^

PSN Showbiz

Marissa Sanchez naging kerida noon!

- Veronica R. Samio -
Sa kanyang nakatakdang dalawang Valentine concerts, ita-tackle ni Marissa Sanchez ang roles ng misis at mistress. Hindi na ito magiging mahirap para sa isang single na tulad niya sapagkat inamin niya na bago niya narating ang napakasayang episode ng kanyang buhay ngayon na kung saan ay in love na in love siya, "Naging misis din ako nun, at once naging mistress din," sabi niya na ayaw nang banggitin pa ang mga pangalan ng mga lalaking naging bahagi ng kanyang buhay nun.

"Hindi pala masaya ang maging mistress and to borrow the words of another showbiz personality, ‘happiness is not happiness if you take it from someone else’s happiness’.

"Masaya na ako ngayon na pareho kaming libre ng aking "palangga". Bukod sa talagang mahal na mahal ko siya ay natututo pa akong mahalin ang aking sarili. Dati- rati ay halos malunod siya sa aking possessiveness, pero, ngayon hindi na. Mayroon na akong self-esteem.

"Dati lahat ng maganda, pinagseselosan ko. Wala akong pinapatawad, pati TV pinagseselosan ko. Mapatingin lang siya sa artista, nagseselos na ako. Pati, asawa ng manager ko, pinagselosan ko.

"Hindi na ngayon. Ngayon, ang boyfriend ko na ang nagseselos, hindi dahil sikat ako but because pumapayat na ako. Sinusundan na niya ako ngayon at tinatanong, gustung-gusto ko naman."

Sa February 13, sa Le Pavillon sa Roxas Boulevard, sa kanyang show na pinamagatang Naughty Me & My Spirit, "Ilalaglag ko rito ang mga misis. Gagawin kong bida ang mga mistress. Babawi na lang ako next day sa Hotel Intercon sa Makati, sa isa ko pang show titled Divastating Valentine. Igo-glorify ko ang mga misis, lalaitin ko naman ang mga kerida."

Sa Feb. 13 show, makakasama ni Marissa ang pop group from Ateneo, ang Spirit of ’67. Bubuhayin nila ang spirit ng dating, courtship at romance nung circa 60’s at 70’s.

Sa Feb. 14 naman, ii-spoof ni Marissa sina Zsazsa, Kuh, Kris, Barbra, Shirley at marami pa.

"Marami nga ang nagtatanong at pati na rin si Pops, kung bakit hindi ko siya ginagaya. Sabi ko iba siya, di pwedeng gayahin. Pero, sa totoo lang, wala akong makitang trademark niya. Sina Nora rin at Assunta, di ko magaya for the same reason."

Sa kanyang dalawang palabas, ang Divastating Diva at Naughty Me & My Spirit, magpapaka-bastos si Marissa. "Pero, konti lang dahil hindi naman ako bakla noh! At saka, in person, decent naman ako and quiet," pagtatapos niya.
*****
Magbibigay si Vilma Santos ng isang presscon sa susunod na linggo para klaruhin ang ilang tsismis ukol sa pagpapaliban ng kanyang TV projects para sa ABS CBN. Bunga ito ng mga maling balita na nagbigay ng negatibong kulay sa relasyon ni Vilma at ng ABS-CBN. (Lilinawin din kaya ni Vi ang mga balitang lumalabas na maraming artista ang ayaw mag-guest sa kanyang mga nakatakdang palabas dahilan sa naging usapin ng 10% VAT na involved din ang kanyang asawang senador? — Ed).

Sisimulan dapat ang ispesyal na Vilma: The Star For All Seasons na inaasahang magiging pagdiriwang niya ng 40 taon bilang artista. Plano rin ng network ang isang TV dramedy para sa kanya.
*****
Isang text message ang tinanggap ko mula kay Eric John Salut na nagsasabing inilampaso na raw ng Morning Girls with Kris & Korina ang Sis. Sa latest survey daw ng AGB, 20% ang nakuhang viewership ng palabas ng ABS CBN as against 7% ng palabas ng GMA!

vuukle comment

AKO

DATI

KANYANG

MARISSA

MY SPIRIT

NAUGHTY ME

NIYA

SA FEB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with