Lihim sa magulang ang pagpapa-sexy ni Gwen
February 16, 2003 | 12:00am
Napakalaki ng kabataan ni Gwen Garci, isa sa ibini-build up ng Viva Films bilang myembro ng Viva Hot Babes sa personal kaysa sa kanyang mga seksing larawan. Aakalain mo sa picture niya na mas matanda pa siya sa kanyang 21 years. At palaban!
Hindi pala masyado!
"Definitely, no lower exposure for me," panimula niya sa isa pang presscon na ipinatawag ng Viva para sa promosyon ng kanilang Viva Hot Babes in the Flesh, isang napaka-senswal na palabas na magtatampok sa walong Viva Hot Babes Gwen, Maui Taylor, Katya Santos, Andrea del Rosario, Sheree, Kristine Jaca, Jen Rosendahl Myles Hernandez at Hazel Cabrera sa Marso 5 at 6, sa NBC Tent, Bonifacio Global Tent.
Kahit na napaka-mahal ng tiket (P1,700 at P1,200), susulitin daw ng walo ito sa pamamagitan ng isang di malilimutang pagtatanghal kasama ang 10 pang sultry models at isa pang surprise guest. Direksyon ni Floy Quintos.
"Mas mahal ang tiket ng Private Joyce. Alam ko dahil isa ako sa mga nagmodelo dun," ani Gwen.
Una siyang napanood sa Sukdulan bilang suporta ni Katya. Isa siyang commercial, ramp at print model na gustong magka-pangalan sa pelikula, kahit pa magpa-sexy siya.
"Hindi ito alam ng mga parents ko. Nasa abroad sila at abalang abala sa kanilang mga gawain. Kung malalaman nila ang ginagawa ko, hindi sila papayag. Pero, nasa edad na ako, pwede na akong gumawa ng sarili kong desisyon. Pero, malaman man nila, kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Aware sa ginagawa ko ang brother ko. I live with him in Baguio," dagdag pa ng bagong bituin na may mother na Spanish Filipina at dad na Chinese Japanese.
Pangarap ni Gwen na mai-launch katulad nina Maui, Katya at Andrea.
Ngayong gabi ang koronasyon ng Mutya ng Caloocan, isa sa mga highlights ng 41st Foundation Day celebration ng Caloocan City. Proyekto ito ng masipag na First Lady ng lungsod na siya ring pangulo at chairman ng Mutya ng Caloocan Charities, Inc na si Gwendolyn Gigi Malonzo kasama ng vice chairman na si Mitch Cajayon, 2000 Mutya ng Caloocan.
Baka nga naman totoo na walang relasyon sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa, stars ng malapit nang ipalabas na Ngayong Nandito Ka ng Star Cinema sa Pebrero 26.
Matagal nang kinukulit ng press ang magka-tandem pero palagi nilang sinasabi na magkaibigan lamang sila, magka-loveteam. Of course, hindi ito ang inaasahang sagot mula sa kanila ng press, lalot marami ang nagpapatunay na higit pa sa magkaibigan ang turingan nilang dalawa.
Ngayong nakikita si Kristine na nakikipag-date kay Luis Lucky Manzano, sinasabing gumaganti lamang ito sapagkat mayroon diumanong magandang namamagitan between Jericho naman and a newcomer introduced in the film na si Cindy Kurleto.
For once, hindi makapag-deny ang dalawa. Hanggang kinailangang aminin ni Kristine na tatlong ulit siyang lumalabas na kasama si Lucky. "Pero, hindi ako nag-iisa. Kasama ko ang mga kapatid kot mga kaibigan," pagtatanggol ni Kristine.
"The first time, sumama ako sa kanya dahilan sa gusto niya akong makilala. Nung second time, basta dumating na lamang siya sa grocery na pinamimilihan ko. Tumulong siyang magbuhat ng mga pinamili ko. Yung last, dumalaw siya sa shooting namin, gusto raw niya akong makita."
Hindi ko makita yung sincerity sa sinasabi ni Kristine na ayaw niyang magsalita tungkol kay Lucky pero, konting tanong lang tungkol dito ay sumasagot agad siya. Like during the presscon.
Kung totoo na may mga ino-offer ang Ngayong Nandito Ka bukod sa maganda nitong istorya at cast, then why the need to lie? Hanggang kailan nila maitatago ang tunay nilang relasyon?
Anyway, ang mga kasama nila sa pelikula na dinirek ni Jerry Sineneng ay sina Onemig Bondoc, Carlo Munoz, Justin Cuyugan, Sandy Andolong, Chinggoy Alonzo, Pinky Marquez, Steven Alonzo at Jaime Fabregas. Ipinakikilala sina Dianne dela Fuente, Jenny Miller, Marc Acueza, Karlyn Bayot, Cindy Kurleto.
Hindi pala masyado!
"Definitely, no lower exposure for me," panimula niya sa isa pang presscon na ipinatawag ng Viva para sa promosyon ng kanilang Viva Hot Babes in the Flesh, isang napaka-senswal na palabas na magtatampok sa walong Viva Hot Babes Gwen, Maui Taylor, Katya Santos, Andrea del Rosario, Sheree, Kristine Jaca, Jen Rosendahl Myles Hernandez at Hazel Cabrera sa Marso 5 at 6, sa NBC Tent, Bonifacio Global Tent.
Kahit na napaka-mahal ng tiket (P1,700 at P1,200), susulitin daw ng walo ito sa pamamagitan ng isang di malilimutang pagtatanghal kasama ang 10 pang sultry models at isa pang surprise guest. Direksyon ni Floy Quintos.
"Mas mahal ang tiket ng Private Joyce. Alam ko dahil isa ako sa mga nagmodelo dun," ani Gwen.
Una siyang napanood sa Sukdulan bilang suporta ni Katya. Isa siyang commercial, ramp at print model na gustong magka-pangalan sa pelikula, kahit pa magpa-sexy siya.
"Hindi ito alam ng mga parents ko. Nasa abroad sila at abalang abala sa kanilang mga gawain. Kung malalaman nila ang ginagawa ko, hindi sila papayag. Pero, nasa edad na ako, pwede na akong gumawa ng sarili kong desisyon. Pero, malaman man nila, kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Aware sa ginagawa ko ang brother ko. I live with him in Baguio," dagdag pa ng bagong bituin na may mother na Spanish Filipina at dad na Chinese Japanese.
Pangarap ni Gwen na mai-launch katulad nina Maui, Katya at Andrea.
Matagal nang kinukulit ng press ang magka-tandem pero palagi nilang sinasabi na magkaibigan lamang sila, magka-loveteam. Of course, hindi ito ang inaasahang sagot mula sa kanila ng press, lalot marami ang nagpapatunay na higit pa sa magkaibigan ang turingan nilang dalawa.
Ngayong nakikita si Kristine na nakikipag-date kay Luis Lucky Manzano, sinasabing gumaganti lamang ito sapagkat mayroon diumanong magandang namamagitan between Jericho naman and a newcomer introduced in the film na si Cindy Kurleto.
For once, hindi makapag-deny ang dalawa. Hanggang kinailangang aminin ni Kristine na tatlong ulit siyang lumalabas na kasama si Lucky. "Pero, hindi ako nag-iisa. Kasama ko ang mga kapatid kot mga kaibigan," pagtatanggol ni Kristine.
"The first time, sumama ako sa kanya dahilan sa gusto niya akong makilala. Nung second time, basta dumating na lamang siya sa grocery na pinamimilihan ko. Tumulong siyang magbuhat ng mga pinamili ko. Yung last, dumalaw siya sa shooting namin, gusto raw niya akong makita."
Hindi ko makita yung sincerity sa sinasabi ni Kristine na ayaw niyang magsalita tungkol kay Lucky pero, konting tanong lang tungkol dito ay sumasagot agad siya. Like during the presscon.
Kung totoo na may mga ino-offer ang Ngayong Nandito Ka bukod sa maganda nitong istorya at cast, then why the need to lie? Hanggang kailan nila maitatago ang tunay nilang relasyon?
Anyway, ang mga kasama nila sa pelikula na dinirek ni Jerry Sineneng ay sina Onemig Bondoc, Carlo Munoz, Justin Cuyugan, Sandy Andolong, Chinggoy Alonzo, Pinky Marquez, Steven Alonzo at Jaime Fabregas. Ipinakikilala sina Dianne dela Fuente, Jenny Miller, Marc Acueza, Karlyn Bayot, Cindy Kurleto.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended