Jolina magco-computer na lang kung walang date sa Valentine's Day
February 4, 2003 | 12:00am
Napaka-successful nga ng career ni Jolina Magdangal pero, ang lungkot-lungkot naman dahil wala siyang ka-Valentine. Twenty four years old na siya pero, never pa siyang nagka-boyfriend. Ni hindi na niya maalala yung kanyang naging first love.
"Pero, hindi naman ako nalulungkot. Kung sakaling walang mag-ask sa akin ng date, okay lang, baka mag-computer na lang ako. Pero, mayroon naman akong gagawin sa Valentines Day. May trabaho ako, isang corporate show sa isang bangko," ang sabi niyang walang pagkukunwari.
Sa halip na malungkot dahil hindi pa talaga dumarating ang pag-ibig sa kanya bagaman at mayroon siyang inspirasyon bukod sa kanyang pamilya, isang lalaki na may sense of humor, pinapatawa siya, inaalala. "Okay na sa akin ang ganito," aniya, mas ginugugol ni Jolina ang kanyang panahon sa paghahanda para sa nalalapit niyang concert sa March 1 sa Araneta Coliseum titled Jolina Mania with the Hotlegs and Butch Miraflor as musical director.
Hindi pa rin niya napi-feel ang pressure na hatid ng kanyang first major concert, o ang hindi mapasusubaliang katotohanan na napakalaki ng kanyang venue. Buong isip niya ay naka-sentro muna sa kung ano ang gagawin niya sa show para mapa-iba ito sa ibang mga nagawa na niya o para mapaiba ito sa mga ginawa na ng ibang mga artists na tulad niya.
Maging ang balita na tatapatan ang konsyerto niya ng isang libreng palabas ng network na iniwan niya ay hindi pa tumatatak sa kanyang utak. Baka, bukas, kapag naisip niya ito at ang iba pang problema na kalakip ng isang ganito kalaking palabas ay nerbyusin na siya. Pero, bukas pa ito, ngayon, gusto niya munang manahimik.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am