Fav tones ng stars ginagawang ring tones!
March 14, 2003 | 12:00am
Bata pa lamang si Carlos Agassi ay hilig na niya ang mga rap music. At ito rin ang dahilan kung bakit siya napasok sa showbiz. "Oo, ten years old pa lamang ako humaharap na ko sa salamin at nagra-rap. Ginagaya ko na sina Andrew E at Francis M," pagbabalik tanaw ng tinagurian ngayong "Amir of Rap".
Nasa fourth year college sa kursong Psychology sa La Salle, Taft Ave., nang agawin si Carlos ng showbiz. May plano pa rin siyang tapusin ang kanyang kurso kapag nakaluwag na ang kanyang schedule.
At kung bakit psychology course ang kinuha niya ay dahil hindi raw niya na-imagine ang sarili na nakaharap sa computer at nagtatrabaho. "Gusto ko kasi laging nasa harap ng maraming tao. Kaya siguro binigyan ako ng ganitong talent."
Ugali na rin ng 23-anyos na actor-rapper na gawin ang kanyang trabaho ng one at a time. "Para makapag-concentrate ka at mag-excel sa isang bagay. Like ngayon tapos na ko sa soap sa (Sa Dulo ng Walang Hanggan). Concentrated na ako ngayon sa album ko."
Ang "Boracay Baby" album na may carrier single na "Boracay Babe" ay may 12 cuts na si Carlos mismo ang sumulat. "Bale mga experience ko ito na kahit sinong makakarinig ay makaka-relate rin. Mga tipong funny songs, danceable & party tunes. Naughty songs din pero okey lang. Yung album ko hindi nagtuturo ng drugs, sex o rebellion. Ako pa eh I dont smoke nor drink. I want a healthy living."
Ang dating tinitingala ni Carlos sa pagrap-rap na si Andrew E ay producer ngayon ng kanyang album. Samantalang ka-duet naman niya si Francis M.
Ano naman ang natutunan niya sa dalawang master rapper?
"Si Andrew E tinuturuan niya ako ng style, kung paano buhayin ang crowd. Kay Francis M, yung timing sa pagra-rap at sa pagko-compose," pagmamalaki ni Amir.
Pangarap din ni Carlos na makilala sa international scene. "Gusto ko ring ma-recognize sa ibang bansa ang talino nating Pinoy sa rap music."
Nababaliw ba kayo sa mga kanta na ginagawang ring tones? Kung oo, narito ang ilang favorite tone ng mga favorite local stars nyo na nasa cellphones nila, pero pwede nyong i-down load thru Globe o Smart.
Kris Aquino "Game KNB?"; Patricia Javier "Baby Im Yours"; Cindy Kurleto "Passenger Seat"; Aubrey Miles Graduation Hymns; Camille Prats "Die Another Day" ni Madonna at "Dirty" ni Christina Aguilera; Angelica Pangilinan "Jenny From The Block" ni Jennifer Lopez; Carlos Agassi "Boracay Baby" ng Sesame Street; Carlo Aquino "The Bomb Has Been Planted" at John Prats "Ghost Buster".
Nasa fourth year college sa kursong Psychology sa La Salle, Taft Ave., nang agawin si Carlos ng showbiz. May plano pa rin siyang tapusin ang kanyang kurso kapag nakaluwag na ang kanyang schedule.
At kung bakit psychology course ang kinuha niya ay dahil hindi raw niya na-imagine ang sarili na nakaharap sa computer at nagtatrabaho. "Gusto ko kasi laging nasa harap ng maraming tao. Kaya siguro binigyan ako ng ganitong talent."
Ugali na rin ng 23-anyos na actor-rapper na gawin ang kanyang trabaho ng one at a time. "Para makapag-concentrate ka at mag-excel sa isang bagay. Like ngayon tapos na ko sa soap sa (Sa Dulo ng Walang Hanggan). Concentrated na ako ngayon sa album ko."
Ang "Boracay Baby" album na may carrier single na "Boracay Babe" ay may 12 cuts na si Carlos mismo ang sumulat. "Bale mga experience ko ito na kahit sinong makakarinig ay makaka-relate rin. Mga tipong funny songs, danceable & party tunes. Naughty songs din pero okey lang. Yung album ko hindi nagtuturo ng drugs, sex o rebellion. Ako pa eh I dont smoke nor drink. I want a healthy living."
Ang dating tinitingala ni Carlos sa pagrap-rap na si Andrew E ay producer ngayon ng kanyang album. Samantalang ka-duet naman niya si Francis M.
Ano naman ang natutunan niya sa dalawang master rapper?
"Si Andrew E tinuturuan niya ako ng style, kung paano buhayin ang crowd. Kay Francis M, yung timing sa pagra-rap at sa pagko-compose," pagmamalaki ni Amir.
Pangarap din ni Carlos na makilala sa international scene. "Gusto ko ring ma-recognize sa ibang bansa ang talino nating Pinoy sa rap music."
Kris Aquino "Game KNB?"; Patricia Javier "Baby Im Yours"; Cindy Kurleto "Passenger Seat"; Aubrey Miles Graduation Hymns; Camille Prats "Die Another Day" ni Madonna at "Dirty" ni Christina Aguilera; Angelica Pangilinan "Jenny From The Block" ni Jennifer Lopez; Carlos Agassi "Boracay Baby" ng Sesame Street; Carlo Aquino "The Bomb Has Been Planted" at John Prats "Ghost Buster".
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended