^

PSN Showbiz

Katya sinaktan si Vandolph

-
Binisita ko si Vandolph sa taping ng Daboy En Da Girl dahil guest siya. At the same time, narun din si Katya Santos para mag-promote ng kanyang Sukdulan.

Binati ni Vandolph si Katya. Nagkausap ang dalawa. Very private ang kanilang conversation.

Hanggang nakauwi na si Katya, hindi ko na kinulit pa si Vandolph na nagpapahinga kasama ang mga kaibigan sa GMA-7.

Hiniram ni Vandolph ang mga tabloids na hawak ko. Nakita niya ang mga photo releases ni Katya sa kanyang movie. Nakita ko napapailing si Vandolph.

"Dati po kasi, magkasama kami ni Katya sa Ang TV Kids kaya kami naging close. Nun wholesome ang image niya. Anyway, desisyon niya ‘yun. Wala tayong magagawa. Ginusto naman niya ‘yun," sabi pa ni Vandolph.

Ipinarating ko kay Katya ang mga naging reaksyon ni Vandolph. Ikinatuwa niya ang naging reaksyon nito.

"Kilala ko si Vandolph. He’s a type of person na very conservative. Honestly, naging close kami during our early childhood stage sa Ang TV. Okey naman siya. Sinabi naman talaga niya sa akin na ayaw niyang panoorin ang movie. Pero ‘di ba, hindi naman bastos? Wala naman ipinakitang frontal nudity. Puro pagpapa-sexy lang talaga.

"I’m happy sa naging resulta and I have no regrets."

Fifteen movies for three years ang kontrata ni Katya sa Viva Films. And she said na may follow-up movies na siya. This time with Maui Taylor sa Sex Drive and with Rufa Mae Quinto sa Two, isang sex-comedy films na ididirek ni Chito Roño at ang leading man ay si Edu Manzano.

"I haven’t read the script but they told me na ang role namin dito ay mga kabit. Mas daring ito compared sa mga pinaggagawa ko sa Sukdulan.

Kamusta naman ang talent fee?

"Tumaas ng konti. Ako naman ang tumanggi. Ayoko ng masyadong mataas. Ang gusto ko, mas mahaba mas marami. ‘Yung paramihan ng mga pelikulang nagagawa!

Ano pa ang mensahe mo para kay Vandolph?

"Huwag kang maawa sa akin. I treasure the time nang naging childhood sweethearts tayo nu’n and thank you for all your concern about my career!" pagtatapos pa ni Katya. – BAC

vuukle comment

CHITO RO

DABOY EN DA GIRL

EDU MANZANO

KATYA

KATYA SANTOS

MAUI TAYLOR

NAKITA

VANDOLPH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with