Singer/actress pinagtataguan ng katulong
February 10, 2003 | 12:00am
Si actress-singer ay suki ng isang employment agency. Dito siya laging kumukuha ng mga katulong sa kanyang bahay. Pero, may nakapagbulong na wala pang dalawang linggo ay bumabalik na ang kinukuha nitong katulong dahil bukod sa mahilig magmura ay nahihirapan silang pakibagayan ito. Kapag nagagalit ay binabato niya ang anumang bagay sa katulong kaya ninerbyos ang mga ito.
Papalit-palit ang kanyang katulong dahil walang makatagal sa kanyang ugali. Kailan lang ay tumawag na naman ito sa suking agency para kumuha uli ng housemaid. Nang dumating ito sa opisina ay nagtakbuhan ang mga katulong at nag-tago dahil ayaw nilang manilbihan sa singer-actress kahit maganda ang sweldo.
Hanggang ngayon palay masama pa rin ang loob ng daddy ni Assunta de Rossi sa kanya. Dapat ay magkikita-kita silang magkakapatid noong Pasko sa Italy kasama ang kanilang mga magulang pero hindi ito natuloy dahil nagpakasal nga sina Assunta at Congressman Jules Ledesma. Ngayon, kahit wedding pictures ni Assunta ay dinidedma ng kanyang ama.
Tinatanggap naman ng mommy niya si Assunta kapag dumadalaw ito na kasama pa ang dalawang anak ni Jules. Pero, matatagalan pa ayon kay Mommy Neth bago niya matanggap na manugang ang kabiyak ni Assunta. Mabuti na lang at nariyan pa si Alessandra na sinasamahan niya sa mga lakad nito tulad ng presscon, tapings o syuting.
Sa kabilang banda, malakas ang laban ni Alessandra bilang best actress sa darating na awards-giving bodies dahil sa mahusay na pagganap sa Mga Munting Tinig sa direksyon ni Gil Portes. Halos lahat ng film festival sa abroad na kasali ito ay pinapupurihan ang movie.
Ayaw umasa ni Alex dahil mabibigat ang kanyang mga kalaban gaya nina Vilma Santos, Ara Mina at iba. Kahit pa sinasabing magaling siya at nagtamo na ng dalawang award bilang best supporting actress sa Azucena at Hubog.
Abala ito ngayon sa syuting ng The Cory Quirino Kidnap Story: NBI Files kung saan gagampanan ang papel na assistant ni Cory. Hindi lang niya alam kung ipakikita sa pelikula ang sagot sa mga tanong kung totoong na-rape sila ni Cory sa kamay ng mga kidnappers.
Nakakalungkot isipin na nagkahiwalay agad sina Raymond Bagatsing at Lara Fabregas. Isa sa malaking factor kung bakit failure ang marriage ng dalawa ay dahil napaka-independent nila pareho ayon kay Raymond.
Sinabi pa ni Raymond na hindi naman nabawasan ang pagmamahal niya kay Lara kaya wala pa siyang balak na ipa-annul ang kanilang kasal.
Ayon kay Raymond, hindi pa siya handang umibig muli pero, malaya na sila ni Lara. Sakaling magka-boyfriend ang kanyang dating asawa ay masasaktan din siya pero karapatan nito na pumili ng bagong iibigin.
Dalawang babae ang nabigyan ng malaking pagpapahalaga bilang modelo sa pagdiriwang ng taunang International Womens Day na idinaraos tuwing Marso. Tatanggap ng award sa Women Helping Women si Manay Gina de Venecia dahil sa kanyang The Haven na tumutulong at kumukupkop sa mga sexually harassed at battered women. Sa panig ng kabataan ay nabigyan naman ng parangal si Aiza Seguerra ng Violet Richardson Award dahil sa kanyang community service sa kabila ng kaabalahan sa showbiz.
Sa taong ito, ini-endorse ng Soroptimist International (Dasma-Salcedo Club) kung saan ang inyong lingkod ang presidente ang masipag na gobernador ng Bulakan na si Hon. Josie dela Cruz.
Sa isang pakikipag-usap sa kanya noong Huwebes ay napag-alaman namin kung bakit karapat-dapat lang na mabigyan siya ng award dahil sa kanyang livelihood program. Sa pamamagitan ng kanyang Panlalawigang Komisyon ng mga Kababaihan ay may programa siya tungkol sa pagbibigay ng puhunan mula 2,000 hanggang 10,000 (individual) at 100,000 naman sa organization na gustong magkaroon ng puhunan sa negosyo. May kabuuang 2,000 kababaihan na ang nabibiyayaan.
Sa Marso 7 siya gagawaran ng parangal mula sa Soroptimist International, Philippines 2 n.h. sa Club Filipino.
Papalit-palit ang kanyang katulong dahil walang makatagal sa kanyang ugali. Kailan lang ay tumawag na naman ito sa suking agency para kumuha uli ng housemaid. Nang dumating ito sa opisina ay nagtakbuhan ang mga katulong at nag-tago dahil ayaw nilang manilbihan sa singer-actress kahit maganda ang sweldo.
Tinatanggap naman ng mommy niya si Assunta kapag dumadalaw ito na kasama pa ang dalawang anak ni Jules. Pero, matatagalan pa ayon kay Mommy Neth bago niya matanggap na manugang ang kabiyak ni Assunta. Mabuti na lang at nariyan pa si Alessandra na sinasamahan niya sa mga lakad nito tulad ng presscon, tapings o syuting.
Ayaw umasa ni Alex dahil mabibigat ang kanyang mga kalaban gaya nina Vilma Santos, Ara Mina at iba. Kahit pa sinasabing magaling siya at nagtamo na ng dalawang award bilang best supporting actress sa Azucena at Hubog.
Abala ito ngayon sa syuting ng The Cory Quirino Kidnap Story: NBI Files kung saan gagampanan ang papel na assistant ni Cory. Hindi lang niya alam kung ipakikita sa pelikula ang sagot sa mga tanong kung totoong na-rape sila ni Cory sa kamay ng mga kidnappers.
Sinabi pa ni Raymond na hindi naman nabawasan ang pagmamahal niya kay Lara kaya wala pa siyang balak na ipa-annul ang kanilang kasal.
Ayon kay Raymond, hindi pa siya handang umibig muli pero, malaya na sila ni Lara. Sakaling magka-boyfriend ang kanyang dating asawa ay masasaktan din siya pero karapatan nito na pumili ng bagong iibigin.
Sa taong ito, ini-endorse ng Soroptimist International (Dasma-Salcedo Club) kung saan ang inyong lingkod ang presidente ang masipag na gobernador ng Bulakan na si Hon. Josie dela Cruz.
Sa isang pakikipag-usap sa kanya noong Huwebes ay napag-alaman namin kung bakit karapat-dapat lang na mabigyan siya ng award dahil sa kanyang livelihood program. Sa pamamagitan ng kanyang Panlalawigang Komisyon ng mga Kababaihan ay may programa siya tungkol sa pagbibigay ng puhunan mula 2,000 hanggang 10,000 (individual) at 100,000 naman sa organization na gustong magkaroon ng puhunan sa negosyo. May kabuuang 2,000 kababaihan na ang nabibiyayaan.
Sa Marso 7 siya gagawaran ng parangal mula sa Soroptimist International, Philippines 2 n.h. sa Club Filipino.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended