Komedyanteng writer
February 10, 2003 | 12:00am
Isa sa mga hinangaan nating singer-songwriter ay muling nagbabalik sa pagpapatawa sa pelikula via Vivas Films A.B. Normal College (Todo Na Yon, Kulang Pa Yun). Ginampanan ni Ogie ng papel na Dominic, isang ex-seminarian na napadpad ang landas sa isang kakaibang eskuwelahan ng A.B. Normal College.
Mas nakilala nga ang husay ni Ogie sa pagsulat ng mga magagandang awitin na tumitimo sa ating mga puso. Kabilang nga sa mga naisulat niyang mga timeless love songs ay "Bakit Ngayon Ka Lang", "Nandito Ako", "Bakit Ka Lumayo", "Pagkakataon", "Pangako", "Kung Mawawala Ka", "Kailangan Koy Ikaw", "Hanggang Ngayon" at marami pang iba. "Kaparte na ng buhay ko ang magsulat ng mga awitin na alam kong may tama sa bawat puso at kaluluwa ng mga tao," sey ni Ogie. "Pakiramdam ko ay ito ang naging dahilan kung bakit ako nandito sa mundong ito. Ibang klase kasi ang pakiramdam kapag appreciated ang mga awitin mo. Sa ibat ibang tao, iba-iba ang nararamdaman nila sa mga awitin ko. Mas lalo akong ginaganahang magsulat kapag alam kong mas maraming nagkakagusto."
Pero isa ring mahusay na komedyante si Ogie at matagal na ring nasubukan ang kanyang pagiging komedyane kasing-tagal sa kanyang pagiging manunulat ng mga awit.
"Nasa personalidad ko rin ang magpatawa," sey pa ni Ogie. "Yun naman ang isang part ng pagkatao ko. Gustung-gusto ko na napapasaya ko ang mga tao sa paligid ko at siyempre, magaan para sa akin ang lumabas sa comedy kasi nakasanayan ko na ito. First time kong makakatrabaho si Andrew E. at maging ang director naming si Al Tantay. Pareho silang mahuhusay sa pagpapatawa."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended