Mabuti na si Maganto kaysa mga hoodlums at bandido
February 23, 2003 | 12:00am
Higit na may karapatan namang isapelikula ang buhay ni Gen. Romeo Maganto kaysa mga hoodlum at bandido na tila glorified pa ang mga ginawang labag sa batas.
Dapat lang naman kasing mapanuod ng masa kung ano ang mga tunay na kabayanihan sa buhay ng isang magiting na opisyal ng ating sandatahang lakas, tulad ni Gen. Maganto.
Nitong mga nagdaang panahon ay tila malungkot ang matapang na Heneral, dahil siya raw ay "floating" o walang tiyak na assignment. Ang pinagsisintir niya ay hindi naman dahil na wala siyang sapat na kwalipikasyon upang mailagay sa magandang puwesto ng AFP o sa PNP.
Kung ang academic background lamang ang pagbabasehan, over-qualified na si "Tomagan". Isa siyang abogado, nagtapos ng masters degree at nag-doctorate o PhD pa!
Sa track record naman niya bilang militar/pulis, ilang mga maseselang mataas na posisyon na ang kanyang buong responsableng hinawakan. Bilangin na lamang ang mga medalya ng kabayanihan na gawad sa kanya at sasabihin na si Tomagan nga ang isa sa mga most decorated officers around.
Kaya hindi naman kagulat-gulat kung maging paksa ng isang pelikulang madrama at maaksyon ang kanyang tunay na kasaysayan. Si Tomagan ay si Jestoni Alarcon ang gaganap sa title role.
Matagal ang pakikipag-ugnayan ng action star kay Gen. Maganto, bago simulan ang pelikulang dinirek ni Tony Bernal.
"Gusto ko kasing lubos kong makilala si Gen. Maganto upang higit kong maintindihan ang papel na aking gagampanan," sabi ni Jestoni. "Mahirap mag-portray ng isang very prominent hero tulad niya lalo pat buhay na buhay at tuloy ang paggawa ng maraming kabayanihan. Mas madali kasing maikukumpara sa character na ginagawa mo dahil very visible pa in the publics eye si Gen. Maganto."
Sa tulong ni Direktor Bernal at sa pagbibigay ng hustong panahon ni Gen. Maganto kay Jestoni, ngayon ay masasabi niyang nagagampanan niya ang Tomagan na bigay-todo ang kanyang konsentrasyon at kaalaman sa pag-arte.
Katambal ni Jestoni sa Tomagan si Chin-Chin Gutierrez at kasama rin ang beterano at multi-awarded actor/director na si Eddie Garcia. Isang mahalagang papel ang ginagampanan ni John Regala.
Sa kalakaran ngayon sa pulitika, marami naman ang curious kung bakit naging very visible si Gen. Romeo Maganto. Meron na siyang weekly TV show sa IBC-13, ang Tapondo at Tigasin na napapanuod every Sunday, 10:30 a.m.; ngayon may pelikula pa tungkol sa kanyang buhay.
Ang hinala ng mga political obsevers, kakandidato sa pagka-Senador si Gen. Maganto sa 2004 election. Kung totoo man ang suspetsa ninyo, qualified din naman maging Senador si Gen. Maganto.
Lalo pat marami na tayong mga mambabatas sa Upper House na dapat na talagang palitan.
Ngayon pa lang kasi may mga napipisil ng mga senatoriables, maging sa hanay ng mga prominent showbiz personalities. Ang tanong ay mananalo pa ba sa eleksyon ang mga artista? Bakit naman hindi?
Ayaw ba ninyong tumakbo sa pagka-Senador sina Vic Sotto at Joey de Leon upang kapag nanalo sila, ililipat na ang Eat Bulaga sa Senado? Well isa itong solusyon para mabawasan ang "black comedy" doon sa Mataas na Kapulungan.
Matutuloy ang isang TV special sa paggunita ng 25 years ni Geleen Eugenio bilang isang leading choreographer.
Sa mga big stars lamang na nakasama niya at tinuturuang sumayaw magiging star-studded na ang special na balak i-produce ng RPN-9. Nandiyan sina Nora Aunor, Maricel Soriano, Alma Moreno at ibat ibang mga grupong sumikat at sikat pa hanggang ngayon tulad ng Power Boys at Masculados.
Iniisip pa lamang ni Geleen ang mangyayari sa show ay tiniyak na niyang mapupuno ng malalaking production numbers ang kanyang sariling TV special.
First telecast pa lamang ng All About You ni Lucy Torres-Gomez nakakuha na ng 12% rating kontra sa Feel At Home ni Charlene na 13% ang marka. Ibig sabihin one point lang ang lamang.
Tiyak nabubulabog na ang staff and crew ng kabilang network dahil lilitaw at lilitaw kung sino talaga ang mamahalin ng masa. Ito kasing si Lucy kahit mukhang sosyal na hindi pa-sosyal, kayat kahit kanino nakaka-relate.
Dapat lang naman kasing mapanuod ng masa kung ano ang mga tunay na kabayanihan sa buhay ng isang magiting na opisyal ng ating sandatahang lakas, tulad ni Gen. Maganto.
Nitong mga nagdaang panahon ay tila malungkot ang matapang na Heneral, dahil siya raw ay "floating" o walang tiyak na assignment. Ang pinagsisintir niya ay hindi naman dahil na wala siyang sapat na kwalipikasyon upang mailagay sa magandang puwesto ng AFP o sa PNP.
Kung ang academic background lamang ang pagbabasehan, over-qualified na si "Tomagan". Isa siyang abogado, nagtapos ng masters degree at nag-doctorate o PhD pa!
Sa track record naman niya bilang militar/pulis, ilang mga maseselang mataas na posisyon na ang kanyang buong responsableng hinawakan. Bilangin na lamang ang mga medalya ng kabayanihan na gawad sa kanya at sasabihin na si Tomagan nga ang isa sa mga most decorated officers around.
Kaya hindi naman kagulat-gulat kung maging paksa ng isang pelikulang madrama at maaksyon ang kanyang tunay na kasaysayan. Si Tomagan ay si Jestoni Alarcon ang gaganap sa title role.
Matagal ang pakikipag-ugnayan ng action star kay Gen. Maganto, bago simulan ang pelikulang dinirek ni Tony Bernal.
"Gusto ko kasing lubos kong makilala si Gen. Maganto upang higit kong maintindihan ang papel na aking gagampanan," sabi ni Jestoni. "Mahirap mag-portray ng isang very prominent hero tulad niya lalo pat buhay na buhay at tuloy ang paggawa ng maraming kabayanihan. Mas madali kasing maikukumpara sa character na ginagawa mo dahil very visible pa in the publics eye si Gen. Maganto."
Sa tulong ni Direktor Bernal at sa pagbibigay ng hustong panahon ni Gen. Maganto kay Jestoni, ngayon ay masasabi niyang nagagampanan niya ang Tomagan na bigay-todo ang kanyang konsentrasyon at kaalaman sa pag-arte.
Katambal ni Jestoni sa Tomagan si Chin-Chin Gutierrez at kasama rin ang beterano at multi-awarded actor/director na si Eddie Garcia. Isang mahalagang papel ang ginagampanan ni John Regala.
Ang hinala ng mga political obsevers, kakandidato sa pagka-Senador si Gen. Maganto sa 2004 election. Kung totoo man ang suspetsa ninyo, qualified din naman maging Senador si Gen. Maganto.
Lalo pat marami na tayong mga mambabatas sa Upper House na dapat na talagang palitan.
Ayaw ba ninyong tumakbo sa pagka-Senador sina Vic Sotto at Joey de Leon upang kapag nanalo sila, ililipat na ang Eat Bulaga sa Senado? Well isa itong solusyon para mabawasan ang "black comedy" doon sa Mataas na Kapulungan.
Sa mga big stars lamang na nakasama niya at tinuturuang sumayaw magiging star-studded na ang special na balak i-produce ng RPN-9. Nandiyan sina Nora Aunor, Maricel Soriano, Alma Moreno at ibat ibang mga grupong sumikat at sikat pa hanggang ngayon tulad ng Power Boys at Masculados.
Iniisip pa lamang ni Geleen ang mangyayari sa show ay tiniyak na niyang mapupuno ng malalaking production numbers ang kanyang sariling TV special.
Tiyak nabubulabog na ang staff and crew ng kabilang network dahil lilitaw at lilitaw kung sino talaga ang mamahalin ng masa. Ito kasing si Lucy kahit mukhang sosyal na hindi pa-sosyal, kayat kahit kanino nakaka-relate.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am