^

PSN Showbiz

Break na sina Alex at Polo

- Veronica R. Samio -
Kung si Alessandra de Rossi ang masusunod, ayaw niyang makipag-halikan sa pelikula. Pero, dahil trabaho niya ito, no choice siya. In fact, sa kanyang latest movie sa Legacy Films na pinamagatang Message Sent, may tatlong kissing scene siya kay Onemig Bondoc. Naging dahilan ito para magselos ang boyfriend niyang si Polo Ravales na siya rin marahil ang dahilan para sila mag-break.

"Pero, nauna naman siyang makipag-halikan sa kanyang TV series ah!," pagtatanggol ng kapatid ni Assunta. Idinagdag pa nito na palagi siyang hinahamon o tinatakot ni Polo ng break up.

"Ako, palagi niyang binibigla, pero cool lang ako. Nung January 28, nang muli siyang maghamon ng break up, kinol ko. Nakipag-break ako sa kanya.

"Para namang walang nangyari. Magkasama pa rin kami parati. Nag-uusap pa rin kaming madalas. The difference now is that nililigawan niya akong muli. May dala na siya palagi ng bulaklak," dagdag pa ni Alex.

Sa pelikulang Message Sent, hindi luha ang pakakawalan ni Alex kundi tawa. Patatawanin niya ang mga manonood.

"Para akong tindera sa palengke, maingay at madada. Na-turn off nga yata si Onemig sa akin. Pero, nang malaman niyang mabait pala ako, nahulog na ang loob niya sa akin."

Kasama sa Message Sent sina Gladys Reyes, Keempee de Leon, Carmi Martin, Jake Roxas, Lester Llansang, Luis Gonzales at Gloria Sevilla. Mula sa panulat at direksyon ni Joven M. Tan.
*****
Nag-about turn naman ng 100% ang bold star na si Nina Lopez sa Message Sent.

"Wholesome na ako ngayon. Si Alex ang nagpa-sexy sa movie. Naglabas pa siya ng cleavage.

"Masaya na ako dahil kaya ko palang mag-wholesome. Nagsisisi ako hindi lamang dahil nag-bold ako kundi nagpakuha pa rin ako ng sexy pictorial nun gayong pwede naman palang hindi," ani pa ni Nina.

Wholesome na ang packaging kay Nina ngayon ng Legacy Films, na siya ring nag-prodyus ng kanyang launching movie, ang Dalaginding.

"Maski sa TV ayaw na akong payagang lumabas ng bold o kahit man lamang may mga kasamang bold stars. Nalaman kasi ng producer ko na 16 lang talaga ako, isang minor at ayaw niyang mapagbintangang nang-aabuso ng isang menor de edad. Buti nga, hindi nila ako pinakawalan kahit nalaman nilang nagsinungaling ako, nagpatanda ako ng edad.

"Pangangatawanan ko na ang pagiging wholesome. Pwede naman pala. Katunayan, may gagawin akong isang soap opera na hindi ako kailangang magpa-sexy," pagpapatuloy ni Nina.
*****
Matagal-tagal na ring artista si Andrea del Rosario. Kung tutuusin, may nagawa na siyang pangalan sa local entertainment scene. Kaya marami ang nagtataka kung bakit kinailangan pa niyang mag-bold.

"Gusto ko naman makagawa ng marka bago man lamang ako mawala," aniya.

Sa Lupe ng Viva Films where she is launched, matutupad niya ang kanyang pangarap. Sa pelikula, itinodo na niya ang lahat. Wala siyang itinago. Lahat inilabas niya– ang buo niyang katawan na hubo’t hubad, ang kanyang likod, tagiliran, boobs.

Pumayag din siyang magkaroon ng frontal exposure. At seven ang lovescenes niya–sa beach, bellfry at kung saan-saan pa kasama ang mga leading men niyang sina Jordan Herrera at Leandro Muñoz.

Sa lovescene niya sa beach, talagang hinintay ni Direk Elwood Perez ang pagdating ng pinakamalaking alon para ito makunan.

Wala namang regrets si Andrea. "Hindi ito biglaang desisyon. Pinag-isipan ko ito ng mabuti. Kinonsulta ko pa ang pamilya ko.I know the movie is worth all the sacrifices," pagtatapos niya.

AKO

ALEX

ANDREA

LEGACY FILMS

MESSAGE SENT

NINA

NIYA

NIYANG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with