Pinsan nina Bryan at Jolo mahigpit bang makakalaban?
March 8, 2003 | 12:00am
Di tulad ng kanyang mga sikat na kamag-anak sa pelikula, hindi Revilla ang gagamiting pangalan ng bagong pasok na artista kundi ang tunay niyang pangalan na Mark Alvin Bautista.
Si Mark ay 17 taong gulang, may taas na 510", tall, dark and handsome. Apo siya ni Sen. Ramon Revilla, pamangkin ni Bong at pinsan ng mga nagsisimula ring artista na sina Bryan at Jolo Revilla.
Ang pagpasok niya sa pelikula ay hindi nangangahulugan na magkakaroon na ng labanan sa pagitan nilang magpipinsan. "Magtutulungan po kami tulad ng gusto ni Dad (Sen. Ramon) ko," sabi niya nang minsan ay makausap ko siya. He calls his lolo Dad. Ganun din ang iba pa niyang mga pinsan. Dad para sa kanila si Lolo Senator.
Panganay na anak siya ng dating producer sa pelikula na si Ramon N. Bautista. Kasalukuyang mayor ito ng San Leonardo, Nueva Ecija. Kilala ang ama niya bilang the man behind RNB Productions before. Ito rin ang the man behind the success of Bong Revilla. Ginive-up niya ang sarili niyang produksyon para makapag-line produce ng mga pelikula ni Bong sa Viva, Moviestars at iba pang movie outfits.
Tapos ng high school si Mark at naging SK president. Sa kasalukuyan ay SK Federation president siya.
May inihahanda nang pelikula para sa kanya, ang Laban Mo, Laban Ko. Hopefully, si Christopher de Leon ang gaganap ng role ng father niya. Isang sexy star ang makakapareha niya.
Si Ogie Salvador sana ang magdi-direk nito pero magsisimula na ito kay Bong para sa pelikulang Nardong Putik kaya nagparaya na siya.
Nagugulat si Maritoni Fernandez kapag tinatanong kung totoong may nude photos silang dalawa ni Hans Montenegro.
"Di totoo yan, baka gimik lang ng kung sino. Pero, totoong may pictorial kami ni Hans, para sa isang magasin. Nakasama pa namin ang daughter ko na si Alexis," ani Maritoni na hindi maitago ang kaligayahan dahilan sa kanyang bagong pag-ibig.
"Syempre, lahat naman ng may relasyon ay mayroong ganitong plano," sagot niya sa tanong na kung kailan sila magpapakasal na dalawa. "Napag-usapan na namin ito pero, hindi pa ngayon.
Bagaman at matagal na siyang hiwalay sa kanyang asawang si Alex (3 years) isang executive ng Globe, sinabi niya na bago pa siya nagkasakit at pumunta ng US para magpagamot ay tagilid na ang kanilang pagsasama.
"But, hes not a bad partner, hes a good man, a good father to Alexis pero, na-realize namin na it was time to move on. However were still friends. Alexis stays with him on weekends. Weekdays, nasa akin siya."
Tatlong buwan na ang relasyon nila ni Hans. Nagsimula ito nang sabay silang mag-guest sa Partners: Mel & Jay. Nagkaroon sila ng opportunity na makapag-usap ng matagal-tagal habang hinihintay nila na makatapos ang mga kapwa nila guests na mai-demo ang kanilang mga nalalaman ukol sa kanilang negosyo.
"Actually, matagal na kaming magkaibigan, mga 8 years na. Polo Club babies kami. I was 13 then at 18 siya nang magka-crush siya sa akin. Five years ang tanda niya sa akin. At the time, hindi ko siya napapansin, maybe because, mas ka-edad niya ang mga kapatid ko kaysa sa akin. Madalas kaming magkita pero, wala pa kaming attraction before, ngayon lang.
"Akala ko nga sila pa ni Miriam (Quiambao). Hindi naman siya aware na matagal na akong hiwalay."
All out ang support ni Hans kay Maritoni during the filming of You and Me Against The World, a Robin Padilla/Kris Aquino starrer. Naging alalay siya nito, driver, p.a. assistant, at higit sa lahat ay companion. Kaya naman inggit na inggit ang mga taong nasa paligid nila.
Nabigla ang lahat pati na ang direktor ng pelikulang Bold Star ng Wild World Cinema Ent. nang ang kanilang bida sa pelikula na si Candy Alison ay tumalon sa bintana na may taas ng 15 talampakan. Ang eksena ay tinatakasan ni Candy ang kanyang rapist. Kahit walang utos ng direktor ay tumalon na agad si Candy. Walang nakapagsalita nang bumagsak ito sa lupa at mawalan ng ulirat.
Agad ay dinala sa ospital ng San Jose, Nueva Ecija si Candy at ipina-eksamin. Bukod sa mga pasa at galos ay wala naman itong naging pinsala. Pero, isang araw siyang hindi nakapagsalita dahilan sa shock.
May double naman siya pero, mas gusto niyang siya ang gumawa ng eksena. Ganun kalakas ang loob niya.
Palabas na sa Marso 19 ang Bold Star na tinatampukan din nina Mae Rivera, Natasha Ledesma, Jeffrey Gonzales, Allen Dizon, Dick Israel, Ian Valdez, Rey Abellana at marami pang iba.
Si Mark ay 17 taong gulang, may taas na 510", tall, dark and handsome. Apo siya ni Sen. Ramon Revilla, pamangkin ni Bong at pinsan ng mga nagsisimula ring artista na sina Bryan at Jolo Revilla.
Ang pagpasok niya sa pelikula ay hindi nangangahulugan na magkakaroon na ng labanan sa pagitan nilang magpipinsan. "Magtutulungan po kami tulad ng gusto ni Dad (Sen. Ramon) ko," sabi niya nang minsan ay makausap ko siya. He calls his lolo Dad. Ganun din ang iba pa niyang mga pinsan. Dad para sa kanila si Lolo Senator.
Panganay na anak siya ng dating producer sa pelikula na si Ramon N. Bautista. Kasalukuyang mayor ito ng San Leonardo, Nueva Ecija. Kilala ang ama niya bilang the man behind RNB Productions before. Ito rin ang the man behind the success of Bong Revilla. Ginive-up niya ang sarili niyang produksyon para makapag-line produce ng mga pelikula ni Bong sa Viva, Moviestars at iba pang movie outfits.
Tapos ng high school si Mark at naging SK president. Sa kasalukuyan ay SK Federation president siya.
May inihahanda nang pelikula para sa kanya, ang Laban Mo, Laban Ko. Hopefully, si Christopher de Leon ang gaganap ng role ng father niya. Isang sexy star ang makakapareha niya.
Si Ogie Salvador sana ang magdi-direk nito pero magsisimula na ito kay Bong para sa pelikulang Nardong Putik kaya nagparaya na siya.
"Di totoo yan, baka gimik lang ng kung sino. Pero, totoong may pictorial kami ni Hans, para sa isang magasin. Nakasama pa namin ang daughter ko na si Alexis," ani Maritoni na hindi maitago ang kaligayahan dahilan sa kanyang bagong pag-ibig.
"Syempre, lahat naman ng may relasyon ay mayroong ganitong plano," sagot niya sa tanong na kung kailan sila magpapakasal na dalawa. "Napag-usapan na namin ito pero, hindi pa ngayon.
Bagaman at matagal na siyang hiwalay sa kanyang asawang si Alex (3 years) isang executive ng Globe, sinabi niya na bago pa siya nagkasakit at pumunta ng US para magpagamot ay tagilid na ang kanilang pagsasama.
"But, hes not a bad partner, hes a good man, a good father to Alexis pero, na-realize namin na it was time to move on. However were still friends. Alexis stays with him on weekends. Weekdays, nasa akin siya."
Tatlong buwan na ang relasyon nila ni Hans. Nagsimula ito nang sabay silang mag-guest sa Partners: Mel & Jay. Nagkaroon sila ng opportunity na makapag-usap ng matagal-tagal habang hinihintay nila na makatapos ang mga kapwa nila guests na mai-demo ang kanilang mga nalalaman ukol sa kanilang negosyo.
"Actually, matagal na kaming magkaibigan, mga 8 years na. Polo Club babies kami. I was 13 then at 18 siya nang magka-crush siya sa akin. Five years ang tanda niya sa akin. At the time, hindi ko siya napapansin, maybe because, mas ka-edad niya ang mga kapatid ko kaysa sa akin. Madalas kaming magkita pero, wala pa kaming attraction before, ngayon lang.
"Akala ko nga sila pa ni Miriam (Quiambao). Hindi naman siya aware na matagal na akong hiwalay."
All out ang support ni Hans kay Maritoni during the filming of You and Me Against The World, a Robin Padilla/Kris Aquino starrer. Naging alalay siya nito, driver, p.a. assistant, at higit sa lahat ay companion. Kaya naman inggit na inggit ang mga taong nasa paligid nila.
Agad ay dinala sa ospital ng San Jose, Nueva Ecija si Candy at ipina-eksamin. Bukod sa mga pasa at galos ay wala naman itong naging pinsala. Pero, isang araw siyang hindi nakapagsalita dahilan sa shock.
May double naman siya pero, mas gusto niyang siya ang gumawa ng eksena. Ganun kalakas ang loob niya.
Palabas na sa Marso 19 ang Bold Star na tinatampukan din nina Mae Rivera, Natasha Ledesma, Jeffrey Gonzales, Allen Dizon, Dick Israel, Ian Valdez, Rey Abellana at marami pang iba.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended