Alessandra, pinatawad na si Congresman Jules
February 26, 2003 | 12:00am
Nakaharap ng mga press people si Alessandra de Rossi sa press visit ng The Cory Quirino Kidnap Story sa Subic. Naikwento nito kung gaano kahirap ang ilang eksenang ginawa niya sa pelikula. "Magdamagan kami kung magsyuting at wala akong ginawa kundi ang sumigaw nang sumigaw lalo na kapag nagpupumiglas ako sa kamay ng mga kidnappers. May lilitaw sa aking katawan na ikagugulat nyo sa rape scene. Hindi ko sasabihin kung ano ang lumitaw bastat magugulat kayo," aniya.
First time na nakatrabaho ni Alex si Direk Carlo Caparas at sinabing cool na cool ito sa pagdidirek. Kapag pagod na siya at tahimik ay ito pa ang naga-adjust sa kanya.
Sa kabilang banda, may bonding na sila ni Ara Mina dahil magkasama sila sa Kung Mawawala Ka. Maganda ang working relationship nila.
Kumusta na sila ni Assunta at ni Congressman Jules?
"Nag-uusap na kami ni Assunta at pinatawad ko na si Jules, pero hanggang ngayon ay ayaw ko pa rin siyang makita. Baka matagalan pa ito at panahon na lang ang makapagsasabi kung kailan," aniya.
Payag si Alex na gumawa ng massacre movie. Payag din na magahasa at pagkatapos ay papatayin siya. Baka igawa rin siya ng massacre movie ng Golden Lion Films balang araw.
Matagal din naming nakakwentuhan si Director Reynaldo Wycoco ng National Bureau of Investigation (NBI). Iniendorso niyang panoorin ang The Cory Quirino Kidnap Story dahil sa pamamagitan ng pelikula ay gusto niyang makumbinse ang mga biktima na makipag-ugnayan sa mga law enforcers para malutas ang ganitong krimen.
Ayon sa kwento niya ay kikidnapin ang mayayamang Intsik at hihingi ng ransom money ang kidnappers. Kapag nakuha na nila ito ay magpapahinga lang sila ng ilang buwan at pagkatapos ay tatawag uli sa bahay ng kinidnap nila at sasabihing "Magbigay na lang uli kayo ng pera kung ayaw ninyong maulit muli ang pangingidnap."
Sinabi ni Director Wycoco na kung ganito nang ganito ang gagawin ng mga kidnappers at susunod ang mga biktima, tatagal ang krimeng ito. "Its a lifetime blackmail," aniya.
Tatlumput walong taon sa PNP ang direktor bago lumipat sa NBI. Bagamat nanggaling ito sa hirap ay nakapag-aral ito, naging scholar hanggang nakapasok sa Harvard University.
First time na lalabas sa pelikula si Direktor Wycoco kung saan sinabing napapanahong gumawa ng ganitong klase ng pelikula na kapupulutan ng aral.
Nakaapat na pelikula na si Direk Portiah Alviz. Ginawa niya ang Pakawalang Puso, Laging Sariwa ang Sugat, Pamasak-Butas at pinakahuli ang Silang Mga Rampadora na prodyus ng FilMagic Productions. Namahinga sandali ang direktor pero ngayon ay nagbabalik-pelikula.
Paborito ni Direk Portiah si Ailah Marie dahil para sa kanya ay consistent ito sa galing umarte bukod pa sa napakaganda ng mukha. Naniniwala siya na mabigyan lang ng tamang proyekto ay baka makakuha ito ng acting award at tanghaling magaling na aktres balang araw gaya ni Vilma Santos na idolo nito.
"Mabilis mag-shift ng emotion si Ailah," aniya.
Dahil sa pagiging dedicated sa trabaho ni Portiah ay naospital ito kamakailan dahil sa sobrang pagod kaya tumaas ang presyon ng dugo. Ngayon ay nasa maayos na itong kalagayan kaya nakasipot sa presscon ng said movie.
Marami pang proyekto ang nakalinyang idirek ni Portiah dahil magaling naman itong direktor at komportable sa kanya ang mga bold stars dahil parang nakatatanda siyang kapatid kapag nasa set.
Ang Silang Mga Rampadora ay tumatalakay sa buhay ng mga rampadora na kinabibilangan ng bar promo girls, ramp models at iba pa. Maraming maiinit na eksena sa movie pero artistically executed by Direk Portiah.
Mahaba na ang buhok ni John Apacible kaya tinanong ko siya kung ang dahilan ba nito ay ang split nila ni Angela Velez. "Hindi naman Tita Emy, new look ito at maraming nagsasabi na bagay naman sa akin," aniya.
Sa pelikulang Silang Mga Rampadora ay dalawa ang leading ladies niya, sina Tricia Ferreli na pinalitan na ng Issa Miyaki ang pangalan at Hanni Miller.
Inamin ni John na na-turn-on siya habang kaeksena ang dalawa sa kama. Kung nanamlay ang career ng magaling na aktor ay marami naman siyang pinagkakaabalahang trabaho ngayon gaya ng pelikula. Kasama rin niya sa Bayaran ng Wild World Entertainment at may stage play ito titled Florante at Laura kung saan gagampanan niya ang papel ni Ibarra.
Nagtatag siya ng sariling banda at tinawag na Zyvazyb kung saan binubuo ito ng limang myembro at siya ang vocalist ng grupo.
Wala siyang nobya ngayon after silang maghiwalay ni Angela Velez pero inaming may idini-date siyang non-showbiz girl.
May crush ang baguhang sexy star sa sikat na bold actor na ito. Kaya nang magsama sila sa pelikula ay todo ang katuwaan nito. May eksena pa sila sa kama.
Hapon, kukunan ang lovescene ng dalawa kaya nagsepilyo ang aktres dahil gusto niyang ma-impress ang aktor sa bango ng kanyang hininga. Kaso iba ang nangyari dahil nang sabihin niyang magti-take na sila ay ngumiti ang aktor at nakitang may nakasingit na maliit na dahon ng petsay sa pagitan ng ngipin nito. Hindi pala nagsepilyo ang aktor. Nang gumiling ang kamera ay pumikit na lang ang aktres habang hinahalikan siya. Nawalang bigla ang ilusyon niya sa gwapong bold actor na malakas pa naman ang sex appeal.
First time na nakatrabaho ni Alex si Direk Carlo Caparas at sinabing cool na cool ito sa pagdidirek. Kapag pagod na siya at tahimik ay ito pa ang naga-adjust sa kanya.
Sa kabilang banda, may bonding na sila ni Ara Mina dahil magkasama sila sa Kung Mawawala Ka. Maganda ang working relationship nila.
Kumusta na sila ni Assunta at ni Congressman Jules?
"Nag-uusap na kami ni Assunta at pinatawad ko na si Jules, pero hanggang ngayon ay ayaw ko pa rin siyang makita. Baka matagalan pa ito at panahon na lang ang makapagsasabi kung kailan," aniya.
Payag si Alex na gumawa ng massacre movie. Payag din na magahasa at pagkatapos ay papatayin siya. Baka igawa rin siya ng massacre movie ng Golden Lion Films balang araw.
Ayon sa kwento niya ay kikidnapin ang mayayamang Intsik at hihingi ng ransom money ang kidnappers. Kapag nakuha na nila ito ay magpapahinga lang sila ng ilang buwan at pagkatapos ay tatawag uli sa bahay ng kinidnap nila at sasabihing "Magbigay na lang uli kayo ng pera kung ayaw ninyong maulit muli ang pangingidnap."
Sinabi ni Director Wycoco na kung ganito nang ganito ang gagawin ng mga kidnappers at susunod ang mga biktima, tatagal ang krimeng ito. "Its a lifetime blackmail," aniya.
Tatlumput walong taon sa PNP ang direktor bago lumipat sa NBI. Bagamat nanggaling ito sa hirap ay nakapag-aral ito, naging scholar hanggang nakapasok sa Harvard University.
First time na lalabas sa pelikula si Direktor Wycoco kung saan sinabing napapanahong gumawa ng ganitong klase ng pelikula na kapupulutan ng aral.
Paborito ni Direk Portiah si Ailah Marie dahil para sa kanya ay consistent ito sa galing umarte bukod pa sa napakaganda ng mukha. Naniniwala siya na mabigyan lang ng tamang proyekto ay baka makakuha ito ng acting award at tanghaling magaling na aktres balang araw gaya ni Vilma Santos na idolo nito.
"Mabilis mag-shift ng emotion si Ailah," aniya.
Dahil sa pagiging dedicated sa trabaho ni Portiah ay naospital ito kamakailan dahil sa sobrang pagod kaya tumaas ang presyon ng dugo. Ngayon ay nasa maayos na itong kalagayan kaya nakasipot sa presscon ng said movie.
Marami pang proyekto ang nakalinyang idirek ni Portiah dahil magaling naman itong direktor at komportable sa kanya ang mga bold stars dahil parang nakatatanda siyang kapatid kapag nasa set.
Ang Silang Mga Rampadora ay tumatalakay sa buhay ng mga rampadora na kinabibilangan ng bar promo girls, ramp models at iba pa. Maraming maiinit na eksena sa movie pero artistically executed by Direk Portiah.
Sa pelikulang Silang Mga Rampadora ay dalawa ang leading ladies niya, sina Tricia Ferreli na pinalitan na ng Issa Miyaki ang pangalan at Hanni Miller.
Inamin ni John na na-turn-on siya habang kaeksena ang dalawa sa kama. Kung nanamlay ang career ng magaling na aktor ay marami naman siyang pinagkakaabalahang trabaho ngayon gaya ng pelikula. Kasama rin niya sa Bayaran ng Wild World Entertainment at may stage play ito titled Florante at Laura kung saan gagampanan niya ang papel ni Ibarra.
Nagtatag siya ng sariling banda at tinawag na Zyvazyb kung saan binubuo ito ng limang myembro at siya ang vocalist ng grupo.
Wala siyang nobya ngayon after silang maghiwalay ni Angela Velez pero inaming may idini-date siyang non-showbiz girl.
Hapon, kukunan ang lovescene ng dalawa kaya nagsepilyo ang aktres dahil gusto niyang ma-impress ang aktor sa bango ng kanyang hininga. Kaso iba ang nangyari dahil nang sabihin niyang magti-take na sila ay ngumiti ang aktor at nakitang may nakasingit na maliit na dahon ng petsay sa pagitan ng ngipin nito. Hindi pala nagsepilyo ang aktor. Nang gumiling ang kamera ay pumikit na lang ang aktres habang hinahalikan siya. Nawalang bigla ang ilusyon niya sa gwapong bold actor na malakas pa naman ang sex appeal.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended