Project A, Side A, iisa?
February 10, 2003 | 12:00am
Nakakaintriga ang pangkat na nakilala ngayon sa pangalang Project A. Halos isang buwan na ngayon sa ere sa FM stations pinatutugtog ang kanilang debut single na pinamagatang "Only Love" ngunit hanggang ngayon, parang ayaw pa nilang lubusang magpakilala kung sinu-sino ang bumubuo nito.
Ang awitin nilang "Only Love" ay palakas nang palakas ang airplay habang tumatakbo ang panahon.
Habang paakyat sa OPM chart ang "Only Love", marami nga ang naiintriga sa kanilang tunay na identity. Marami sa kanila ang nakapuna sa laking pagkahawig ng boses ng vocalist sa boses ng mang-aawit ng isang banda na may taglay ding "A" sa dulo ng kanilang pangalan.
Ang Project A ba ay isang mysterious band? Kahit ang mga deejays din ay walang maibigay na impor-masyon sa tunay nilang pagkatao. Pati ang CD nila ay wala ring nakalagay na website kung saan pwede silang bisitahin ng fans upang higit na makilala ang mga lead vocalist ng pangkat.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended