^

PSN Showbiz

Amy, nalagay sa alanganin ngayon

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Inaasahan na namin ang pangyayaring ito, sinasabi na nga ba namin at malalagay sa alanganin si Amy Perez sa mga binitawan niyang pahayag nang hindi niya naman sinasadya, pero hindi tinanggap nang positibo ng ibang kampo.

Nang tanungin ng kasamang Ogie Diaz si Amy kung saang programa na siya lilipat dahil mawawala na nga siya sa Magandang Tanghali Bayan ay naglitanya ang TV host.

Hindi raw niya alam kung alin ang tatanggapin niyang alok, marami raw kasi, kasama na ang pagko-co-host niya sa programang Ating Alamin ni Ka Gerry Geronimo o ang pagpalit kay Precious Hipolito-Castelo bilang newscaster ng Trese.

Nu’ng mabasa namin sa kolum ni Ogie ang mga sinabi ni Amy ay alam na namin agad na may magbibigay nang negatibong reaksyon sa kanyang mga sinabi, dahil ang insinwasyon ng mga sinabi ni Amy ay parang minamaliit niya ang mga programa at taong nabanggit.

Sabi pa nga namin noon sa ilang kasama sa panulat, sana’y sinabi na lang ni Amy kung alin sa Animal Planet, Discovery Channel at National Geographic Channel ang kanyang tatanggapin, kaysa sa nagbanggit siya ng mga pangalan ng ating mga kababayan na maaaring masaktan sa kanyang sinabi.

At heto na nga, nagbigay na ng reaksyon ang mga taga-Trese na wala naman silang alok kay Amy para maging newscaster ng istasyon, at kung gusto naman daw magtrabaho dun bilang tagapagbalita ni Amy, ay kailangan muna siyang dumaan sa isang masusing audition.

Kung papasa siya sa panlasa ng mga ehekutibo ng Trese ay kukunin siya, pero kung hindi naman ay pasensyahan na lang, better luck next time na lang daw.

May mga kaibigan din si Ka Gerry Geronimo na nagbigay ng reaksyon na hindi raw puwedeng mag-host ng isang pang-agrikulturang programa si Amy, dahil ang alam lang naman niya ay ang magpakyut sa harap ng mga kamera.

Kahit daw siguro sa paghihiwalay ng sariwa sa bilasang isda ay walang alam ang TV host, kaya sa pagpaparami pa kaya ng mga hito at tilapya may nalalaman si Amy, tulad ng mga paksang tinatalakay sa masarap panooring Ating Alamin?

Naloko na, reaksyon namin, sineryoso ang mga pakuwelang pahayag ni Amy Perez.
* * *
Kilala namin si Amy Perez, walang masamang pakahulugan ang actress-TV host nang sabihin niya ’yun, siguro’y bahagi lang ng kanyang pagkokomedya ang pagkakabanggit niya sa Ating Alamin at sa pagiging newscaster ni Precious Hipolito-Castelo sa news program ng Trese.

Sa isip siguro ni Amy ay hindi nga siya puwede sa mga programang ’yun dahil artista siya at noontime show lang naman ang kanyang hino-host, kaya ang mga programang ’yun ang kanyang ibinigay na halimbawa.

Wala kaming makitang dahilan kung bakit mamaliitin ni Amy ang dalawang programa, ang Ating Alamin ay ilang beses nang nanalo sa Star Awards For Television at napakaraming kababayan natin ang natutulungan sa pamamagitan ng mga impormasyong ihinahain sa programa, at si Precious Hipolito-Castelo naman ay maraming patataubing newscasters diyan sa malalaking network.

Sasamantalahin na namin ang pagkakataong ito sa pagbibigay-papuri kay Precious, sa maraming pagkakataong natutukan namin ang actress-newscaster sa Express Balita ng Trese ay nahuhusayan kami sa kanya, lagi naming pinapangarap na sana’y makapagtrabaho siya kundi sa Dos ay sa Siyete, para mapagitna siya sa tunay na labanan.

Walang kabakel-bakel kung magsalita si Precious, maayos siyang bumigkas ng mga salita, kaya tabi-tabi sa Trese na malaki rin ang exposure na naibibigay kay Precious ay parang naliliitan pa kami sa oportunidad na ibinibigay sa kanya ngayon ng istasyon.

Siguradong magkapareho lang ang pananaw namin ni Amy Perez kina Ka Gerry Geronimo at Precious, kaya kung kami ang tatanungin ay walang masamang hangarin ang TV host nang banggitin niya ang pangalan ng dalawa sa usapan nila ni Ogie.

AMY

AMY PEREZ

ATING ALAMIN

KA GERRY GERONIMO

KUNG

NAMIN

PRECIOUS HIPOLITO-CASTELO

TRESE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with