^

PSN Showbiz

Anne Jomeo, 2 taon pa sa Alpha, pero hinihintay na ng Viva!

PARINIG NGA! - Lanie M. Sapitanan -
Ipinagmamalaki ng keyboardist at musical director na si Jay Durias ng South Border ang pagkakapili nila kay Vincent Alaras, para maging soloista.

Ipinakilala lamang si Vincent sa grupo ng isang kaibigan. Hanggang yayain siya ni Jay na maki-jamming sa mga gigs nila. Pero hindi alam ni Vincent na kinikilatis na pala siya ng bawat myembro. Wala siyang kaalam-alam na simula na pala iyon ng katuparan ng kanyang pangarap.

"Dream come true sa akin ang maging soloist ng South Border. Bata palang ako ay dream ko nang maging singer," kumpisal ni Vincent.

Mula gradeschool sa La Salle Greenhills ay kilala nang mahusay kumanta si Vincent. Maging sa kanyang college days sa St. Benilde sa kursong Industrial Design ay pambato siyang singer. Napilitan siyang magtrabaho at huminto dahil sa kakapusan ng pera. Pero, babalik daw siya ng school kapag nakapag-adjust na siya ng husto sa kanyang schedule.

At kung may isang katangian na nagustuhan sa kanya ng grupo ay ang kanyang dedication sa music.

"Okey si Vincent. Compared to Brix Ferraris at Luke Mejares na parehong palseto ang mga boses. Si Vincent husky pero manly ang voice, parang Bryan McKnight ang dating," paglalahad ni Jay.

Tinitiyak din ng buong grupo na hindi mabibigo ang kanilang mga fans sa bagong myembro ng kanilang pamilya. Aminado naman si Vincent na marami pa siyang dapat na matutunan. Willing at ready din si Vincent na maging open sa public ang kanyang life ngayong soloista na siya ng sikat na banda.

Bagama’t back to zero ang South Border ay masaya at satisfied sila na muling nabuo ang kanilang grupo. Excited din sila sa ginagawa nilang bagong album under Sony Music Phils. na magiging malaking sorpresa sa mga followers nila. Malapit na itong matapos.
* * *
Sino ba ang hindi makakaalala sa grupong Fruitcake na nagpasikat ng kantang "Whoops Kirri Dance Remix"? Ang trio na nakaagaw ng pansin dahil sa kanilang energetic moves, colorful costumes at braided na mga buhok?

Sa grupong ito, nanggaling si Anne Jomeo ang ipinagmamalaking artist ng Alpha. Siya ang kumanta ng Mary the Potter theme song. Siya rin yung female vocalist ng grupong Kawago sa kantang "Kailanman" na ngayon ay umabot na sa gold record.

Sa kanyang gulang na 18 years old, hindi mo aakalain na siya ang nasa likod ng seksing boses sa mga kanta ni Andrew E. sa album nitong Banyo Queen at Porno Daw. Dahil sa husay at ganda ng boses ni Anne, siya ang paboritong back up singer o ka-duet ni Andrew E sa mga album at show nito.

Kahit ang kanyang mga kaibigan ay hindi makapaniwala na siya yung seductive o sexy voice sa mga kanta ni Andrew E. Laging kasama si Anne sa mga tour ng singer-rapper, kung kaya napilitan siyang huminto ng pag-aaral ng mass communication sa FEU. Kasama rin sana siya sa concert series ni Andrew E sa Canada, pero nangamba ang Alpha Records na baka makasama ito sa kanyang image. Malaki rin ang interes sa kanya ni Boss Vic ng Viva ayon kay Andrew E., pero may dalawang taon pang kontrata si Anne sa Alpha Records. Ito rin marahil ang isa sa dahilan kung kaya ayaw nang ipahiram ng Alpha ang mahusay nilang singer.

Ayon kay Andrew E. "She has a great talent, alam mo yun! Magaling siyang sumayaw, at nakaganda ng boses. Kahit mapa-up-beat songs, ballad, pop, rock, at rap name it, super galing siya. Malayo ang mararating ng batang iyan. At sana magkatrabaho uli kami," pangungumpisal ng rapper.

Samantala, naghahanap ng manager si Anne. Tiyak na hindi mapapahiya ang sinumang hahawak ng kanyang career. For the meantime ay busy si Anne ngayon sa kanyang second single na "Bangkang Papel" under Alpha Records label. Regular din siyang kumakanta tuwing Martes ng gabi sa Ginga-KTV.

ALPHA RECORDS

ANDREW E

ANNE JOMEO

BANGKANG PAPEL

KANYANG

SIYA

SOUTH BORDER

VINCENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with