^

PSN Showbiz

Sa'n ba natalo si Regine?

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Mabuti naman at ilang araw lang ang itinagal ng kontrobersya sa pagitan nina Angela Velez at Regine Tolentino, Linggo nang tanghali nang maganap ang kanilang hindi pagkakaunawaan, pero Martes nang umaga ay plantsado na agad ang kanilang problema.

Nag-ugat ang problema sa isang simpleng paglalaban lang nila sa pagsayaw, sa ASAP ‘yun, sa segment na "Clash Dance".

Nagmistula kasing sirkera sa karnabal si Regine sa pagsemplang-semplang sa entablado, sa mga kumplikado niyang galaw kung saan kailangan siyang saluhin ng kanyang kapareha ay nagkakandadulas siya, kaya ang napagdiskitahan ni Regine ay ang "kalokohang" ginawa raw ni Angela.

Kitang-kita raw niya, sabi ni Regine, na sadyang ibinuhos ni Angela ang gaas sa sahig na bahagi ng props nito, kaya siya nagkadulas-dulas sa sahig.

Naunang nakapaghayag ng kanyang panig si Regine, magaling magsalita ang balikbayang misis ni Lander Vera-Perez, kaya marami ang naniwala agad sa kanyang mga akusasyon laban kay Angela.

Pero kinabukasan ay nakabuwelta rin agad sa isyu si Angela, maraming kaibigan nito ang nagpatunay na hindi magagawa ng dalaga ang mga ibinibintang ni Regine, dahil ayon sa kanilang pagkakilala ay punumpuno ng kumpiyansa si Angela.

Sa totoo lang, kung imahe ang pag-uusapan ay matatalo talaga sa labanan si Regine, dahil kung gaano kasimple at katahimik si Angela ay kilala naman sa pagiging reklamador ang mag-inang Regine at Mommy Gina.

Sa showbiz pa naman, kahit pa ang nakilala nang tahimik lang at hindi mahilig sa kontrobersiya ang mali, sa paghusga ng marami ay ang kanyang kalaban pa ang nakagawa ng palso.

At du’n sa aspetong ‘yun natalo si Regine, marami na kasing kontrobersiyang kinasangkutan ang misis ni Lander, samantalang si Angela ay nananatiling tahimik lang.
* * *
Ang inaasahan ni Regine na kapag nauna siyang nagsalita ay makukuha na niya ang simpatya ng publiko dahil siya nga ang nagpasemplang-semplang sa entablado.

Sa halip na makisimpatya sa kanya ang manonood dahil ipinakita ang nakabenda niyang paa, ay iba pa ang nangyari.

Hindi ang kanyang mga pinagsasabi ang naiwan sa utak ng manonood, kundi ang itsura ng kanyang mga kuko sa paa, na ayon sa maraming nakatutok sa The Buzz ay ang pangit-pangit daw pala.

Kami mismo ay nakatanggap ng mga negatibong komento mula sa aming mga kaibigan tungkol sa itsura ng paa at mga kuko sa paa ng seksing dancer, may isa pa ngang nag-text sa amin na nagsabing totoo raw ang kasabihang "Don’t judge a book by its cover," dahil maganda lang palang tingnan sa panlabas si Regine.

Mababaw na kung sa mababaw, at totoo namang mababaw ang dahilan na kaya nabawasan ang paghanga ng marami kay Regine ay dahil lang sa mga pangit niyang kuko sa paa, pero wala tayong magagawa dahil may mga taong paa ang tinitingnan sa babae.

May kaibigan kaming batang aktor na patay na patay sa isang aktres, sobra-sobra ang pagkagusto ng young actor sa actress-singer, pero nang makita na niya ang paa ng babae ay biglang lumipad ang kanyang paghanga dito.

Kung gaano kakulit nu’ng una ang young actor sa pagsasabing kahit may mga anak na ang actress-singer ay liligawan pa rin niya ito at mamahalin, pagkatapos niyang makita ang mga paa ng aktres ay biglang parang putol na ang dila ng young actor kapag napag-uusapan ang babae.

ANGELA

ANGELA VELEZ

CLASH DANCE

DAHIL

KANYANG

LANDER VERA-PEREZ

PAA

REGINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with