Sex sa movie, parang 'the real thing' din
February 18, 2003 | 12:00am
Ang baguhang aktor sa pelikula na si Bing Victoria ang nagsabi na halos walang pinagkaibahan ang sex na ginawa niya sa pelikulang Nympha ng Regal Entertainment katambal si Maricar de Mesa, sa sex sa tunay na buhay, yung the real thing. Wala lamang daw penetration dahil naka-plaster ang mga maseselang bahagi ng kanilang mga katawan.
"Hindi ko inaalis sa isip ko na trabaho lamang ang ginagawa ko. Hindi mo kasi maiaalis na maapektuhan ako, lalaki lamang ako," paliwanag ng bagong aktor na ipinakikilala sa nasabing pelikula.
Isang basketbolista si Bing ng grupong Ateneo Pioneers sa liga ng PBL. Pero, sa UP siya nagtapos ng kursong Home Economics. Balak niyang maging isang professional chef. Ramp model din siya kaya hindi na bago sa kanya ang magpa-sexy may taas siyang 511".
"Pero, iba kapag sa pelikula. Ninerbyos nga ako, nanibago.
"Sa biruan lang nagsimula ang lahat. Nang pumunta ako ng Cebu para maglaro, binasa ko yung script na iniwan sa akin ni Tito Douglas (Quijano, manager niya ngayon) para i-consider. Nagustuhan ko naman. Agad nasali ako rito sa Nympha. Ni hindi ko tinanong kung magkano ang aking fee."
At 26, hindi itinatwa ni Bing na mayroon na siyang isang 8-yr. old love child. Hiwalay na sila ng ina nito. Hindi rin sila nagpakasal.
May isa pa rin siyang kapatid na basketball player, si Boy Vince Victoria ng San Miguel na minsan na ring na-link kay Maricel Morales.
Ang daming nagpapayo kay Andrea del Rosario na ipa-insure ang kanyang butt ng P1M. Kailangan daw na maniguro na siya lalot maraming beses itong nakita sa kanyang launching film na Lupe ng Viva Films.
Natatawa na lamang si Andrea sapagkat ang itinuturing niya na pinaka-seksing bahagi ng kanyang katawan ay napapansin din pala ng marami.
Sa eksena ng lovemaking nila ni Leandro Muñoz sa dagat ay nakita ito. Pero, wala silang panahon para mahiya sa isat isa o maging sa kanilang mga kasamahan na kumukuha ng eksena. "Mas concerned kami sa element, napaka-ginaw. Leandro and I hugged each other tight to keep warm," anang inilulunsad na aktres.
Sa mga naririnig niyang ingay tungkol sa ginagawa niyang pagpapaseksi at maging ng kanyang mga kasamahang Viva Hot Babes, sinabi ni Andrea na handa siyang humarap sa Kongreso sakaling ipatawag siya. "Baka sakaling may alam sila na hindi ko alam at gusto kong matutunan. Ano ba ang basehan nila para sabihin na pornographic yung ginagawa namin ng grupo, kung totoo nga na sinabi nila ito? Di naman kami naghuhubad sa show, nag-e-emote lang kami. At wala kaming mga kapartner na lalaki," dagdag pa ni Andrea.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended