^

PSN Showbiz

Rio Diaz, a living miracle

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Si Rio Diaz-Cojuangco ang nararapat na tawaging Miracle Lady ng bagong millennium.

Ilang taon na kasing palagi na lang natataningan ang kanyang buhay, pero ilang ulit na rin siyang gumaling at nakita nating lahat na mukhang full of life at maligayang-maligaya siya hanggang ngayon.

She’s indeed a living miracle. Isang matibay na ebidensiya kung ano talaga ang nagagawa ng tunay na pananalig sa Diyos at ng taimtim na panalangin.

Noon lamang isang buwan ay binigyang muli siya ng "ultimatum" for the nth time ng mga cancer specialists sa US Sabi nila kay Rio, dalawang linggo na lang ang itatagal niya sa daigdig.

Tanggap naman ng payapa ang kalooban ni Rio kung anuman ang mangyari sa kanya. Anyway, she has long been prepared for that moment na iiwan na ng kanyang kaluluwa ang kanyang katawang lupa.

Sa balitang ito medyo nagulat din kami dahil last year kausap namin ang masayang-masaya, very radiant na tila walang dinaramdam si Rio. Very infectious ang kanyang malulutong na halakhak at talagang marami pa siyang gustong gawin sa buhay ayon na rin sa aming kwentuhan.

Siya pa mismo ang nagbibiro sa aming big boss na si Dr. James G. Dy nang malaman niyang merong mga taong gustong makaugnayan ni Dr. Dy sa kanyang mga civic projects, nagbigay agad ng kusang tulong si Rio at siya mismo ang tumawag sa mga VIPs na kaibigan niya rin sa Kongreso.

Kaya nga lungkot na lungkot kami sa latest news kay Rio. Siyempre, tuluy-tuloy ang aming pagdarasal para sa kanya. Hindi naman nagtagal ang ganito naming pakiramdam dahil isa nga si Rio sa magandang makapagpapatunay na habang may buhay may pag-asa.

Ang sumunod na pangyayari ay talagang bagay sa isang Sunday column. Makapagbibigay ng inspirasyon sa lahat, lalo na sa mga may karamdaman na talagang hindi bumibitiw sa matatag na sampalataya sa Maykapal at sa kanilang sarili.

Talagang gusto pa ni Rio na madugtungan ang kanyang buhay kaya’t sinunod niya ang payo ng espesyalista na magpa-chemotherapy. Talagang very encouraging naman ang naging resulta ng prosesong ito (kahit very uncomfortable) para kay Rio.

Ang bagong medical bulletin for her condition: "She will still be around for six months more."

Kilala natin si Rio at alam ng lahat ang kanyang great faith in God at sa maraming nagdarasal para sa kanya; at siyempre ang kanyang zest for life. Sigurado ang six months na ito mabibigyang muli ng extension.

To Rio Diaz Cojuangco, more than you’ll ever know, patuloy kang nagbibigay ng inspirasyon sa aming lahat.
* * *
Ito nga ang ipinagtataka namin kung bakit meron pang mga taong ayaw namang mabuhay, kaya sinintensyahan ang sarili at suicide ang nagiging resulta. Sa konting problema nagpapatalo... nawawalan ng pag-asa.

Ang sarap mabuhay. Maraming bagay sa ating paligid — na kung minsan ay hindi lang natin napapansin – na makapagpapaligaya sa atin. Na makapagbibigay sa atin ng bagong liwanag, ng bagong sigla.
* * *
Isa pang very inspiring news ang nangyari sa very young at premyadong composer na si Jade Nicdao.

At a very early stage of his career, maraming mga sikat na singers ang nakapag-record ng kanyang mga original compositions. Nanalo na rin siya ng Awit at FAMAS awards. Kaya nga lang, sa puntong pabulusok na ang kanyang musical career sa ating bansa, ipinasya niyang makipagsapalaran sa Amerika.

Doon ay kumuha siya ng mga advance courses sa composition (music graduate si Jade ng UP) at sa mga teknikong aspeto ng recording at record-producing.

Nag-apply agad siya roon na maging permanent resident o immigrant. Noong una, maraming naging problema si Jade para maaprubahan ang kanyang petition. Hindi agad nawalan ng pag-asa si Jade. Ginawa niya ang lahat para mapatunayan sa mga immigration officer na nasa kanya ang talino at sapat na kaalaman upang mag-survive at maging asset sa very competitive American music business.

We were really overwhelmed by the happy news na approved na ang kanyang pamamalagi sa USA.

Congrats Jade at sana one of these days, makarinig kami ng kanta mo na recorded na ng mga sikat na Kanong musical stars. Sana rin mai-produce mo ang mga plaka ng mga leading artists na Kano.

CONGRATS JADE

DR. DY

DR. JAMES G

JADE NICDAO

KANYANG

KAYA

MIRACLE LADY

RIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with