Regine patay na patay kay Boyet!
February 6, 2003 | 12:00am
Walang anak this time si Christopher de Leon pero, katulad ng Wanted Perfect Mother kung saan sila unang nagkatambal ni Regine Velasquez, isang widower din si Boyet sa kanilang second team up ng singer sa Viva Films na pinamagatang Pangarap Kong Ibigin Ka.
Ang movie na nasa direksyon ni Louie Ignacio. Isang batikang commercial and TV director ay isang light romance, isang feel good movie.
"After 10 years, mas creative ngayon si Regine," simula ni Boyet nang pasyalan ng ilang movie writers sa set ng kanilang ginagawang movie.
"Mas matindi siya ngayon dahil lagi siyang may idinadagdag sa eksena, to enhance it. Alam na alam niya ang kanyang audience. Ako, pinanonood ko na lamang siya," dagdag pa ni Boyet.
Kung nung first team-up nila ay napaka-innocent ng kanilang mga eksena, dito sa ikalawa ay may bed scene sila. "Do you know that Im Reginess first screen kiss?" tanong ng magaling na aktor.
Marami ang matutuwa sa role ni Regine sa movie, isa siyang stalker ni Boyet na patay na patay dito. Una niya itong nakita sa burol ng asawa nito na kung saan ay nag-dedeliver ito ng eulogy. Humanga siya sa mga binitiwang salita ni Boyet tungkol sa namatay nitong asawa. Bago ito ay kakilala niya ang namatay na asawa ni Boyet. Madalas itong mamili ng antiques sa shop niya. Humanga rin ang asawa ni Boyet kay Regine dahilan sa alam nito ang lahat ng istorya sa kabila ng mga ibinibenta niyang antiques.
Ito ang naging simula ng pagsunud-sunod ni Regine kay Boyet. Maski sa sementeryo narun siya, kapag dinadalaw ni Boyet ang puntod ng asawa niya. Yung katabing libingan ng asawa ni Boyet ay sinabi niya rito na libingan ng namatay na boyfriend niya. Buti na lang never na tiningnan ni Boyet ang date ng birth at death ng nakalibing dun. Kung hindi nahalata agad niya si Regine!
May playdate ang Pangarap Kong Ibigin Ka na nagtatampok din kay Dingdong Dantes bilang isang manliligaw ni Regine.
Binigyan katwiran naman ni Boyet ang ginawa nilang walkout nung nakaraang MMFFP awards night.
"Wala nang dahilan para manatili pa kami run. Alam na namin ang kahihinatnan ng lahat, nag-party na lamang kami. Si Lualhati (Bautista) lang ang masasabing nag-walkout dahil andun pa kami nang manalo si Piolo (Pascual) at nang maging presentor si Vilma (Santos)."
Sinabi rin ni Boyet na nakisama siya sa rally ng mga kapwa niya artista sa Senado, hindi para tutulan ang 10% VAT kundi para alamin kung saan ba napupunta ang mga buwis na ibinabayad niya sa gobyerno na aniya ay lubhang may kalakihan.
"Hindi na maiiwasan ang pagbabayad dito dahil isa na itong batas pero, gusto ko lang itanong sana kung may kinapupuntahan ba ang malaking halaga na ibinabayad ko?" aniya pa.
Bilang humahawak ng dual citizenship, sinabi nito na nagbabayad siya ng buwis sa US at dito sa Pilipinas. "Pero, mas malaki ang ibinabayad kong tax dito. Gusto ko lang malaman na kung nagagamit ito para sa kapakanan ng mamamayan eh bakit sira-sira ang mga kalye natin?" dagdag pa niya.
Gustuhin man ni Boyet ay hindi siya pwedeng maglakbay hanggang di natatapos ang soap niya sa GMA na Ang Iibigin ay Ikaw. Ang kanyang kapareha na si Regine ay aalis agad for the US pagkatapos na pagkatapos ng kanilang shooting for a series of concerts.
Hindi rin siya worried na pasama nang pasama ang kanyang character dito dahil katwiran niya its just a role.
Amused ako sa ginawang press presentation ng Extra Extra nung Lunes (Peb. 3) sa Ratsky Morato. Selebrasyon ito ng ika-apat na taong anibersaryo ng nasabing programa.
Nagkaroon ng isang "Extra Porma" fashion segment ng show na mapapanood simula Peb. 10-14, 5:30 n..h., GMA at tatlo sa naging modelo nila ay mga movie reporters. Nagulat kaming lahat na makita ang mga kafatid sa hanapbuhay na rumarampa, pormadong-pormado, nakabihis ng pormal na itim na kasuotan, hindi ngumingiti o tumatawa man lamang at naka-ayos ang buhok. Talagang pinangatawanan nina Dondon Sermino, Dindo Balares at Marinelle Cruz ang pagiging fashion models at nagtagumpay naman sila. Nung makatapos sila ng kanilang gawain at saka pa lamang sila humagalpak ng tawa.
Sa Lunes, mapapanood ang mga hosts na sina Miriam Quiambao at Paolo Bediones nung wala pa sila sa showbiz. May fashion sense na ba sila nung nag-aaral pa sila? Kailan ba sila natutong maging mga slick dresser?
Isang linggo ang magiging selebrasyon ng anibersaryo ng Extra Extra.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended