Chynna, takot pang mag-solo sila ni Richard!
March 17, 2003 | 12:00am
Kung iba marahil ang operan ng solo movie, hindi na ito mag-iisip pa, susunggaban na agad ang tsansa. Pero, hindi ang 19 na taong gulang na si Chynna Ortaleza, isa sa pinaka-mabilis na sumikat na young star. Plus factor marahil at malakas maka-tulak sa kanyang pagsikat ang pangyayaring tinanggap siya bilang kapareha ni Richard Gutierrez. At kahit na may tatlong taon ang agwat ng kanilang edad, hindi ito naging sagabal para hindi sila tanggaping isang pareha.
"At this point in time, napag-usapan na namin ni Richard na sa kabila ng kasikatan ng aming tandem, hindi pa time para magkaroon kami ng solo movie. We need more time," ani Chynna na pinaka-bagong karagdagan din sa topliners ng SOP, Sunday noontime program ng GMA. "I am supposed to show my dancing talent in the show pero, sinabi ko rin sa kanila that I could sing, too," kwento ng anak ng isang dating movie producer (Gryk Ortaleza) who has always wanted to be a performer.
"I always want to be in the limelight. Ayaw kong mag-deteriorate, gusto ko mag-improve as an artist.
"Also, I can see myself in a sexy role. Bilang artista, alam ko na kailangang ipakita ko ang aking talent in whatever role offered to me pero, ayaw ko ng movies na ang ibini-benta ay sex lamang. Gusto ko may magandang istorya," paliwanag niya.
Isa na ring Blowing Bubbles endorser si Chynna. First time niya na mag-endorso ng produkto na inendorso dati nina Ruffa Gutierrez, Carmina Villaroel, G. Toengi, Rica Peralejo, Jay Manalo at marami pang iba.
Kasamahang endorser ni Chynna si Dyan Delfin ng Blowing Bubbles. Si Dyan ay kabilang sa second batch ng Click. Natanggap siya sa programa matapos siyang mag-audition. Dahil sa programang ito, naging matalik silang magkaibigan ni Chynna.
Isang electronics engineer ang dad ni Dyan at naka-based sa Giorgia USA. Tatlong taon siyang nag-aral dito sa high school. Nang bumalik siya rito ay nag-audition siya sa Click at natanggap bilang kapartner ni Bryan Revilla. Nagkaroon sila ni Bryan ng relasyon na tumagal lamang ng pitong buwan. Ang agwat ng kanilang gulang ang sinisisi niya sa kanilang breakup. Sixteen si Bryan at 19 naman siya.
Tingnan mo nga naman, nagkaayos din pala ang mga producer ng Virgin People 3 at ang nagdemandang producer ng Leo Films dahilan sa breach of contract na ginawa ni Monina Perez na naka-kontrata pa sa kanila pero, lumabas na sa movie na iba ang producer.
Alls well that ends well. Ipalalabas na ang Virgin People 3 sa last week ng buwang ito at ang pinakamalaking mapuprubetsuhan nito ay ang napakaabalang aktor na si Allen Dizon, na masayang-masaya dahil maipalalabas na rin ang proyekto niya na ginawa under the helm of his favorite director, Celso Ad Castillo.
May pagka-action ang role dito ni Allen bilang isang Abu Sayyaf na kumalas sa grupo dahilan sa kanilang karahasan. Pero, hindi rin matatapos ang isang Allen Dizon movie na wala siyang maiinit na love scenes sa kanyang mga kapareha, sa pelikulang ito ay kina Allona Amor at Barbara Milano.
Walang bigote si Allen ngayon. Inahit niya ito para mag-mukha siyang bata. "Pwede kong patubuing muli kapag kinailangan sa pelikula. Sa ngayon, okay na ako na walang bigote, komportable ako," sabi niya.
Maraming bagong mukha at segments ang SOP. Ito ay pagpapatindi pa ng istasyon sa Sunday show na tinaguriang "The Real Concert TV".
One of the new faces na ipinakilala last Sunday ay isang magaling na singer na ang mga magulang ay Pinoy pero lumaki sa ibang bansa. Siya si JayR, pamangkin ng magaling na choreographer na si Geleen Eugenio at ay mayroon ng isang US made album na malapit nang i-relase dito sa bansa.
Twenty years-old si JayR at ang kapansin-pansin sa kanya ay ang suot niyang dalawang relo, hindi bilang pagsunod sa fashion kundi para makita ang oras dito sa Pilipinas at sa Amerika.
Kasama ni JayR na inilunsad sa SOP ng GMA at mapapanood tuwing Linggo, 12 n.t. ay sina Mariell, Nina, Radha at Greg at Brad Turvey.
"At this point in time, napag-usapan na namin ni Richard na sa kabila ng kasikatan ng aming tandem, hindi pa time para magkaroon kami ng solo movie. We need more time," ani Chynna na pinaka-bagong karagdagan din sa topliners ng SOP, Sunday noontime program ng GMA. "I am supposed to show my dancing talent in the show pero, sinabi ko rin sa kanila that I could sing, too," kwento ng anak ng isang dating movie producer (Gryk Ortaleza) who has always wanted to be a performer.
"I always want to be in the limelight. Ayaw kong mag-deteriorate, gusto ko mag-improve as an artist.
"Also, I can see myself in a sexy role. Bilang artista, alam ko na kailangang ipakita ko ang aking talent in whatever role offered to me pero, ayaw ko ng movies na ang ibini-benta ay sex lamang. Gusto ko may magandang istorya," paliwanag niya.
Isa na ring Blowing Bubbles endorser si Chynna. First time niya na mag-endorso ng produkto na inendorso dati nina Ruffa Gutierrez, Carmina Villaroel, G. Toengi, Rica Peralejo, Jay Manalo at marami pang iba.
Isang electronics engineer ang dad ni Dyan at naka-based sa Giorgia USA. Tatlong taon siyang nag-aral dito sa high school. Nang bumalik siya rito ay nag-audition siya sa Click at natanggap bilang kapartner ni Bryan Revilla. Nagkaroon sila ni Bryan ng relasyon na tumagal lamang ng pitong buwan. Ang agwat ng kanilang gulang ang sinisisi niya sa kanilang breakup. Sixteen si Bryan at 19 naman siya.
Alls well that ends well. Ipalalabas na ang Virgin People 3 sa last week ng buwang ito at ang pinakamalaking mapuprubetsuhan nito ay ang napakaabalang aktor na si Allen Dizon, na masayang-masaya dahil maipalalabas na rin ang proyekto niya na ginawa under the helm of his favorite director, Celso Ad Castillo.
May pagka-action ang role dito ni Allen bilang isang Abu Sayyaf na kumalas sa grupo dahilan sa kanilang karahasan. Pero, hindi rin matatapos ang isang Allen Dizon movie na wala siyang maiinit na love scenes sa kanyang mga kapareha, sa pelikulang ito ay kina Allona Amor at Barbara Milano.
Walang bigote si Allen ngayon. Inahit niya ito para mag-mukha siyang bata. "Pwede kong patubuing muli kapag kinailangan sa pelikula. Sa ngayon, okay na ako na walang bigote, komportable ako," sabi niya.
One of the new faces na ipinakilala last Sunday ay isang magaling na singer na ang mga magulang ay Pinoy pero lumaki sa ibang bansa. Siya si JayR, pamangkin ng magaling na choreographer na si Geleen Eugenio at ay mayroon ng isang US made album na malapit nang i-relase dito sa bansa.
Twenty years-old si JayR at ang kapansin-pansin sa kanya ay ang suot niyang dalawang relo, hindi bilang pagsunod sa fashion kundi para makita ang oras dito sa Pilipinas at sa Amerika.
Kasama ni JayR na inilunsad sa SOP ng GMA at mapapanood tuwing Linggo, 12 n.t. ay sina Mariell, Nina, Radha at Greg at Brad Turvey.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 21, 2024 - 12:00am