Carlo, Angelica, di nagmamadali
February 15, 2003 | 12:00am
Kapamilya na rin ng ABS-CBN si Lucky Manzano matapos itong pumirma ng exclusive contract sa Star Network. Earlier, nakapirma na rin ng kontrata sa ABS-CBN sina Edu Manzano at Vilma Santos para sa magkahiwalay na program na kanilang gagawin.
Ang pagpasok ni Lucky sa Dos ang siyang magiging hudyat nang tuluyan na niyang pagpapalaot sa mundo ng showbiz.
Noong isang taon pa namin naririnig na magkakaroon ng sitcom si Lucky kung saan niya makakasama ang kanyang ama. Bukod pa ito sa pagiging video jock niya ng Myx, isa sa mga programa ng cable network ng ABS-CBN.
Iba talaga ang charisma ng estranged couple na sina Pops Fernandez at Martin Nievera pagdating sa pagku-concert dahil kayang-kaya pa rin nilang punuin ang Big Dome (Araneta Colisuem) sa kanilang post-Valentine concert na ipu-promote ng Maxi-Media International on February 21 & 22.
Dahil sa sobrang lakas ng ticket sales, nagdesisyon ang Maxi-Media na itoy i-extend on February 28 at nadagdagan pa sila ng matinee show on February 22 at 4:00 p.m. para ma-accommodate ang mga taong nagnanais pang manood ng concert pero wala na silang mabiling tickets.
Ang Martin and Pops in Concert ay siyang reunion concert ng dating mag-asawa matapos silang maghiwalay (bilang mag-asawa) seven years ago.
Ayon sa mga taga-Maxi Media, breaking all box office records ng Araneta Coliseum ang magaganap na reunion concert ng dating couple.
Hindi man komedyante ang presidential son na si Mikey Arroyo, nakuha pa rin nitong makipagsabayan sa mga seasoned actors tulad nina Andrew E., Ogie Alcasid at Rufa Mae Quinto sa pelikulang A.B. Normal College (Todo Na Yan, Kulang Pa Yun).
"Kahit hindi komedyante, madadala ka nila," dagdag pa ng actor-politician.
Aminado si Mikey na enjoy siya sa paggawa ng comedy film dahil magaan umano ang kanyang pakiramdam although bukas naman umano siya na gumawa ng ibang genre tulad ng action (na madalas niyang gawin) at maging sa drama kung kinakailangan.
"Kung artista ka, dapat puwede ka sa lahat," aniya.
Hindi kaya habulin si Andrew E. at kasuhan ng arson ng isang department store na nasunog nang dahil sa pagtapon niya ng sigarilyo?
Hindi binanggit ni Andrew ang pangalan ng department store at ang taon kung kelan ito nangyari.
Sa second and final presscon ng A.B. Normal College, inamin ni Andrew na aksidente umano siyang nakapagtapon ng upos ng sigarilyo sa bag section ng isang department store na ang feeling niya ay sa labas siya nakapagtapon dahil iba umano ang nasa isip niya that time. Pag-uwi niya, naririnig na lamang niya sa radio na nasusunog ang department store na kanyang pinanggalingan na nagmula umano sa bag section. Pero nang makapanayam ang isang imbestigador, sinabi nito na faulty wiring ang pinagmulan kaya nakahinga siya ng maluwag.
Dahil sa nangyari, itinigil na ni Andrew ang paninigarilyo na nakabuti naman umano sa kanyang kalusugan.
Sa kabila ng kanyang pagiging abala sa kanyang showbiz career, hindi pa rin nagpapabaya ang teen actor na si Carlo Aquino sa kanyang pag-aaral. Nasa first year college ito ngayon sa UP College of Music.
Bukod sa acting, may passion sa musika si Carlo na gusto niyang mag-explore ng husto.
Although seventeen na siya, wala pa rin umano siyang girlfriend kahit malapit siya sa kanyang ka-loveteam na si Angelica Panganiban na inaamin niyang crush niya.
Aminado ang binatilyo na special girl para sa kanya si Angelica pero hindi pa umano niya ito girlfriend dahil pareho pa umano silang bata at ayaw niyang masira ang kanilang friendship. Maybe in time, when they are both matured enough na alagaan ang isang seryosong relasyon. In the meantime, pareho silang nagi-enjoy sa kanilang trabaho at sa kanilang pag-aaral. Graduating this March si Angelica ng high school sa St. Vincent School in Quezon City at sa school opening in June ay first year college na siya at balak niyang mag-take-up ng Masscom either sa UP o sa Miriam College.
E-mail: <[email protected]>
Ang pagpasok ni Lucky sa Dos ang siyang magiging hudyat nang tuluyan na niyang pagpapalaot sa mundo ng showbiz.
Noong isang taon pa namin naririnig na magkakaroon ng sitcom si Lucky kung saan niya makakasama ang kanyang ama. Bukod pa ito sa pagiging video jock niya ng Myx, isa sa mga programa ng cable network ng ABS-CBN.
Dahil sa sobrang lakas ng ticket sales, nagdesisyon ang Maxi-Media na itoy i-extend on February 28 at nadagdagan pa sila ng matinee show on February 22 at 4:00 p.m. para ma-accommodate ang mga taong nagnanais pang manood ng concert pero wala na silang mabiling tickets.
Ang Martin and Pops in Concert ay siyang reunion concert ng dating mag-asawa matapos silang maghiwalay (bilang mag-asawa) seven years ago.
Ayon sa mga taga-Maxi Media, breaking all box office records ng Araneta Coliseum ang magaganap na reunion concert ng dating couple.
"Kahit hindi komedyante, madadala ka nila," dagdag pa ng actor-politician.
Aminado si Mikey na enjoy siya sa paggawa ng comedy film dahil magaan umano ang kanyang pakiramdam although bukas naman umano siya na gumawa ng ibang genre tulad ng action (na madalas niyang gawin) at maging sa drama kung kinakailangan.
"Kung artista ka, dapat puwede ka sa lahat," aniya.
Hindi binanggit ni Andrew ang pangalan ng department store at ang taon kung kelan ito nangyari.
Sa second and final presscon ng A.B. Normal College, inamin ni Andrew na aksidente umano siyang nakapagtapon ng upos ng sigarilyo sa bag section ng isang department store na ang feeling niya ay sa labas siya nakapagtapon dahil iba umano ang nasa isip niya that time. Pag-uwi niya, naririnig na lamang niya sa radio na nasusunog ang department store na kanyang pinanggalingan na nagmula umano sa bag section. Pero nang makapanayam ang isang imbestigador, sinabi nito na faulty wiring ang pinagmulan kaya nakahinga siya ng maluwag.
Dahil sa nangyari, itinigil na ni Andrew ang paninigarilyo na nakabuti naman umano sa kanyang kalusugan.
Bukod sa acting, may passion sa musika si Carlo na gusto niyang mag-explore ng husto.
Although seventeen na siya, wala pa rin umano siyang girlfriend kahit malapit siya sa kanyang ka-loveteam na si Angelica Panganiban na inaamin niyang crush niya.
Aminado ang binatilyo na special girl para sa kanya si Angelica pero hindi pa umano niya ito girlfriend dahil pareho pa umano silang bata at ayaw niyang masira ang kanilang friendship. Maybe in time, when they are both matured enough na alagaan ang isang seryosong relasyon. In the meantime, pareho silang nagi-enjoy sa kanilang trabaho at sa kanilang pag-aaral. Graduating this March si Angelica ng high school sa St. Vincent School in Quezon City at sa school opening in June ay first year college na siya at balak niyang mag-take-up ng Masscom either sa UP o sa Miriam College.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended