^

PSN Showbiz

Patricia di pinayagang mag-show sa kanyang lugar

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Umiiyak si Patricia Javier habang iniinterbyu dahil hindi ito pinayagang magkaroon ng show ng isang lady mayor sa isang lugar sa Rizal. Kahit nangako pa ito na lilimitahan ang pagpapa-sexy sa kanyang concert ay di pa rin siya pinayagan. Ang ikinasasama ng loob ng aktres ay doon siya lumaki sa lugar na yon.
Melvyn, Guest Sa International Women’s Day
Unti-unti nang gumagawa ng pangalan sa larangan ng pag-awit ang singer na si Melvyn Dizon. Ngayong March 7 ay guest singer ito sa pagdiriwang ng International Women’s Day na gaganapin sa Club Filipino ganap na 2 ng hapon. Pagkakalooban ng award bilang natatanging kababaihan ang mga mapipili sa Women of Distinction, Women Helping Women at Advancing the Status of Women categories na taun-taong itinataguyod ng Soroptimist International, Philippines mula sa iba’t ibang club sa kapuluan.

Sa taong ito ay kabilang sina Gov. Josie dela Cruz at Evangeline Pascual sa awardees.

Sa katapusan ng Marso ay magiging host-singer si Melvyn sa anibersaryo ng DWAN Radio na inaasahang magiging star-studded.
"Hindi Ako Pwedeng Pataubin Ni Tracy" – Maye T.
Pinagsasabong ngayon ang dalawang sumisikat na sexy stars na sina Tracy Torres at Maye Tongco. Noon kasing ipakita ni Tracy ang kanyang kinulayang pubic hair ay ginawa rin ito ni Maye sa unang presscon ng Malagkit.

Ayon kay Maye ay hindi siya kayang pataubin ni Tracy kahit sinasabi ng kalabang aktres na mas nakakaangat ito sa kanya. "Mas marami akong pelikula kaysa kanya kahit sinasabi niyang hindi pa ako nakakapag-guest sa telebisyon. Paisa-isa lang ang movie niya samantalang sunud-sunod ang aking mga proyekto, so mas sikat ako kaysa sa kanya," sey pa ng alaga ni Bing Tongco.
Mon, Takot Mag-Asawa!
Matagal naming nakakwentuhan si Mon Confiado sa presscon ng Malagkit. Sinabi nito na nagpapasalamat siya kay Ynez Veneracion na naka-live-in niya ng apat na taon dahil nakilala siya. Puro kontrobersya kasi ang kinahinatnan ng kanilang relasyon.

"Galit-bati ang drama namin hanggang na-realize na hindi talaga kami compatible sa maraming bagay. Isip-bata kasi siya kaya naging masalimuot ang aming pagsasama. Pero ngayon ay maganda na ang buhay niya dahil marami siyang shows sa abroad. Naghahanap na nga ito ng bahay na malilipatan. Kahit magkahiwalay na kami ay mayroon pa rin kaming communication," aniya.

Produkto si Mon ng stageplay kaya magaling umarte at protegee ito ni Peque Gallaga. Sa sampung taong inilagi nito sa showbiz ay nakagawa na ito ng humigit-kumulang sa 100 pelikula.

Natatakot siyang mag-asawa kahit nasa hustong gulang na. He’s 27 years old. "Mas masarap kasi ang single dahil malaya kang nakakakilos at walang iniintindi sa buhay. Wala akong nobya ngayon at naka-concentrate muna ako sa aking career," aniya.

Wala naman siyang maiinit na eksena sa said movie at ipinaubaya na lang niya ito kina Alberto Esteban at Mark Dionisio. Ipinalabas na ang Malagkit kahapon, Marso 5 under El Niño Films.
Ms. Consumer Philippines Beauty Pageant
Ipinakilala sa press people ang dalawampung kandidata ng Ms. Consumer Philippines Beauty Pageant sa pagtataguyod ng Consumer Union of the Philippines gayundin ng LAG Productions ni Amy Guzman. Magaganda ang mga kandidata at matatalino pa kung saan karamihan ay nag-aaral sa mga kilalang unibersidad. Ang iba naman ay tapos na sa kursong Business Management.

Kaiba ang beauty pageant na ito dahil maganda ang kanilang layunin na mapangalagaan ang consumer rights sa bansa. Ipino-promote rin nila ang slogan na "tangkilikin ang sariling atin."

Sa darating na Marso 15 ang beauty pageant na idaraos sa Hotel Rembrandt, 8 ng gabi.

vuukle comment

ADVANCING THE STATUS OF WOMEN

ALBERTO ESTEBAN

AMY GUZMAN

CENTER

MALAGKIT

MARSO

MS. CONSUMER PHILIPPINES BEAUTY PAGEANT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with