^

PSN Showbiz

Mayor Rey Malonzo, binalikan ang pag-aartista

- Veronica R. Samio -
Nagsimula na ng photography kahapon sa Subic, Zambales ang pelikula na magtatampok muli kay Mayor Rey Malonzo. Pinamagatang Where Eagles Strike, kasama pa rin sina Eddie Garcia, Monsour del Rosario, Carlo Maceda at ang Hollywood actor na si Jack Palance sa direksyon ni Cirio Santiago.

Sa launching ng mga kandidata ng Mutya ng Caloocan, isang proyekto ng kanyang masipag na maybahay na si Gigi Malonzo na ginanap nung Biyernes ng hapon sa Munisipyo ng Lungsod ng Caloocan, sinabi ng nagbabalik-artista at pinunong bayan pa rin ng Caloocan na hindi lamang siya magbabalik-pelikula, gagawin pa rin niyang aktibo ang kanyang movie production outfit. Magpo-prodyus siya ng mga pelikula, dahilan para iwan muna niya ang kanyang tungkulin bilang chairman ng Metro Manila Film Festival Philippines para maasikaso rin ang marami niyang gawain para sa kanyang lungsod at mga constituents.

Nag-file rin ng leave for 18 days si Mayor para hindi makaapekto ang kanyang paggawa ng pelikula sa kanyang trabaho bilang mayor. Habang wala siya ay ang bise niya na si Tito Varela ang tatayong acting-mayor.

Ang tanong ko lamang ay bakit nawala sa eksena si Gov. Lito Lapid na sinabi niyang makakasama niya sa pelikula nung inilunsad naman ang MMFFP 2002?
*****
Hindi lamang naman si Jessa Zaragoza ang nagkakaroon ng insecurity kundi ang lahat ng babae na nag-iiba ang korte ng katawan dahilan sa pagbubuntis.

"Kaya nga sinasabi ko sa lahat ng kaibigan kong nagbubuntis o yung magbubuntis pa lamang na kailangan ay emotionally stable sila bago mag-asawa. Ako nga kapag nakikita ko ang sarili ko sa salamin ay nakakaramdam ako ng takot, ng insecurity. Dati kasi mga 22 inches lang ang waistline ko, ngayon 32 na yata. Paano kung hindi bumalik sa dati ang katawan ko? Pero, ginagawa ko na lamang positibo ang pananaw ko," pagtatapat niya.

Despite her pregnancy, Jessa continues to manage their household. "Hindi nga ako nagluluto, iniuutos ko lang ito pero, hanggang sa pagbili ng sili, inaasikaso ko. Kahit may ibang namamalengke, ako naman ang naggo-grocery," aniya.

Kung sa grocery nakakapunta si Jessa, off limits naman siya sa mga malls. Hindi siya pinapayagang mag-mall-tour dahil wala pa siyang immunization.

Sa TV nakakapunta siya. Nakakapag-taping nga siya ng Bituin na binalak niyang i-give up dahilan sa kondisyon niya. Grateful siya na ang ABS-CBN na ang nag-adjust para lamang makapagpatuloy siya ng kanyang trabaho sa serye pero, hindi na siya nago-overnight.

Katulad ng ibang mga couple, may plano rin for Valentine sina Jessa at Dingdong.

"Balak naming umakyat ng Baguio after Dingdong’s Ratsky-Morato concert para makapag-relax naman. At para magamit ko na rin yung regalo ni Dingdong sa akin nung birthday ko, isang Mark lll," walang pagyayabang na sabi niya.
*****
E-mail at: [email protected]

CALOOCAN

CARLO MACEDA

CIRIO SANTIAGO

EDDIE GARCIA

GIGI MALONZO

JACK PALANCE

JESSA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with