^

PSN Showbiz

Polo nagselos sa halikan nina Onemig at Alessandra

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Magkasama sa pelikulang Message Sent sina Onemig Bondoc at Alessandra de Rossi. Tipong nagseselos nga si Polo Ravales na boyfriend ni Alex dahil sa mahabang kissing scene ng dalawa. Inamin ni Uno na malakas ang dating sa kanya ng aktres lalo na ang personalidad nito. Panay ang papuri ng aktor sa kapareha kaya tuloy naiinsekyur si Polo.

Ngayong malapit na ang Star Awards ay malakas ang laban ni Alex para sa best actress dahil sa napakahusay na pagganap sa pelikulang Munting Tinig.
Diana, Type Makatambal Ni Mayor Malonzo
Kasalukuyang nagsusyuting ngayon si Mayor Rey Malonzo sa Subic, Zambales para sa international movie na Where Eagles Strike kasama sina Eddie Garcia at Monsour del Rosario sa direksyon ni Cirio Santiago. Pinag-iisipan pa ang Tagalog title nito. Wala pa rin silang leading lady para kay Mayor Malonzo. Pero type niya si Diana Zubiri na makapareha.

"Sexy kasi siya at ang lakas ng dating sa akin. Sana si Ara Mina rin pero, busy siya sa syuting ng The Cory Quirino Rape Story. Kabado si Mayor Malonzo sa shooting day niya. Para siyang nanganganay. Sinabi niya na gusto niyang makasama sa pelikula balang araw si Lito Lapid.
Rochelle, Nagsosolo Na!
Malayo na ang nararating ni Rochelle Pangilinan, lider ng Sexbomb Dancers. Mainstay siya ng Daboy en Da Girl at Eat Bulaga. Mabenta rin ito sa mga TV appearances. Katunayan ay siya ang bida sa isang episode ng Kakabakaba ng GMA sa direksyon ni Eric Quizon.

Inamin ni Rochelle na kinabahan din siya sa pag-aakalang istrikto ang actor-director at kung ilang ulit siyang pinagpawisang mabuti. Pero naging komportable rin ang kanyang pakiramdam dahil cool lang ito at hindi naninigaw.
‘Sukdulan’, May Magandang Mensahe
Napanood namin ang Sukdulan noong Linggo at marami pa rin ang nanood nito dahil sa pagiging super daring ni Katya Santos. Kaya naman pala hindi ito tinanggap nina Rica Peralejo at Angelu de Leon — kailangan kasi nilang maghubad nang todo at gumanap ng napakaraming sexy scenes.
Naiibang Valentine’s Day
Hindi sa Feburary 14 iseselebrayt nina Gladys Reyes at Christopher Roxas ang Araw ng mga Puso kundi bago dumating ang araw na ito o kaya’y matapos ang mahalagang araw na ito. Kapwa sila miyembro ng Iglesia ni Kristo at hindi kalakaran sa kanila na ipagdiwang ang Araw ng mga Puso.

Bago sumapit ang araw na ito ay nagdi-date naman ang dalawa. Kumakain sila sa isang restaurant ng five-star hotel. Binibigyan din siya ng nobyo ng roses at tsokolate na parang valentine rin.

Natatawa nga si Mommy Zeny kapag ikinukwento na kapag nagkakatampuhan ang magnobyo ay si Chris din ang sumusuko at aamuin ang nobya. Kapag hindi siya nakapasok sa bahay ni Gladys lalo na kung dis-oras ng gabi ay doon ito sa kanyang kotse natutulog na nakaparada sa harapan ng bahay ng nobya. Kinabukasan maagang-maaga pa ay aamuin niya ito at sabay na silang nag-aalmusal.

Maraming nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay sweet pa rin ang dalawa at stable pa rin ang relasyon kahit sampung taon na silang magnobyo. Hindi ba sila nagkakasawaan? "Tita, kasi kaya kayo naiiip ay dahil matagal na ang relasyon namin. Pero nagsimula naman kaming mag-on noong 14 years old lang ako kaya parang hindi pa ito seryoso. Naging seryoso lang ang aming pagiging magnobyo noong 20 years old na kami. So wait na lang kayo at baka lumagay na kami sa tahimik next year. Pangarap namin na maging solemn ito at tahimik. Sa halip na bigas ang isasaboy sa amin paglabas namin ng simbahan ay type ko ang mga multi-colored na paru-paro. Di ba ang ganda?" sey ng aktres.

May nakalinya nang pelikula si Gladys titled Message Sent under Legacy Films.

vuukle comment

ALEX

ARA MINA

CENTER

MAYOR MALONZO

MESSAGE SENT

PERO

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with