Carmina pumirma na sa Syete!
March 18, 2003 | 12:00am
Nakita namin noong Martes sa Annabels Restaurant sina Dolor Guevarra ang alaga nitong si Carmina Villaroel at Marvin Arayata.
May iba pa silang hinihintay na executive ng Siyete.
Sa isang linggo ay pipirma na si Carmina ng kontrata.
Bibigyan siya ng sitcom at soap opera kaya mapapanood na ito sa Beh Bote Nga.
Balita namin ay triple ang ibinayad sa aktres kaya masaya ito. Nanghihinayang din ang Dos dahil maganda ang rating ng OK Fine Whatever nang mag-guest ito kamakailan.
Maswerte ang taong ito sa aktres dahil muling naging aktibo ang kanyang career.
Hanggang ngayon ay suportado pa rin ng GMA-7 si Angelika dela Cruz. Katunayan, sa initial episode ng Nagmamahal, Manay Gina hosted by Gina de Venecia ay siya ang kinuhang artista gayundin ang paglalarawan ng buhay ni Snooky Serna sa Magpakailanman hosted by Mel Tiangco. Naniniwala sila sa kakayahan ni Angelika bilang isang magaling na aktres.
Consistent din sa pagiging top-rated ang soap opera na Habang Kapiling Ka at itoy loaded ng mga komersyal. Nag-klik ang tambalan nila ni Victor Neri. Hanggang ngayon ay naghihintay uli ang aktres ng magandang project. Marami siyang movie offer pero pinipili nila ang lamang proyekto.
Hindi naman nababakante sa paglabas sa telebisyon si Angelika gayundin sa mga shows sa loob at labas ng bansa. Naging matagumpay ang show nito sa Hawaii at marami ring offer para sa series of shows sa Amerika.
Matatawag na punumpuno ng talento ang aktres dahil hindi lang ito magaling sa akting kundi gayundin sa pag-awit at pagsayaw. Paborito siya sa mga award-giving bodies para sa espesyal na dance number.
Wala nang mahihiling pa si Angelika sa kanyang buhay-nariyan ang kanyang pamilya na sumusuporta at nagmamahal sa kanya, may mansyon na ito, masaya ang lovelife at matatag ang career. Kaya naman inspirado siya sa kanyang trabaho. "Sobra ang blessings na natatanggap ko kaya masaya ako ngayon at kung may intriga mang dumating ay hindi na ako naaapektuhan. Kung may dumating mang mga artista na nabibigyan din ng magandang pagkakataon sa GMA ay masaya rin ako, the more, the merrier di ba?" pahayag pa nito.
Ngayong nasa market na ang kanilang debut album na pinamagatang "Freshmen" na ang carrier single ay "Ikaw Pa Rin" na revival ng awitin ni Manilyn Reynes ay lalong rumatsada ang kanilang singing career.
Regular silang tumutugtog sa Arts Venue (Lunes), Blue Onion (Huwebes), Streetlife (Biyernes), R&B (Sabado) sa Angeles City at Ratsky, Malate (Linggo) kaya halos wala ng pahinga ang grupo. Ang Martes at Miyerkules ay ginugugol nila sa pagpapraktis. Minsan naman ay lumalabas sila sa gabi para mag-dinner o kayay manood ng sine kaya naman nagkakaroon sila ng bonding.
Pwedeng magsilbing magandang halimbawa sa mga kabataan ang Freshmen Band dahil may disiplina sila sa trabaho at ni isa sa kanila ay hindi marunong manigarilyo o uminom ng alak.
Ang mga gwapong myembro ng banda ay sina Edward dela Cruz (lead guitarist), Jerome Raymundo (bassist), Trician Andres (keyboardist), Daziel Ledda (drummer), Roel Aldana at Joseph Castro (vocalists).
Naghahanap uli ang banda ng male singer, 18-25 years old, good-looking at 56" ang taas. Tumawag sa 2853374 para sa karagdagang detalye at hanapin si Ernie.
Nagagalit ang dating sikat na beteranang aktres kapag sinusundo ang asawang direktor sa casino. Sobra kasi itong nalululong sa sugal. Nabalita ring na-rehabilitate ito dahil sa paggamit ng bawal na gamot.
Akala ng pamilya nito ay magaling na si Direk pero may mga pagkakataon pala na nakadroga rin ito at kinakausap ang mga slot machines na akalay kumpare niya.
Napapailing na lang ang ibang nakakakita sa nangha-halucinate na direktor sa casino.
Nakakapanghinayang kung hindi na siya tuluyang gagaling dahil kilala siya sa pagiging isang mahusay na direktor. Ang mga pelikulang nagawa nito ay puro matitino at pang-award talaga.
May iba pa silang hinihintay na executive ng Siyete.
Sa isang linggo ay pipirma na si Carmina ng kontrata.
Bibigyan siya ng sitcom at soap opera kaya mapapanood na ito sa Beh Bote Nga.
Balita namin ay triple ang ibinayad sa aktres kaya masaya ito. Nanghihinayang din ang Dos dahil maganda ang rating ng OK Fine Whatever nang mag-guest ito kamakailan.
Maswerte ang taong ito sa aktres dahil muling naging aktibo ang kanyang career.
Consistent din sa pagiging top-rated ang soap opera na Habang Kapiling Ka at itoy loaded ng mga komersyal. Nag-klik ang tambalan nila ni Victor Neri. Hanggang ngayon ay naghihintay uli ang aktres ng magandang project. Marami siyang movie offer pero pinipili nila ang lamang proyekto.
Hindi naman nababakante sa paglabas sa telebisyon si Angelika gayundin sa mga shows sa loob at labas ng bansa. Naging matagumpay ang show nito sa Hawaii at marami ring offer para sa series of shows sa Amerika.
Matatawag na punumpuno ng talento ang aktres dahil hindi lang ito magaling sa akting kundi gayundin sa pag-awit at pagsayaw. Paborito siya sa mga award-giving bodies para sa espesyal na dance number.
Wala nang mahihiling pa si Angelika sa kanyang buhay-nariyan ang kanyang pamilya na sumusuporta at nagmamahal sa kanya, may mansyon na ito, masaya ang lovelife at matatag ang career. Kaya naman inspirado siya sa kanyang trabaho. "Sobra ang blessings na natatanggap ko kaya masaya ako ngayon at kung may intriga mang dumating ay hindi na ako naaapektuhan. Kung may dumating mang mga artista na nabibigyan din ng magandang pagkakataon sa GMA ay masaya rin ako, the more, the merrier di ba?" pahayag pa nito.
Regular silang tumutugtog sa Arts Venue (Lunes), Blue Onion (Huwebes), Streetlife (Biyernes), R&B (Sabado) sa Angeles City at Ratsky, Malate (Linggo) kaya halos wala ng pahinga ang grupo. Ang Martes at Miyerkules ay ginugugol nila sa pagpapraktis. Minsan naman ay lumalabas sila sa gabi para mag-dinner o kayay manood ng sine kaya naman nagkakaroon sila ng bonding.
Pwedeng magsilbing magandang halimbawa sa mga kabataan ang Freshmen Band dahil may disiplina sila sa trabaho at ni isa sa kanila ay hindi marunong manigarilyo o uminom ng alak.
Ang mga gwapong myembro ng banda ay sina Edward dela Cruz (lead guitarist), Jerome Raymundo (bassist), Trician Andres (keyboardist), Daziel Ledda (drummer), Roel Aldana at Joseph Castro (vocalists).
Naghahanap uli ang banda ng male singer, 18-25 years old, good-looking at 56" ang taas. Tumawag sa 2853374 para sa karagdagang detalye at hanapin si Ernie.
Akala ng pamilya nito ay magaling na si Direk pero may mga pagkakataon pala na nakadroga rin ito at kinakausap ang mga slot machines na akalay kumpare niya.
Napapailing na lang ang ibang nakakakita sa nangha-halucinate na direktor sa casino.
Nakakapanghinayang kung hindi na siya tuluyang gagaling dahil kilala siya sa pagiging isang mahusay na direktor. Ang mga pelikulang nagawa nito ay puro matitino at pang-award talaga.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended