^

PSN Showbiz

Grand finalist ng 'Star For a Night', bibihisan ng mga countries

- Veronica R. Samio -
Napakasuswerte ng mga grand finalists ng Star For a Night na gaganapin sa Marso 1 sa Ultra Football Stadium. Bukod sa P1M na prize money na tatanggapin ng mananalo, bibihisan silang lahat ng mga pinakamalalaking pangalan sa larangan ng Philippine design.

Ang mga couturiers na sina Rhett Eala, Larry Espinosa, Garry Katigbak, Marden Iglesias, Rajo Laurel, Anthony Nocom, Frederick Peralta, Renee Salud at Fanny Serrano ang gagawa ng mga isusuot nila sa finals night. Aayusan naman sila nina Agatha, Henry Calayag, Alex Carbonell, Jingky Ilusorio, Jing Monis at Reggie Reyes ng Paradigm at Fanny Serrano.

Sa kanilang mga bonggang kasuotan, mas mabibigyan ng confidence ang mga finalists na sina Maureen Marcelo ("Better Days"), Jason Velasquez ("You Are My Song"), Musica Cristobal ("Emotions"), Mailyn Yu ("Vision of Love"), Carlo San Jose ("Never Ever Say Goodbye"), Angeline Quinto ("Habang May Buhay"), Florie Mae Lucido ("Ngayon"), Angeli Mae Flores ("Cry"), Mark Bautista ("Ngayon at Kailanman"), Roxanne Castro ("Fallin"), Sara Geronimo ("To Love You More").

Magiging panauhin sa finals sina Joey Generoso ng Side A, Jaya, Jinky at Totop ng Freestyle at Zsazsa Padilla.

Si Regine Velasquez ang host ng S4AN.

Inihahandog ng Viva Entertainment, IBC 13 at SM Supermalls kasama ang Samsung at Pantene Pro V. Sponsor ang Nescafe, Enervon, Sennheiser, Yupangco Electronics, Sari-Sari at Bay View Park Hotel.
*****
Bagaman at nakakaawa ang nangyari kay Leonora McCullick, may-ari ng Heraxus Films at co-producer ng pelikulang Virgin People III, isang nakakalungkot na aral ang natutunan niya. Sayang at hindi na niya maipapalabas pa ang kanyang pelikula na ginastusan niya ng P11M dahil natalo na siya at ang mga co-producer niya sa kaso na isinampa ng maybahay ni G. Sixto Dy, producer ng Leo Films na kung saan ay may tatlong taong kontratang eksklusibo si Monina Perez, isa sa tatlong bidang babae ng pelikulang Virgin People III na nagsimula nung Enero 8, 2002.

Nagpalabas na ang korte nung Pebrero 11, 2003 ng isang writ of preliminary injunction na ipinalabas ni Judge Basilio R. Gabo, Jr. para pigilang maipalabas ang Virgin People III sa mga sinehan, TV o anumang playhouse sa buong bansa.
*****
Talaga nga palang magastos magpakasal ng anak. Lalo na kapag lalaki ang sa ‘yo.

Ngayon, hindi na ako nagtataka kung bakit kumakaunti ang nagpapakasal sa simbahan. Napakagastos kasi, masyadong madugo. At mahaba ang preparasyon.

Hindi na rin ako nagtataka kung bakit di na pinapayagan ang kasal sa labas ng simbahan, wala kasing kita rito ang simbahan.

Yung mga taong kumukuha ng baptismal at confirmation certificates, h’wag magtataka kung mawawala ang mga records n’yo sa simbahan at kakailanganin na muli kayong binyagan o kumpilan. Isang malaking negosyo pala ito. At tamad ang maraming parish clerks na maghanap ng mga records na lalampas pa ng mga 10 taon.

Napakahirap din palang maghanap ng simbahan. Sa dami ng nagpapakasal ay puno lahat ng araw ng weekends, lalo na ang araw ng Sabado. Kaya pala, hinihiling na anim na buwan bago ikasal ay mag-reserba na ng simbahan.

Nakapagtataka nga na ang hirap na pinagdaraanan ng mga nagsisipag-asawa ay marami pa rin ang naghihiwalay at humihingi ng annulment.

Kung ako kayo, mag-isip-isip muna ng husto bago magpakasal. Mahal at mahirap na proseso ang church wedding.
*****
E-mail at: [email protected]

ALEX CARBONELL

ANGELI MAE FLORES

ANGELINE QUINTO

ANTHONY NOCOM

BAY VIEW PARK HOTEL

FANNY SERRANO

NGAYON

VIRGIN PEOPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with