"Walang binatbat sa 'kin lahat ng bold star" Candy Alison
February 18, 2003 | 12:00am
Unti-unting nagiging kontrobersyal ang sexy actress at bida sa pelikulang Boldstar ng Wild World Ent. na si Candy Alison, dahil sa mga isyu sa kanya lately. Marami na ang nagtatanong kung bakit ganoon na lang kalakas ang dating nitong baguhang si Candy at mukhang palaban sa lahat ng bagay. Kamakailan nang mag-guest ito sa bagong show ni Ms. Tessie Tomas sa Channel 2 ay pinag-usapan sa studio kung saan nanggaling daw si Candy. Marahil nagtataka sila at baka iniisip nila na tulad din siya ng ibang boldstar na galing sa mga klab. Hindi nila matandaan na galing si Candy sa Calendar Girl ng MTB, ang noontime show ng Channel 2 at katapat ng Eat Bulaga ng Channel 7 at naging finalist for Calendar Girl at Ms. December na nakuha niya ang Ms. Photogenic.
Dito sa pelikulang Boldstar ipinakita ni Candy ang lahat ng kakayahan niya sa pag-arte, dahil bago siya isinalang ni Direk Angelito J. de Guzman ay nag-workshop muna siya ng isang linggo para mahasa ng husto ang kanyang acting ability. Kaya nang magsimula na ang shooting ng pelikula ay hindi nahirapan ang direktor sa akting ni Candy. Nag-action, nag-drama at naghubad si Candy sa pelikulang ito.
Kaya ganoon na lang ang lakas ng loob ni Candy na magsalita na lahat daw ng mga boldstar at sexy star ay walang binatbat sa kanya pagdating sa akting at hubaran. Ipinagmamalaki kasi ni Candy dito ang akting niya dahil pinaghirapan daw talaga niya ng husto ang lahat. Muntik na ngang manganib ang buhay ni Candy dahil sa isang eksenang muntik na niyang ikamatay. Kaya kung tatanungin daw siya ng lahat ng mga kasamahan niyang sexy star kung ano raw ang kanyang lamang sa kanila, isang salita lang daw ang isasagot niya sa lahat ng mga sexy star na magri-react, "Hindi sila marunong umarte, ako marunong akong umarte kahit baguhan pa lang ako," mataray na litanya ni Candy. BA

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended