Paglabas ni Edu sa 7 naging isyu sa 2!
February 19, 2003 | 12:00am
Mukhang hindi na nga yata mawawala ang tapatan sa pagitan ng dalawang warring networks ang ABS-CBN at GMA-7.
Nung Linggo ay nagsimulang mapanood ang kauna-unahang magazine talk-show ng magandang misis ni Richard Gomez na si Lucy Torres-Gomez, ang All About You.
Maganda ang format ng bagong programa ni Lucy na kung saan ay naging panauhin niya ang dating katipan ng kanyang mister, si Dawn Zulueta kasama ang dating First Daughter, si Congresswoman Imee Marcos.
Although kasisimula pa lamang ng All About You, binago kaagad ng ABS-CBN ang timeslot ng magazine show ni Charlene Gonzales, ang Feel at Home w/ Charlene na dating napapanood every Sat.
Sina Charlene at Lucy ay kapwa misis ng dalawang top actors na sina Aga Muhlach at Richard Gomez who would not even think na ang kanilang mga misis ang pagsasabungin ng magkalabang istasyon, ang Dos at Siyete. Sabagay, sina Aga at Goma ay pareho na ring nasa magkalabang istasyon sa Dos si Aga at sa Siyete naman si Goma.
Naging malaking isyu pala sa ABS-CBN ang ginawang pagpi-pinch-hit ni Edu Manzano kay Arnold Clavio sa Unang Hirit kaya agad natigil si Edu sa early morning program ng GMA. In a way. Nakabuti ito kay Edu dahil ginawa siyang mainstay ng katapat na program, ang Magandang Umaga Bayan at nagsimula siya nung Lunes ng umaga. Kung totoo ang aming nasagap na balita, malamang na kasama rin si Edu bilang isa sa mga hosts ng noontime program ng ABS-CBN na siyang makakapalit ng MTB.
Nariyan pa ang balitang magkakaroon sila ng anak niyang si Lucky Manzano ng sariling sitcom although kasama na rin si Edu sa Okey, Fine! Whatever.
Nawala man ang paghu-host ni Edu ng The Weakest Link kung saan siya magaling, marami naman ang naging kapalit. Edu, after all, is not only a good host kundi mahusay din siyang actor.
Tuwang-tuwa ang mga solid Noranians nang malaman nila na nakatakdang magkaroon ng major concert ang kanilang idolo na si Nora Aunor sa Araneta Coliseum sa darating na Mayo 17, four days before her 50th birthday on May 21 na pinamagatang "Gold" na ipu-produce ng Ace Entertainment.
Ang top-rating drama serial ni Guy (Nora) sa ABS-CBN, ang Bituin na magtatapos sana ngayong Marso ay mai-extend hanggang Mayo. May dalawa rin itong pelikulang gagawin sa taong ito at ang isa nga rito ay ididirek ni Elwood Perez na aktibo na naman ngayon sa pagdidirek. Sa buwan ng Oktubre ay nakatakdang magkaroon si Guy ng rock musical play ng Himala sa CCP at sa Folk Art Theater.
Ang pagiging abalang muli ni Guy sa kanyang career-singing, acting, doing movies and eventually sa stage play ay isang magandang indikasyon na gising na gising na naman ang career ng kaisa-isang superstar.
We bumped into Guy one evening sa labas ng lobby ng ABS-CBN. Pagkakita ni Guy sa kasama kong si Ronald ay agad nitong niyakap nang mahigpit ang kaibigang writer na isang solid Noranian. Ronald, by the way, will handle the publicities of Noras upcoming concert sa Big Dome.
Samantala, umaasa ang mga tagasubaybay ni Guy na sanay magtuloy-tuloy na ang paggandang muli ng kanyang career at iwasan na sana raw nito ang ibang bisyo tulad ng pagsusugal na madalas ikabit sa multi-awarded actress.
Nang makita namin si Guy, ibang-iba ang aura nito ngayon. Isang sensyales na unti-unti na namang bumalik ang kanyang self-confidence.
Mukhang tagumpay ang Viva Films sa pagbi-build-up ng sarili nilang sexy stars na kanilang sinimulan kay Joyce Jimenez sa pamamagitan ng Scorpio Nights 2 na pinagtambalan nila ni Albert Martinez. Sumunod dito sina Sunshine Cruz, Rica Peralejo, Maui Taylor at ang pinakahuli ay si Katya Santos. May launching movie na rin si Andrea del Rosario sa pamamagitan ng Lupe na pinamamahalaan ni Elwood Perez. Habang naka-line-up naman ang iba pang bagong build-up stars ng Viva tulad nina Jen Rosendahl (na unang ipinakilala sa pelikulang A.B. Normal College (Todo Na Yan, Kulang Pa Yun, na palabas ngayon sa mga sinehan), Kristine Jaca, Myles Hernandez, Hazel Cabrera at Gwen Garci.
In fairness to Viva Films, hindi pa sila pumalya sa kanilang mga ni-launched na sexy stars na pawang tumabo sa takilya.
Nung Linggo ay nagsimulang mapanood ang kauna-unahang magazine talk-show ng magandang misis ni Richard Gomez na si Lucy Torres-Gomez, ang All About You.
Maganda ang format ng bagong programa ni Lucy na kung saan ay naging panauhin niya ang dating katipan ng kanyang mister, si Dawn Zulueta kasama ang dating First Daughter, si Congresswoman Imee Marcos.
Although kasisimula pa lamang ng All About You, binago kaagad ng ABS-CBN ang timeslot ng magazine show ni Charlene Gonzales, ang Feel at Home w/ Charlene na dating napapanood every Sat.
Sina Charlene at Lucy ay kapwa misis ng dalawang top actors na sina Aga Muhlach at Richard Gomez who would not even think na ang kanilang mga misis ang pagsasabungin ng magkalabang istasyon, ang Dos at Siyete. Sabagay, sina Aga at Goma ay pareho na ring nasa magkalabang istasyon sa Dos si Aga at sa Siyete naman si Goma.
Nariyan pa ang balitang magkakaroon sila ng anak niyang si Lucky Manzano ng sariling sitcom although kasama na rin si Edu sa Okey, Fine! Whatever.
Nawala man ang paghu-host ni Edu ng The Weakest Link kung saan siya magaling, marami naman ang naging kapalit. Edu, after all, is not only a good host kundi mahusay din siyang actor.
Ang top-rating drama serial ni Guy (Nora) sa ABS-CBN, ang Bituin na magtatapos sana ngayong Marso ay mai-extend hanggang Mayo. May dalawa rin itong pelikulang gagawin sa taong ito at ang isa nga rito ay ididirek ni Elwood Perez na aktibo na naman ngayon sa pagdidirek. Sa buwan ng Oktubre ay nakatakdang magkaroon si Guy ng rock musical play ng Himala sa CCP at sa Folk Art Theater.
Ang pagiging abalang muli ni Guy sa kanyang career-singing, acting, doing movies and eventually sa stage play ay isang magandang indikasyon na gising na gising na naman ang career ng kaisa-isang superstar.
We bumped into Guy one evening sa labas ng lobby ng ABS-CBN. Pagkakita ni Guy sa kasama kong si Ronald ay agad nitong niyakap nang mahigpit ang kaibigang writer na isang solid Noranian. Ronald, by the way, will handle the publicities of Noras upcoming concert sa Big Dome.
Samantala, umaasa ang mga tagasubaybay ni Guy na sanay magtuloy-tuloy na ang paggandang muli ng kanyang career at iwasan na sana raw nito ang ibang bisyo tulad ng pagsusugal na madalas ikabit sa multi-awarded actress.
Nang makita namin si Guy, ibang-iba ang aura nito ngayon. Isang sensyales na unti-unti na namang bumalik ang kanyang self-confidence.
In fairness to Viva Films, hindi pa sila pumalya sa kanilang mga ni-launched na sexy stars na pawang tumabo sa takilya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 3, 2025 - 12:00am
January 3, 2025 - 12:00am