Juday-Piolo fans magra-rally sa harap ng ABS-CBN
February 28, 2003 | 12:00am
Pamumunuan ni Madam Yolly Villareal ang isasagawa nilang rally sa harap ng ABS-CBN. Ipinaunawa nito sa lahat ng mga tagahanga na ang gagawing demonstrasyon ay isang wake-up call sa pamahalaan ng naturang network dahil marami silang ipinangako sa mga fans ng dalawa na hanggang ngayon ay hindi pa nabibigyan ng katuparan.
Ayon kay Madam Yolly, founder ng Golden Ladies for Judy Ann Santos, matagal nang nangako ang network na gagawa sila ng pelikula para sa dalawa minsan sa isang taon. Inirereklamo nila na matagal nang nasimulan ang Picture Mom ng dalawa pero hanggang ngayon ay wala pang katiyakan kung kailan ito matatapos. Natapos na ni Piolo ang Dekada 70 at ngayon ay sisimulan nito ang pelikulang pagtatambalan nila ni Claudine Barretto na kukunan sa Italy. Ang ikinasasama ng kanilang kalooban, ang naturang pelikula ay mas mauuna pang ipapalabas sa matagal nang nasimulang Picture Mom.
Itatanong din nila sa pamunuan ng Star Cinema kung bakit iyong pangakong VCD na maglalaman ng dalawang pelikula nina Juday at Piolo na may bonus na birthday special ni Juday ay hindi tinutupad.
Gusto rin nilang malaman kung bakit isang dramedy ang ipapalit sa Sa Puso Ko, Iingatan Ka na ang magkatambal ay sina Juday at Robin Padilla. Bakit ipinipilit sa kanila ang hindi nila gustong tambalan na alam naman ng Dos na ang audience nila ay mga tagahanga ng dalawa.
Gustong ipaabot ni Madam Yolly na maraming mga tagahanga ang susuporta kay Juday, hindi lang dito sa atin kundi pati sa America. Magpapadala ang mga ito ng funds na magagastos sa gagawing rally. May libu-libong volunteer ang foundation ni Madam Yolly mula sa mga depressed area na susuporta sa gagawing rally. Kapag hindi sila pinakinggan ng pamunuan ng ABS-CBN ay mapipilitan silang hindi ipatronize ang mga programa ng network. Magpapakita rin ng pakikiisa ang mga subscriber ng TFC sa America sa pamamagitan ng paghinto ng kanilang subscription sa naturang network at ililipat nila ang kanilang suporta sa GMA-7 na balitang magkakaroon ng TFC.
Sa ngayon ay inaayos na ang mga kinakailangan tulad ng permit to rally at ilang mga bagay na pag-uusapan nila sa kanilang general meeting na kinakailangang gawin sa madaling panahon bago makaalis ang grupo ng Star Cinema sa kanilang gagawing pelikula sa Italy. AD

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended