, singing "Pangarap na Bituin".
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended