^

PSN Showbiz

Pamangkin ni Alma Moreno tinatalo siya sa pag-arte

-
Tinalo ni Crystal Moreno ang tita niyang si Alma Moreno sa pag-arte!Si Crystal Moreno ang bida sa episode ng Pira-Pirasong Pangarap na Unwanted at kasama niya rito sina Cherrie Pie Picache at Camille Roxas.

Madugo ang taping nila at heavy drama naman ang nasabakan ng bagets na ito. Pero namangha ang lahat sa kagalingang ipinakita niya.

Mabigat ang role na pino-portray ni Crystal. Kasi, estudyante siya rito from elementary to college. Na-rape siya sa episode na ito at talagang na-justify niya ang kanyang role.

Ang galing umarte ni Crystal. Sabi pa nila, sa edad na 14, mas angat na siyang umarte kesa sa kanyang Tita alma. Dahil nu’ng ganyan ang edad ni Alma at nagsisimula pa lang siya noon sa movie industry, hindi siya ganun kalalim umarte compared sa kanyang pamangkin.

Kakaiba ang dating ng bagets na ito. At bukod pa roon, mas maganda pa ito kay Alma. Talbog din di-umano siya sa kagandahang angking ng kanyang pamangkin, huh!

Pati si Albert Martinez, ang direktor sa episode na Unwanted na i-air on February 3 to 7 from 3:30 p.m. to 4:00 p.m. ay namangha sa ipinakitang gilas ng batang bida. Puring-puri niya ang dalaginding ng pambagets na show ng GMA-7 na Click kapareha ni Lester Llansang, Saturday dahil sa husay at taas ng energy nito. Dahil bukod sa laging take one ito, wala itong reklamo kahit umabot sila ng 24 hours ng taping nila for the second day. Jun Estado Joma

ALBERT MARTINEZ

ALMA MORENO

CAMILLE ROXAS

CHERRIE PIE PICACHE

CRYSTAL MORENO

DAHIL

JUN ESTADO JOMA

LESTER LLANSANG

PIRA-PIRASONG PANGARAP

SI CRYSTAL MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with