^

PSN Showbiz

Hanna ready nang magpa-sexy

-
Masaya ang pasok ng Bagong Taon kay Hannagene Villame, anak ng komedyanteng si Yoyoy Villame. Kagagaling lang ng US ni Hanna, heto at sasabak na siya sa pelikulang Masamang Ugat na ididirek ni Willy Milan para sa Viva Films.

Sa pelikulang ito, handa si Hanna na magpa-sexy.

Dati, hanggang pa-sweety-sweety lang ang kaya niyang gawin.

‘‘Gusto kong subukan, kaso ayaw ko naman yung sobrang sexy," sabi ni Hanna.

Takot kasi siyang ma-shock ang mga fans niya na nakilala siya bilang isang singer.

Makakasama niya sa Masamang Ugat sina Rica Peralejo, Victor Neri at Mikey Arroyo at ang nagbabalik-showbiz na si Ace Vergel.

Hindi naman siya masyadong sexy dito at marami pa siyang puwedeng gawin. Pero hindi pa niya nakukumbinse ang Mommy Tess niya. Pero kung ang father niya ang tatanungin, wala nang problema.

Bukod sa nasabing pelikula, may mga naka-line ring concert si Hanna sa susunod na buwan. (Ulat ni Vir Gonzales)

ACE VERGEL

BAGONG TAON

HANNAGENE VILLAME

MASAMANG UGAT

MIKEY ARROYO

PERO

RICA PERALEJO

VICTOR NERI

VIR GONZALES

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with