^

PSN Showbiz

Jeffrey si G. Toengi pa rin ang mahal

-
Malapit na ang Valentine’s Day at hindi naitago ni Jeffrey Quizon ang kanyang damdamin para kay G. Toengi. Mami-miss daw niya ang kanyang mahal na ngayon ay nasa Los Angeles para sa patuloy nitong pakikipagsapalaran na mapasok sa Hollywood.

Apat na taon din ang kanilang relationship at bagama’t laging nasa malayo ito ay patuloy pa rin ang kanilang komunikasyon even by phone, letters or card. "Nagtatawagan lang kami kung kinakailangan, halimbawa’y may problema siya o kaya naman ay ako ang may problema. Ganoon lang, hindi na kailangan na magtawagan pa kami kung kumustahan lang at kwentuhan, kasi magastos din," paliwanag niya.

Walong taong gulang na rin ang anak ni Epi sa isang non-showbiz na nakilala niya noon. Hindi naman daw problema kay G. ang pagkakaroon nito ng anak dahil hindi naman niya ito responsibilidad.

"Wala naman akong problema sa ina ng anak ko, magkaibigan na lamang ang turingan namin. Mayaman kasi sila at di na nila kailangan pa ang sustento. Isa pa, hindi naman isinunod sa pangalan ko ang bata, pero alam niya na ako ang kanyang ama dahil lagi rin siyang dinadala sa akin ng kanyang ina. Lukso ng dugo, mahal ko ang aking anak at manang-mana sa akin. Quizon na Quizon talaga siya kahit sa pag-ihi," biro niya habang nagkukwento.

Lilipat na rin ng tirahan si Epi by next week. Nasa Green Meadows pa siya sa kasalukuyan, kasama sina Boy 2 at ang kanyang bestfriend. Kasama niya ang mga ito sa paglilipat sa bagong titirahan sa Greenhills. Pero iisa lang daw talaga ang kanyang mahal at pakakasalan. — Luz Candaba

vuukle comment

APAT

GANOON

GREENHILLS

ISA

JEFFREY QUIZON

LOS ANGELES

LUZ CANDABA

NASA GREEN MEADOWS

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with