^

PSN Showbiz

Walang boobs at mataba pa si Lovely, paano siya magbu-bold?

- Veronica R. Samio -
Hindi lamang ang producer niya at manager pa sa World Arts Cinema na si Ms. Jojo Galang ang may malaking problema kay Lovely Mansueto kundi mismong si Lovely na rin. Nakatakda na siyang ilunsad bilang pinaka-bagong bold star ng World Arts Cinema matapos si Belinda Bright pero, mataba pa rin siya. Miminsan na lamang siyang kumain sa isang araw, tuwing tanghalian lamang, pero napakabagal ng pagbabawas niya ng timbang. Sayang kung matatagalan pa ito dahilan sa wala namang problema sa kanya. Payag siyang magkaroon ng breast exposure pero, bago ito ay pumayag na rin siyang magpa-enhance ng breast o magpalaki ng boobs. Katunayan, sa launching film ni Belinda Bright sa Ssssh... She Walks By Night ay mayroon silang rape scene ni Ricky Davao. At mag-ama ang role nila kaya maselan ang istorya pero, hindi rin ito naging problema sa kanya.

"Ako naman talaga ay gustong sumikat sa pelikula. At kung magagawa ko lamang ito sa paglabas sa bold movies, okay lang, walang problema," anang 18 taong gulang na artista na nanghihinayang sapagkat isa siya sa mga hindi nabiyayaan ng malaking boobs. Sana bawas na ang problema niya. Yung pagpapapayat naman ay madali na niyang gawin.

Kung tutuusin, bantulot ang mga magulang ni Lovely, lalo na ang kanyang ina, na payagan siyang mag-bold. Hindi naman niya ito gagawin dahilan sa pera. Kaya naman siyang buhayin ng kanyang mga magulang. May negosyo naman silang inaasahan. Pero, ang pagiging isang sikat na artista ang pinakapangarap ni Lovely. At ngayong nasa edad na ito at kaya nang gumawa ng sarili niyang desisyon ay wala na silang magagawa pa kundi ang suportahan ito.

Ang tagumpay ni Lovely ay nakasalalay sa kanya mismo. Gaano ba siya ka-determinadong pumayat at magkaroon ng katawan? Na kay Lovely lamang ang kasagutan.
*****
Maraming dapat ipagpasalamat si Edu Manzano sa kanyang short stint sa Unang Hirit ng GMA 7. Ang napakaikling panahon na nag-pinch hit siya kay Arnold Clavio ay nagbigay daan para makita ng ABS-CBN ang talino niya sa isang news program. Kasama na siya ngayon sa Magandang Umaga Bayan, kalabang programa ng Unang Hirit at ito ay nanganak pa ng ibang programa gaya ng pagiging regular sa Ok Fine Whatever.

Hindi na lingid sa kamalayan ng manonood ng TV ang kahusayan ni Edu bilang isang talk show host. Maraming awards siyang tinanggap na patunay sa kagalingan niya sa trabahong ito.

Sa Magandang Umaga Bayan, he is in his element sa kanyang segment na "One On One With Edu" na kung saan hindi lamang nga kapwa niya artista ang kinakausap niya kundi maging mga pulitiko at mga ordinaryong tao. Nagagamit din dito ni Edu ang kanyang talino sa pagpapatawa kaya nga maging ang mga gumigising ng hindi maganda ay nagagawa niyang patawanin at pasayahin. Riot siya nang umapir minsan na naka-uniporme ng Star Trek.

Makakahinga ng maluwag ang mga tagahanga niya dahil sa ngayon, sa trabahong ito muna siya magpo-focus. Itinuturing niyang isang humbling experience ang ginawa niyang pagpasok sa pulitika at napaka-expensive na exercise. "Pero, walang makapagsasabi na kumuha ako sa kaban ng bayan," pagmamalaki niya.
*****
Sa Marso 19 na gaganapin ang Tinig Awards 2003 Sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel. Sa pagtataguyod ng National Press Club (NPC), pararangalan ang 10 Outstanding Solo Performers at mga singers ng kundiman, ethnic, classical at Broadway tulad nina Robert Seña, Armida Siguion Reyna, Grace Nono, Kuh Ledesma, Gary Valenciano, Martin Nievera, Lea Salonga at Regine Velasquez.

Si Rey Valera ang Jose Mari Chan awardee for best singer and songwriter. Si Louie Ocampo naman ang George Canseco awardee for best composer. Solo performer awardees naman sina Ogie Alcasid, Jaya, Marissa Sanchez at Aiza Seguerra.

Magiging panauhin ang Bayanihan at Philippine Philharmonic Ensemble.

AIZA SEGUERRA

ARMIDA SIGUION REYNA

BELINDA BRIGHT

MAGANDANG UMAGA BAYAN

NIYA

UNANG HIRIT

WORLD ARTS CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with