Sonny Parsons gustong si Lito Lapid ang gumanap sa kanyang buhay
February 12, 2003 | 12:00am
"Si Gov. Lito Lapid ang gusto kong papapel sa akin kung maisapelikula ang aking buhay," pahayag ni Sonny Parson.
Noon pa napabalitang gagawin ng Regal Films ang kanyang filmbio dahil sa naipakita nitong katapangan sa pakikipaglaban sa mga masasamang tao na nanloob sa kanilang tahanan, sa Marikina ilang buwan na ang nakalipas. Siya ang magiging bida sa pelikula at siya pa rin ang magiging direktor nito.
"Interesado nga ang Regal noon pero hindi natuloy dahil nangibang bansa ako. Pagbalik ko naman ay ayaw ko muna. Gusto ko munang manahimik at tapusin itong gulo dahil iisipin ng iba na gagamitin ko ang pangyayari."
Hindi malayong siya ang magiging direktor dahil full-time direktor siya at active member ng Kapisanan ng mga Direktor ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon.
"Kung ako ang masusunod, ayaw kong ako ang lalabas na bida rito. Gusto ko si Gov. Lapid because I believe that he is the most credible person to portray me."
Hindi malapit na magkaibigan sina Sonny at Gov. Lapid at kaya naman niya ito napipisil na gaganap sa kanyang buhay ay dahil ito ang unang taong dumamay sa kanya noong unang may nangyaring gulo sa kanyang tahanan.
"Siya yong unang tumulong at pati na si Kuya Ronnie (Fernando Poe, Jr. na tumawag sa kanya sa telepono). Nakita ko kay Gov. Lapid iyong kagandahang pag-uugali at iyong totoong pagkatao. " Alex Datu

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended