^

PSN Showbiz

Mavericks naghahanap ng sex goddess

- Veronica R. Samio -
Mula Pebruary 8-18, mapapanood sa Pelikula at Lipunan 2003 ang exclusive screening ng isang much-talked about gay film, ang Hush.

Ang Hush ay isang most acclaimed film ng Japan in recent years. Tungkol sa isang egocentric homosexual, si Naoya na naniniwalang may kulang sa kanyang buhay. Aksidenteng nagkakilala sila ni Katsuhiro at dito nagsimula ang kanilang relasyon.

Dumating sa buhay ni Naoya si Asako na gustong magkaanak sa kanya. Syempre, di tanggap ni Naoya ang ideya. Kasabay nito, bigo siya kay Katsuhiro na pinipigil ang kanyang sexuality. Gumrabe pa ang sitwasyon nang dumating ang kapatid ni Katsuhiro kasama ang asawa nito. Syempre, hindi sila payag sa relasyon nito kay Asako.

Paiiyakin kayo ng Hush sa mga sitwasyon na akala n’yo ay nakakatawa.

Ang direktor ng pelikula na si Hashiguchi Ryosuke ay nagsisimula nang umani ng papuri mula Cannes hanggang Toronto. Dahil dito, nakumbinse ang LA Times editor na iproklama siyang next major director to emerge in world cinema.

Mapapanood ang Hush sa Pelikula at Lipunan 2003 sa Peb. 17, 9:30 n.g. sa SM Megamall. Ang mga Oscar favorites na The Hours na nagtatampok kina Meryl Streep, Julianne Moore at Nicole Kidman at ang Punch-Drunk Love ni Adam Sandler ang magsasara ng filmfest.

Ilan pa rin sa mga pelikulang kasali sa filmfest ay ang El Crimen del Padre Amaro ng Mexico; Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon at Pacifica Falayfay ng Pilipinas,Peb. 12; Muro Ami at Jack & Jill ng Pilipinas; Bollywood Hollywood ng USA/India at Shadow of the Vampire, UK, Peb. 13; Anak, Tulak Ng Bibig, Kabig Ng Dibdib ng Pilipinas, A Trandistor Love Story, Thailand at People I Know, USA, Peb. 14; Ganito Kami... at Omeng Satanasia, Pilipinas; Whispering Sands, Indonesia; 20th Anniv. of Oliver, Ang Magpakailanman, The Great Smoke w/ New Shorts, Peb. 15; Muro Ami at East Meets West, Pilipinas; Small Home, Phil/Japan; All About Lily, Japan, Peb. 16; Anak at Pagdating Sa Dulo, Pil.; Titus, UK; Hush, Japan, Peb. 17; Ganito Kami... at Wayawaya, Pil.; The Hours at Punch-Drunk Love ng USA, Peb. 18.

For inquiries, pls. call Mowelfund Film Institute at 7271915 at 7271961.
* * *
Naghahanap ng isang bagong mukha ang Maverick Films sa pamumuno ng managing director nito na si Eric Cuatico.

Ang bagong mukha ay itatampok sa bagong pelikula ng kumpanya na pamamahalaan ni Tikoy Aguiluz, ang webdiva. com.

Ang script ay kolaborasyon ng Movpix Creative Team na pinamumunuan ni Aguiluz, Palanca awardee Angelo "Sarge" Lacuesta at Jasmin Coles, isang finalist sa Cinemanila International Film Festival Scriptwriting Contest. Kasama rin sa pagkokonsepto ng pelikula si webmaster Rolando "Yuka" Eucasion (Webby Awardee and developed the first Philippine Movie website for Rizal sa Dapitan in 1997), film editor Mirana Medina (editor ng mga pelikulang Segurista, Bagong Bayani at Biyaheng Langit) at ang production designer na si Bonnie Juan.

Ang webdiva.com ay inaasahang gagawa muli ng ugong katulad ng ginawa ng Dukot Queen ni Sunshine Cruz at Jay Manalo na bagaman at hindi natapos ay umabot sa kamay ng mga pirata na siyang naging dahilan para magkainteres dito ang publiko.

Ang buong industriya ay naghihintay na makita kung sino ang ilulunsad ni Direk Tikoy bilang next important sexy star.

Ang mga interesado ay magpadala lamang ng dalawang larawan, close up at full body, sa Maverick Films, 409 Shaw Boulevard, Mandaluyong City. Kailangang may kasama itong biodata.

vuukle comment

A TRANDISTOR LOVE STORY

DRUNK LOVE

GANITO KAMI

KATSUHIRO

MAVERICK FILMS

MURO AMI

NAOYA

PEB

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with