^

PSN Showbiz

Maui, di na maaalis ang galit kay Jordan!

- Veronica R. Samio -
Sayang, nagkabati na sana sina Maui Taylor at Jordan Herrera, pero, muli ay nagkamali si Jordan na magbigay ng pahayag na mas mabait si Andrea (del Rosario) kaysa kay Maui na lumabas in print kaya, bumalik ang galit sa kanya ng sexy star.

"Pagod na pagod na ako sa kanya. I am happy for him pero, hanggang dun na lang. Sagad hanggang buto ang galit ko sa kanya. Sa kanya lang uminit ng ganito ang dugo ko," ani Maui sa presscon ng Sex Drive na kung saan ay magkasama sila ni Katya Santos.

"Alam siguro ng Viva ang galit ko and the fact na hindi ko kayang magkasama kaming dalawa sa isang film kung kaya pinalitan siya sa Huling Birhen sa Lupa. But, I had nothing to do with it."

Magkakaroon sila ng lovescenes ni Katya sa Sex Drive.

"Yes po, may lovescene kaming dalawa rito pero, may eksena rin kami ng orgy with Wendell Ramos.

"Kahit pala babae ang ka-lovescene ko, nadadala rin ako. Lalo na si Katya na may kiliti ang mga halik. Mas bold ako rito. Sa Huling Birhen sa Lupa ay inosente ang role ko.

"May frontal ako dito sa Sex Drive. Di lang ito, ipinakita ko na yata lahat ng parte ng katawan ko sa movie. Kung sinabihan pa ako ng more ay baka, ginawa ko pa rin. Ganun ako ka-bold dito.

"Wala kaming rivalry ni Katya. Although we were given separate rooms during shootings, kapag wala kaming trabaho, I go to her room at kwentuhan to death kami."
*****
Inamin naman ni Gary Estrada na may takot siyang nadarama ngayong makakapareha niyang muli si Dina Bonnevie. Matatandaan na nagkaroon ng malaking crush si Gary sa aktres nang minsang magkasama sila sa pelikula.

Totoo rin na nakakaramdam ng takot ang kanyang asawang si Bernadette kapag umaalis siya ng bahay dahilan sa mismong si Gary ang nagsasabi na sa kabila ng pagkakaroon niya ng asawa ay pwede pa siyang matukso sa ibang mga babae. At naniniwala siya na sa buhay ay kailangang mayroong excitement.

Gary has just finished the shoot for You and Me Against the World nina Kris Aquino and Robin Padilla para sa FLT Films. Muli ay naghihintay siya ng pagsisimula ng isa pang bagong project.

Samantala, mas bumigat pa ang ginagawa niyang pag-aalaga ng kanilang anak ni Berna simula nang mag-umpisa ito ng trabaho sa NBN. May news broadcast ito mula Lunes hanggang Biyernes, 7-9 ng umaga.

"I don’t mind, nung wala akong movie, kaming dalawa ang palaging magkasama. Now that Berna is busy, pwede uli kaming mag-alagaang dalawa. Gusto ko rin namang may trabaho ang asawa ko. Masasayang ang talent niya kung nasa bahay lang siya. Mabuti naman at nagkakataon na salisi ang sked namin. Pag may work siya, libre ako. Kapag naman busy ako, siya naman ang libre kaya okay lang, walang problema sa aming anak," sabi ni Gary.
*****
Samantala, naghahanda na ng malaking blowout si Mommy Rose Flaminiano, producer ng FLT Films at gumawa ng Kris Aquino/Robin Padilla movie na You and Me Against the World dahilan sa tagumpay ng pelikula. Worried nga siya dahilan sa nasabay ang promo ng pelikula sa pagpunta ni Robin sa US kaya hindi ito nakapag-promote pero, wala naman pala siyang dapat ipag-alala. Kayang-kaya ni Kris mag-promote na mag-isa.

Hindi lang sa promo nagpakita ng gilas si Kris, kundi maging sa pelikula. Kayang-kaya na nitong magdala ng movie. In fact, talagang maituturing na siyang a leading lady to reckon with.
*****
May bagong pangalan at mukha na ipinakikilala sa Silang Mga Rampadora ng Filmagic Productions na nakatakdang mapanood sa mga sinehan simula sa Marso 19. Siya si John Medina, isang mabilis na sumisikat na TV heartthrob. Kasama siyang makikilala ng mga manonood ng pelikula nina Tricia Ferreli (aka Issa Miyaki), Hanni Miller at Jeff Vasquez.

Bukod sa mga bagong mukha na ito, ang
Silang Mga Rampadora ay nagtatampok kina Melissa Mendez, John Apacible, Odette Khan, Enrico Contreras, Rico Alpapara at ang comebacking na si Aila Marie.

Palabas na sa Marso 19.
*****
Ngayong gabi gaganapin ang fashion show na nagtatampok kay Hanni Miller kasama si Pamela Ortiz at ang naggagandahang Bikini Open winners at nagugwapuhang models ng Artist’s Box sa Baliuag, Bulacan, 9 n.g. Direktor si Richard Hiñola.

AKO

CENTER

HANNI MILLER

HULING BIRHEN

KATYA

SILANG MGA RAMPADORA

SIYA

YOU AND ME AGAINST THE WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with