A love team to beat sina Echo at Tin!
February 27, 2003 | 12:00am
Muling pinatunayan nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales ang bankability ng kanilang loveteam dahil sa lakas sa takilya ng pelikula nilang Ngayong Nandito Ka na nag-showing noong Martes. Truth is, advanced screening lang ang nangyari noong Martes with only 39 theaters. Tumawag si Ms. Angie Pineda (Film Distribution Director) kay Ms. Malou Santos (Star Cinema Managing Director) para sabihin na kailangan nilang ipalabas ang movie dahil sa clamor ng moviegoing public.
Hindi naman nagkamali ng desisyon ang Star Cinema dahil pinilahan na ito ng tao noong Martes pa lang. By this time ay showing na ang movie sa 100 theaters dahil sa original playdate nitong February 26.
Nakahinga na ng maluwag ang mga taga-Star Cinema sa lakas sa takilya ng movie. Aminado ang Adprom Manager ng Star Cinema na si Roxy Liquigan na nahirapan sila kung paano ang gagawin nilang promo lalo pat kumalat na ang balitang hiwalay na sina Jericho at Kristine. Posible raw na ito na ang maging last movie together nina Jericho at Kristine.
"We at Star Cinema kasi, ayaw naming mag-resort sa gimik," sabi ni Roxy. "Ayaw naming pangunahan ang sentiments ng mga artista namin sa movie. Like si Tin, nung bumigay siya sa guesting niya sa Morning Girls. Wala kaming magawa non kasi hindi mo sila puwedeng diktahan. Personal sentiments na nila yun. Plus yung mga names na naglalabasan during the promo like Luis Manzano and Cindy Kurleto. Yung mga ganong bagay hindi namin kontrolado yun."
Bukod kasi sa popularity ng loveteam nina Echo at Tin, the movie is indeed a good material. Word-of-mouth ang ganda ng pelikula at pagkakadirek ni Jerry Sineneng.
Still on Ngayong Nandito Ka, SRO ang special screening nito na ginanap sa Studio One ng ABS-CBN noong Lunes. Bukod kina Jericho, Kristine at Onemig Bondoc, present din ang iba pang stars ng movie like Diane dela Fuente, Justin Cuyugan, Steven Alonzo, Cindy Kurleto, Marc Acueza, Pinky Marquez at iba pa. Sinuportahan ito ng iba pang director na nakatrabaho nina Echo, Tin at Onemig tulad nina Olivia Lamasan, Rory Quintos, Gilbert Perez, John-D Lazatin, Don Cuaresma at Jerome Pobocan.
Heavily supported ang movie ng mga ABS-CBN at Star Cinema top guns na sina Charo Santos-Concio, Johnny Manahan, Malou Santos, Tess Fuentes at Mariole Albert. Present din ang respective families nina Echo, Tin, Diane at Onemig.
Other non-cast na nakita namin sa screening ay sina Bernard Palanca, Katleen Hermosa, Divo Bayer (ang kumanta ng theme song sa soundtrack album) at ang rumored suitor ni Tin na si Luis Manzano.
Isa sa general comments na narinig ko sa tao after watching the movie was, "Universal ang appeal. Makaka-relate ang bawat tao. Feel good movie siya." Mugto ang mata ng bawat lumabas sa theater, isang patunay na talagang punumpuno ng puso ang pelikula.
Palaki nang palaki ang pamilya ng Harvard USA, isa sa top clothing lines ngayon sa bansa. Bukod sa mga nauna nang celebrity endorser nito na sina Baron Geisler, Nikki Valdez, Desiree del Valle, Matet de Leon, Ogie Diaz, John Lapus, Danica Sotto, John Wayne Sace, Smokey Manaloto, kasama na rin sa pamilya sina Gerald Madrid at Stefano Mori.
Kung napapansin ninyo, ibat ibang age level ang dinadamitan ng Harvard USA. Mayroong bagets at adults. This is in line with their thrust of an all-generation clothing.
Happy ang mga celebrity endorser ng Harvard USA dahil sa pag-aalaga sa kanila ng owners ng said clothing line. "Tulad ni John Lapus who is directing a play in UST this March. Isa ang Harvard USA sa major sponsors ng said play."
Open na ang ABS-CBN Center for Communications Arts, Inc. o CCAI para sa kanilang summer workshop for acting, singing, dancing, scriptwriting, hosting at iba pang programs. Taun-taon ay dinudumog ang nasabing summer workshop na ito ng ABS-CBN at kadalasan ay marami ang hindi naa-accommodate na enrollees.
Para hindi maubusan ng slots this time, puwede na kayong pumunta sa CCAI office anytime this week from 10 to 6 pm sa 6th floor, Design & Training Center Bldg., ABS-CBN Compound and look for Erma Nepomuceno. For other details, you can e-mail [email protected].
Hindi naman nagkamali ng desisyon ang Star Cinema dahil pinilahan na ito ng tao noong Martes pa lang. By this time ay showing na ang movie sa 100 theaters dahil sa original playdate nitong February 26.
Nakahinga na ng maluwag ang mga taga-Star Cinema sa lakas sa takilya ng movie. Aminado ang Adprom Manager ng Star Cinema na si Roxy Liquigan na nahirapan sila kung paano ang gagawin nilang promo lalo pat kumalat na ang balitang hiwalay na sina Jericho at Kristine. Posible raw na ito na ang maging last movie together nina Jericho at Kristine.
"We at Star Cinema kasi, ayaw naming mag-resort sa gimik," sabi ni Roxy. "Ayaw naming pangunahan ang sentiments ng mga artista namin sa movie. Like si Tin, nung bumigay siya sa guesting niya sa Morning Girls. Wala kaming magawa non kasi hindi mo sila puwedeng diktahan. Personal sentiments na nila yun. Plus yung mga names na naglalabasan during the promo like Luis Manzano and Cindy Kurleto. Yung mga ganong bagay hindi namin kontrolado yun."
Bukod kasi sa popularity ng loveteam nina Echo at Tin, the movie is indeed a good material. Word-of-mouth ang ganda ng pelikula at pagkakadirek ni Jerry Sineneng.
Heavily supported ang movie ng mga ABS-CBN at Star Cinema top guns na sina Charo Santos-Concio, Johnny Manahan, Malou Santos, Tess Fuentes at Mariole Albert. Present din ang respective families nina Echo, Tin, Diane at Onemig.
Other non-cast na nakita namin sa screening ay sina Bernard Palanca, Katleen Hermosa, Divo Bayer (ang kumanta ng theme song sa soundtrack album) at ang rumored suitor ni Tin na si Luis Manzano.
Isa sa general comments na narinig ko sa tao after watching the movie was, "Universal ang appeal. Makaka-relate ang bawat tao. Feel good movie siya." Mugto ang mata ng bawat lumabas sa theater, isang patunay na talagang punumpuno ng puso ang pelikula.
Kung napapansin ninyo, ibat ibang age level ang dinadamitan ng Harvard USA. Mayroong bagets at adults. This is in line with their thrust of an all-generation clothing.
Happy ang mga celebrity endorser ng Harvard USA dahil sa pag-aalaga sa kanila ng owners ng said clothing line. "Tulad ni John Lapus who is directing a play in UST this March. Isa ang Harvard USA sa major sponsors ng said play."
Para hindi maubusan ng slots this time, puwede na kayong pumunta sa CCAI office anytime this week from 10 to 6 pm sa 6th floor, Design & Training Center Bldg., ABS-CBN Compound and look for Erma Nepomuceno. For other details, you can e-mail [email protected].
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended