^

PSN Showbiz

Kontrata ni Maye Tongco sa El Niño, binibili ng congressman ng P5-M!

- Veronica R. Samio -
Isang kongresista ang nag-offer na bilhin ang kontrata ng napaka-flawless na baguhang bold star na si Maye Tongco sa halagang P5M sa El Niño Films ni Mila Pascual pero, di pumayag ang producer dahil marahil sa batid niya na higit pa rito ang iaakyat na pera sa kanyang kumpanya ng kanyang artista na taga-Cebu.

Hinayang na hinayang ang manager ni Maye lalo na nang marinig nito na bibigyan ng congressman ng sarili niyang condo unit si Maye. Bukod sa medyo bata pa ang congressman ay napaka-gwapo pa nito. Naakit agad ito sa 18 taong gulang na bold star nang makita niya ito sa TV Patrol. Nadagdagan pa ang kanyang paghanga nang makasabay niya itong kumain sa isang restaurant.

Mas bold at daring si Maye sa kanyang latest movie na Malagkit na kung saan ay kasama niya sina Sidney Segovia, Mon Confiado, Mark Dionisio at Alberto de Esteban. Sa pelikulang ito, muli niyang ibinuyangyang ang buo niyang katawan. Wala rin siyang takot sa mga maiinit na lovescenes.

Bukod kay Tracy Torres na walang takot magpakita ng maselang bahagi ng kanyang katawan, mapangahas din si Maye na patunayan na walang retoke ang boobs niya. Sa isang TV interview at sa harap ng napakaraming press, nag-bare siya ng breasts para patunayan lamang na wala itong retoke. Sa presscon ng Malagkit, ibinaba niya ang waistband ng kanyang pantalon at ipinakita ang kanyang harapan sa harap ng TV screen.

"Nasasanay na rin ako. Iniisip ko na lang na trabaho lang ang lahat. Kaya pag sinabi ngayong hubad sa akin, hubad talaga agad ako," say pa ng isa sa pinaka-inosenteng mukha sa pelikulang lokal.
*****
Hindi pa kaya nagsasawa sa kanilang "bakasyon" ang dating mag-syotang sina Rica Peralejo at Bernard Palanca?

Sa isang interview sa aktor at isa sa limang myembro ng Hunks, sinabi nito na ang nagaganap sa kanila ni Rica "Is just a pause, not a break up. Shocked nga ako sa mga naririnig ko.

"Jackie (Forster) is a friend na matagal ko nang di nakikita. May ibinigay lang siya sa akin kaya kami nagkita."

Sinabi rin ni Bernard na bestfriends sila ni Rica bukod pa sa girlfriend niya ito. At andun pa rin ang love nila.

But obviously, may nagaganap na hindi maganda sa kanila. Ano kaya yun?
*****
Isa sa binigyan ng birthday presscon ng ABS CBN ang sexy star na bini-build up nila na si Jenny Miller, 22 years old at tubong Lucena, Quezon.

Si Jenny ay naging Mutya ng Pilipinas Southern Tagalog 1999 at kasama sa pelikulang Ngayong Nandito Ka na nagsimulang mapanood kahapon sa mga sinehan. It stars Jericho Rosales and Kristine Hermosa.

Una siyang umagaw ng pansin dahilan sa kanyang pagsasayaw sa MTB at ASAP. Sa mga mall tour ng Klasmeyts ay pinagkakaguluhan siya kahit kasama pa nila ang mga major stars ng nasabing sitcom namely, Paolo, Herbert, Michael, Bayani at Keempee.

Aside from her busy sked, mapapanood din siya sa bagets show na Berks.
*****
Sa TV rin unang nagkapangalan si Aura Luna, TV Babe grand finalist –contestant #10. Di man siya pinalad na manalo, naging Miss GMA, Cavite siya nung 2000. Nag-aaral pa siya nun sa STI. She’s 18 years old.

Matapos ang TV Babe grand finals, inoperan siya na masama sa grupong Sex Bomb Girls pero, mas pinili niya ang sumabak sa pelikula. Katwiran niya, na mahihirapan siyang sumikat sa grupo dahil sikat na ang mga myembro nito.

Kailangan pa siyang mag-train ng three months. Hindi niya mabubuhay ang kanyang ina at mga kapatid sa allowance na tatanggapin niya bilang myembro ng pamosong dance group.

Introducing si Aura Luna sa latest movie ng El Niño Films na nagtatampok kina Maye Tongco at Sidney Segovia, ang Malagkit.

vuukle comment

AURA LUNA

BERNARD PALANCA

EL NI

KANYANG

MALAGKIT

MAYE TONGCO

NIYA

SIDNEY SEGOVIA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with