^

PSN Showbiz

Maldita si Ara!

- Veronica R. Samio -
Hindi naman buntis si Ara Mina pero, ang mga rebulto ng mga babaeng nagdadalang-tao ang nakapalibot sa lugar na pinagdausan ng kanyang launching bilang image model ng Maldita, isang tatak ng mga kasuotang pambabae na aapat na taon pa lamang sa market pero mayroon nang 19 branches nationwide!

Ayon kina Eric at Emelda Tang, may-ari ng Maldita, kinakatawan ni Ara ang Maldita character, haughty, sexy, talented, mataray, naughty, bold and strong. But more than the pretty face and body, she is a multi-media personality, actress, singer and an entrepreneur.

Isinabay sa launching ni Ara, ang paglulunsad ng maternity line ng Maldita (Maldita ng Ina Mo). May pagkakataon na ang mga buntis na maging fashionable, comfortable and sexy mula sa mga inilabas nitong dresses, pants, blouse at maski na shorts.

"Matagal pa bago ako makapagsuot ng Maldita Ng Ina Mo. I’m too busy with my career and my business," ani Ara nung makausap ko sa presscon.

When asked to give a definite date kung kailan siya mag-aasawa, sinabi niyang "Ewan ko. Hindi pa dumarating ang lalaking hinahanap ko. Pero alam ko, andyan lang siya. Baka naghahanapan lang kami," dagdag pa niya.
*****
Hindi gaanong pansin ni Belinda Bright ang mga negative write-ups na lumalabas tungkol sa kanya. Masyado siyang abala sa paghahanda sa sinasabi niyang "first major film" niya para pag-aksayahan ito ng panahon.

"Wala naman akong inaapakang tao. Wala rin akong matandaang atraso at bago pa lamang ako para magkaroon agad ng kagalit. Hindi pa rin napapalabas ang aking launching film, (Sshhh, She Walks By Night of New World Cinema) para ma-rate nila agad ang performance ko. No, I am sure, this is meant to put me off my feet but I won’t let them," matapang na sabi ni Belinda na ibinigay ang lahat niyang kakayahan para mapaganda ang kanyang launching film which also stars, Jay Manalo, Ricky Davao and Lovely Mansueto under the direction of comebacking Elwood Perez.
*****
Dalawampu’t siyam na taon na ang Mowelfund sa buwang ito at bilang pagdiriwang, magkakaroon ito ng kanilang traditional Family Day with Free Clinic for members of the Foundation and their families sa Marso 8, 10 n.u.—3 n.h., highlighted by a Holy Mass to be celebrated by Rev. Fr. Sonny Ramirez kasama ang Oasis of Love choir, 9-10 n.u. sa Mowelfund Plaza. Sa hapon, magkakaroon ng bingo social with raffle.

Spearheading the event is the newly appointed Exec. Dir. Boots Anson Roa kasama ang kanyang Board of Trustees, officers and staff.

Ang Mowelfund ay itinatag ni movie actor-turned politician Joseph Estrada na may layuning tumulong sa mga low income workers ng movie industry.

Sa Marso 29, gaganapin ang Photoshoot fest and lectures, MFI workshop/lectures at livelihood booth and training sa Mowelfund Plaza, 9 n.u.-5 n.h.

Sa Abril 2, gaganapin ang A Night with the Stars, 7-9 n.g. sa CCP Little Theater. Isa itong fund raising project na dadaluhan ng mga top stars and notable figures in the entertainment industry. Ang kikitain dito ay gagamitin sa pagpapatapops ng Mowelfund Building bago sumapit ang ika-30 anibersaryo ng Foundation.

Ang swimming event naman ng Star Olympics na magaganap sa summer ay gagawin para rin sa kapakanan ng mga proyekto rin ng Foundation.
*****
Nakausap ko si Master Ehbbo Rubio na tuwang-tuwa na dahilan sa pagkakalathala niya sa pahina ng PSN ay tumatanggap siya ng maraming offers para magsulat sa mga pahayagan at mag-broadcast sa radio.

Bilang pasasalamat, nagbigay siya ng payo na umiwas sa pag-iiba-iba ng plano at pagiging makasarili. May hatid daw itong malas at kaguluhan. Ang pagbibigay ng kapatawaran, paghingi ng tawad ay isang susi upang magtagumpay.

Hindi maswerte ang pagtatayo ng gusali, negosyo at pangingibang bayan sa mga buwan ng Peb, Mar, Abr, Hun at Hul.

Mas mainam kung ang mga plano ay naka-depende sa numero at kulay na siyang katapat ng numero 9. Kung may problema ka na nais mong ikonsulta (kabuhayan, malas, sakit, karma at signos), tawagan siya sa 4278042/0920-2616071/920-4293596. Mayroon siyang 9 na bahagdan ng karunungan na bahagi ng kanyang paglilingkod.
*****
Patutunayan ni John Apacible ang kanyang versatility sa Nympha ng Regal Films kung saan gagampanan niya ang role ng isang sinto-sinto. "Unang ini-offer sa akin ang role ng isang pulis pero, nang mabasa ko ang script, hiniling ko kay Direk Celso Ad Castillo na sa akin na lang ibigay ang role ng sinto-sinto dahil hindi ko pa nagagampanan ito," ani John.

Ambisyon talaga ni John na makilala bilang versatile actor. Gusto niyang sundan ang yapak ni Raymond Bagatsing.

Bida sa Nympha si Maricar de Mesa.

Malapit na ring ipalabas ang Punla na kung saan ay kontrabida naman siya ni Emilio Garcia at bida naman siya sa Silang Mga Rampadora. Gagawin din niya ang Bayaran ni Jun Francis Posadas.

vuukle comment

A NIGHT

ARA MINA

BELINDA BRIGHT

BOARD OF TRUSTEES

CENTER

MALDITA

MOWELFUND PLAZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with