^

PSN Showbiz

Janice, ibebenta ang bahay nila ni John

RATED A - Aster Amoyo -
Last Sunday afternoon, habang kami ay nagpapahinga sa aming munting resthouse sa Tanauan, Batangas, pinanood namin ang magkalabang showbiz talk shows, ang D’ Buzz at S-Files.

For the first time, nagsalita na si John Estrada sa D’ Buzz na may kinalaman sa kanilang paghihiwalay ng ex-wife niyang si Janice de Belen pero pinabulaanan niya na si Vanessa del Bianco ang dahilan. Hindi rin niya (John) tahasang inamin na sila na ngayon ni Vanessa although sinabi niya na very special woman umano para sa kanya ang sexy actress-dancer. Idinugtong pa ni John na ang pagiging bata niyang mag-asawa ang siya umano sa mga dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ni Janice.

Ganunpaman, hiwalay man sila ngayon ni Janice, umaasa siya na muling makakatagpo ng bagong pag-ibig ang dati niyang misis. Pagdating naman daw sa kanilang mga anak ay walang problema dahil hindi naman daw siya nagpapabaya sa kanyang obligasyon.

Nagpasalamat din si John nang malaman niya na pinatawad na siya ni Janice.

Sa kabilang programa naman sa S-Files, magkakatulong na ininterview nina Paolo Bediones, Richard Gomez at Joey Marquez ang kanilang kaisa-isang co-host na babae na si Janice de Belen tungkol sa kanyang ex-husband na si John Estrada at kay Vanessa. Nakatulong ng husto kay Janice ang kanyang pag-move at pagtanggap sa naging sitwasyon nila ng kanyang ex-husband. Isa-isang sinagot ni Janice ang mga tanong na ibinato sa kanya ng kanyang mga co-hosts. Wala nang bitterness kay Janice.

Sinabi rin ni Janice na balak niyang ibenta na ang bahay nila ni John sa Parañaque not because ayaw na niyang maalaala ang mga memories nila nung sila pa ni John kundi dahil nalalayuan na siya. Gusto niyang lumipat ng Quezon City dahil malapit ito sa kanyang trabaho at sa kanyang pinapasukang school sa Ateneo.

Bukod sa magkahiwalay na panayam kina John at Janice sa magkahiwalay na programa, ganun din ang nangyari sa dating live-in sweethearts na Leandro Muñoz at Cherrie Ducut. Si Leandro ay nagsalita sa D’ Buzz at nasa S-Files naman si Cherrie.

Sa kauna-unahang pagkakataon, inamin ni Leandro ang tungkol sa kanilang naging relasyon ni Cherrie na naka-live-in umano niya sa loob ng lima hanggang anim na taon. Ang pagsasama nilang ’yon ay nagbunga ng isang supling, si Francesca, now eight years old.

Ayon kay Leandro, dalawang taon na umano niyang hindi nakikita ang kanyang anak dahil umalis umano si Cherrie sa dati nitong tirahan at hindi niya umano alam kung saan ito lumipat kaya naputol ang sustento niya sa bata.

Idinemanda si Leandro for child support ni Cherrie at ito rin ang dahilan kung bakit umapir siya sa TV (S-Files).

Samantala, nilinaw ni Bing Loyzaga sa D’ Buzz ang hiwalayang issue tungkol sa kanila ng husband niyang si Janno Gibbs. Ayon sa aktres, sa iisang bubong pa rin umano sila nakatira at nakahiga pa rin sila sa iisang kama. Tungkol naman sa isyu sa kanila ni Regine Velasquez, wala umano siyang galit sa singer-actress.

Content-wise, parehong siksik ang laman ng D’ Buzz at S-Files at ang mga televiewers ang nagbi-benefit nito.
* * *
Speaking of tapatan, hindi rin kami magtataka kung balang araw ay sina Charlene Gonzales at Lucy Torres naman ang pagsabungin at intrigahin.

Nauna nang host si Charlene sa lifestyle magazine show sa Dos, ang Feel At Home na dati-rati’y napapanood tuwing Sabado ng umaga. Si Lucy naman ay ngayon pa lamang sumabak sa paghu-host sa telebisyon sa pamamagitan ng All About You sa Siyete. Nang malaman ng Dos ang bagong programa ni Lucy sa GMA, agad nilang inilipat ang Feel At Home. Halatang pinaghandaan ng husto ng Dos ang programa ni Charlene dahil ultimo ang kanyang mister na si Aga Muhlach ay umapir sa programa.
* * *
E-mail at: <[email protected]>

CHERRIE

FEEL AT HOME

JANICE

JOHN

JOHN ESTRADA

KANYANG

LEANDRO

NIYANG

S-FILES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with